You are on page 1of 19

BAAO COMMUNITY COLLEGE

Baao, Camarines Sur


Email: baaocommunitycollege@gmail

KABANATA II

KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Bawat guro ay may layuning makapag-iwan ng kakintalan sa isip at puso ng

bawat mag-aaral. Hangarin niya na makapag-dulot ng pagbabago sa buhay ng mga

batang sa pagdating ng panahon ay magiging sandigan ng ating lipunan dangan ang

pagkatutong bumasa ng mga mag-aaral sa primary ay kinakailangan. Inilalahad ng

bahaging ito ang mga kaugnay na pag-aaral at literatura sa isinasagawang pag-aaral.

Marungko Approach

Ayon sa pag-aaral ni Leodigaria Laud-Reyno, na pinamagatang “Ang Marungko

Approach: Sagot sa Mabilisang Pagkatuto ng mga Bata sa Pagbasa”. Ang isa sa

pinapamahirap na gawain ng isang guro ay ang maturuang bumasa ang isang bata.

Alam ng lahat na ang bata ay dapat na maihanda bago pa man siya tuluyang maging

bihasa sa pagbasa. Ang kahandaan nito ay nasusukat sa pamamagitan ng mga tseklist

at iba pang kagamitang pang-edukasyon. Kapag nagawa na lahat ng guro ang mga

hakbang na ito, makikita niyang maaari ng bumasa ang bata kung kaya’t mag-uumpisa

na niyang tuklasin ang kakayahan ng mag-aaral sa larangang ito.

Ang “Marungko Approach” ay ipinakilala ni Nooraihan Ali, asawa ng Ministro ng

bansang Malaysia sa dalawang guro ng Marungko, Bulacan. Sa pamamaraang ito,

unang natututuhan ng bata ang mga tunog ng bawat titik ng Alpabetong Filipino o ang

tinatawag na “Mastery of Sounds of Letter” sa Ingles. Ginagamitan ito ng “phono-

syllabicc technique” o pagbusisi sa tunog ng bawat titik upang mapagsama ito at


BAAO COMMUNITY COLLEGE
Baao, Camarines Sur
Email: baaocommunitycollege@gmail

makabuo ng pantig-tunog. Sa “Marungko Approach” titiyaking

ang tunog ang unang maituro ng guro hindi ang ngalan ng letra. Sa paggamit ng

pamamaraang ito, mas madaling mauunawaan ng bata ang bawat titik at mas maaga

siyang matututong bumasa lalo na sa mga pananalitang ginagamit sa bahay o “Mother

Tongue”.

Ang Marungko Approach ay ang isang paraan ng pagtuturo sa pagbasa ng

Filipino. Ito ay ang unang hakbang para sa madaling pagkatuto ng isang bata magbasa

at makaunawa sa kanyang binabasa. Ito ay gumagamit ng 28 titik ng makabagong

alpabetong Filipino na itinuturo sa ganitong pagkakasunud-sunod: m, s, a, i, o, b, e, u, t,

k, l, y, n, g, ng, p, r, d, h, w, c, f, j, n, v ,x, z.

Pagbasa

Ayon kay Goodman, ang pagbasa ay nagiging makahulugan kung may

interaksyon ang mambabasa at ang teksto. Ginagamit ng bumabasa ang mga dati

niyang kaalaman at karanasan upang iugnay sa binabasa at sa ganitong paraan

mauunawaan ang binasa, ang pagbibigay din ng interpretasyon ay nagmumula sa mga

nabubuong katanungan habang siya ay nagbabasa. Ginagamit ng mambabasa ang

kanyang mga nalinang na kasanayan at nakalipas na karanasan upang mabigyan niya

ng katiyakan ang mga nabuong hinuha.

Binigyan diin ni Groins na ang matagumpay na pagbasa ay di lamang may

kinalaman sa kakayahang maisaisip ang kabuuang salita, parirala o pangungusap,

kundi mapansin din ng ang mga salita at mga bahagi nito. Ang pagtingin sa kabuuang
BAAO COMMUNITY COLLEGE
Baao, Camarines Sur
Email: baaocommunitycollege@gmail

lamang ng salita, ngunit walang masusing pagsusuri sa mga

bahagi nito ay maaring maging sagabal sa pagbasa.

Ayon kina Baker at Brown, ang interaktibong pagbabasa ay tumutukoy sa

kaalaman at pagkontrol sa sariling pag-iisip at mga gawain sa pagkatuto ng mga mag-

aaaral. May kakayahan ang mga mambabasa na gumamit ng kanilang sariling

istratehiya sa pagbabasa at sa pamamagitan nito, nabibigyan nila ng kahulugan ang

mga binasang teksto.

Ayon kay Guiab, ang kasanayan sa pagbasa, pag-uugali, at pantaong

kahalagahan ay mga mahahalagang element sa pagkatuto sa pagbasa. Ang guro ang

siyang dapat maguna sa pagbibigay ng suporta, gabay at determinasyon sa

pagbabasa.

Ang pagbasa ay ang pinakamahalagang asignaturang dapat matutuhan ng mga

bata sa pagpasok niya sa paaralan sapagkat nakasasalalay rito ang kaniyang

tagumpay sa pag-aaral. Ang mga dalubhasa sa edukasyon ay maaaring makakaiba sa

puntong ibig nilang bigyang diin ngunit lahat sila ay nagkakaisang mahalaga ang

pagbasa.

Sinang-ayunan ito ni Eustaquio na ayon sa kaniya, ang pagbasa ang siyang

pandayan ng lahat ng kasanyang pagkatuto. Kapag ang bata ay nabigong matutuhan

ang mga batayang kasanayan, kailan man ay hindi na sila makakaasa pang

magtagumpay sa ibang disiplinang kailangan nilang pag-aralan at matutuhan. Kaya nga

mula antas elementarya hanggang sa kolehiyo, paulit-ulit na itinuturo ang apat na


BAAO COMMUNITY COLLEGE
Baao, Camarines Sur
Email: baaocommunitycollege@gmail

kasanayang pangwika, pakikinig, pagsasalita, pagbasa, at

pagsulat. Natural na matuttuhan ng isang normal na tao ang making at magsalita subalit

ang pagbasa at pagsulat ay kailangang maturuan ang mga mag-aaral lalo na sa

pagbasa sapagkat ito ang pangunahing instrumento sa pagdukal ng iba’t ibang

karunungan at kaalamang pantao.

Ayon naman kay Lalunio, na ang layunin ng pagbasa ay malinang sa mga mag-

aaral ang pagbasang may pag-unawa o komprehensiyon. Ang pagbasa ay hindi

simpleng pagbigkas ng lamang ng mga letrang bumubuo sa mga salita.

Nangangahulugan na may pagbasa lamang na nagaganap kapag naiintindihan ng

mambabasa ang tunay na ibig ipakahulugan ng awtor.

Ayon kay Claveria, marami sa matatalinong bata sa unang baitang ang mabilis

matuto at makabasa ng kompleto kahit sa unang dalawang buwan pa lang ng pasukan.

Upang lalong madaling bumilis ang kanilang pagbasa at pag-unawa, iminumungkahi

niyang bigyan ang bawat bata ng isang aklat na may kuwento, tula magagandang talata

na may mataas na uri ng tanong na matatagpuan sa hulihang bahagi ng babasahin.

Binanggit naman ni Villamen, na ang pagbasa ay lagi nang may kaugnayan o

iniuugnay sa wika. Napakahirap sa isang mambabasa na makaunawa sa anumang

nakasulat sa wikang hindi niya alam. Ang pagbasa ay isa mismo sa mga kasanayang

pangwika. Walang pagbasa kapag walang wikang naisa titik. At sa bawat pagbasa, may

kaniya-kaniyang wikang ginagamit ang anumang disiplina.


BAAO COMMUNITY COLLEGE
Baao, Camarines Sur
Email: baaocommunitycollege@gmail

Iminungkahi ni Ronda sa kaniyang pag-aaral tungkol sa

kabisaan, kahinaan at pag-unawa ng mag-aaral sa unang baitang bilang batayan sa

mga kasanayan sa panimulang pagbasa na kinakailangang ibatay ang mga babasahin

sa propayl ng mag-aaral at magbigay ang mga guro ng iba’t ibang kasanayan upang

masa lalong maging mabisa ang kanilang pagtuturo sa panimulang pagbasa.

Ayon naman kay Suruiz, ang pagbasa ang siyang pinakamahalagang asignatura

sa kurikulum sapagkat walang matutuhan ang mga mag-aaral sa ibang aralin kung hindi

sila marunong magbasa. Maaaring gamitin ng mga guro ang mga angkop at kawili-wili

nilang karanasan sa panimulang pagbasa upang mas malinang ng mga mag-aaral ang

nasabing kasanayan. Nakasalalay sa kahandaan ng pagbasa ang ikatatagumpay o

ikabibigo ng mga mag-aaral.

Mayroong apat na antas ang pagbasa, ang unang antas ng pagbasa ay

ang mga sumusunod: (1) pagpapakilala ng mga larawan ng mga bagay na nagsisimula

sa tunog na pinag-aaralan, (2) pagpapakilaal ng tunog ng titik na pinag-aaralan, (3)

pagpapakita ng hugis ng tunog ng titik na pinag-aaralan, (4) pagpapakilala ng titik na

pinag-aaralan, (5) pagpapasulat ng hugis sa hangin, sa sahig, sa palad, at iba pang titik

na pinag-aaralan, (6) pagpapasulat ng hugis ng titik na pinag-aaralan sa papel at, (7)

pagpapasulat ng sinimulang tunog ng titik na pinag-aaralan. Ang ikalawang antas ng

pagbasa ay ang pagsasama-sama ng mga tunog upang makalikha ng isang

makabuluhang salita. Ang ikatlong antas ng pagbasa ay ang pagpapakilala ng mga

pantulong na kataga, halimbawa: ang, mga, si ay, ng, at kay. Ang ikaapat na pagbasa

naman ay ang pagbuo ng mga parirala at pangungusap na sumasagot sa tanong na


BAAO COMMUNITY COLLEGE
Baao, Camarines Sur
Email: baaocommunitycollege@gmail

sino? ano? saan? nasaan? at kanino?, pagbasa ng maikling

kuwento, at pagsagot ng mga tanong tungkol sa kuwento.

Mother Tongue

Ayon sa ulat ng UNESCO (2003), tinukoy nilang ang mga batang natutong

bumasa at sumulat sa unang wika bago matuto ng ikalawang wika ay mas matagumpay

sa pag-aaral kumpara sa mga kamag-aral nilang hindi natutuhan nang lubos ang wika.

Sinusugan naman ito ni Lundberg (2002) sa pagbanggit ni Scott, (2009), na maraming

mga pananaliksik ang nagpapatunay ng positibong ugnayan ng unang wika sa

pagkatuto ng pangalawang wika.

Sa pahayag ni Corson (2001), may karapatan ang batang matuto sa

lengguwaheng katulad ng sinasalita sa kanilang sariling tahanan, at dapat din silang

bigyan ng pagkakataon na matutuhan ang kanilang katutubong wika sa posibleng

pinakamataas na lebel ng kasanayang lingguwistika, lalo na ang pagkakaroon ng

malawak na bokabularyo sa pag-unawa ng pinag-aaralan. Dito, makakapahayag sila ng

kanilang sariling opinyon, makapagpaliwanag ng mga bagay-bagay, makalilikha ng mga

babasahin. Lubos na gumagana ang kaniyang pag-iisip at naipapakita ang kaniyang

angking talino.

Isa sa mahalagang pagbabago sa Edukasyon sa Pilipinas ay ang midyum ng

pagtuturong gagamitin sa paaralan. Binigyang-halaga ang paggamit ng Mother Tongue

o unang wika sa pagtuturo ng mga asignatura lalo na sa pre-school at unang tatlong

baitang ng elementarya. Nagpalabas ang kagawaran ng Edukasyon ng Kautusan Blg.


BAAO COMMUNITY COLLEGE
Baao, Camarines Sur
Email: baaocommunitycollege@gmail

74, Serye 2009 hinggil sa pagpapatupad ng Mother Tongue

Based Multilingual Education Education sa pagtuturo ng pre-school hanggang ikatlong

baitang sa Elementarya.

Mas mataas ang pagganap at pagkatuto ng mga mag-aaral kung gagamitin ang

kanilang unang wika (Walter at Dekker, 2008), tinutukoy rito ang kahalagahan ng

wikang katutubo sa matagumpay na pagtatamong kaalaman ng mga mag-aaral.

Sa paggamit ng Mother Tongue at pagkatuto ng isang mag-aaral, dahil

nauunawaan na niyang mabuti ang wikang ginagamit bilang midyum ng pagtuturo,

maiisip na magiging madali sa kanila ang paggamit ng mataas na lebel ng kasanayang

pangkaisipan sa mga gawaing pasalia at pasulat. Nakapag-iisip siya ng malalim sa

wikang kaniyang nauunawaan at higit siyang nakapagsusuri at nakapagpapahayag.

Ang mother tongue ang siyang wikang panturo sa mga bansang tulad ng

Alemanya, Amerika, Britanya, at marami pang progresibong mga bansa at ito marahil

ang makapagpapaliwanag kung bakit nauuna sila sa pag-aaral at pagkatuto sa halos

lahat ng bagay (Malone, 2010).

Isa sa una at pangunahing tagapagsulong ng pagtuturo ng Mother Tongue sa

komunikatibong klasrum ay si David Atkinson (1987). Tinukoy ni Atkinson ang

metodolohikal na agwat sa literatura sa gamit ng mother tongue. Ang pananaw niya sa

pag-aaral na ito ay repleksiyon ng kaniyang personal na karanasan bilang guro at hindi

resulta ng komparatibong natamo ng mga mag-aaral sa iba't ibang paraan.


BAAO COMMUNITY COLLEGE
Baao, Camarines Sur
Email: baaocommunitycollege@gmail

Ang mga lokal na wikang ito ay gagamitin sa pagtuturo sa

mga bata sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa ilalim ng programang K-12. May

paniniwalang mas madaling matuto ang mga batang mag-aaral kung ang kanilang

mother tongue o unang wika ang wikang panturo ng mga guro. Ang mga karagdagang

wika ito ay ituturo rin bilang asignatura.

Tinukoy ng DepEd noong 2012 ang labindalawang wikang gagamitin sa

pagtuturo. Ito ang Tagalog, Kapampangan, Pangasinense, Iloko, Bikol, Cebuano,

Hiligaynon, Waray, Tausug, Maguindanaoan, Maranao at Chavacano. Samantala,

ngayong taon ay nakabilang ang pitong bagong asignatura ng Mother Tongue sa mga

katutubong wikang gagamitin sa loob ng paaralan: Ang Ybanag para sa Lalawigan ng

Cagayan at Isabela at Lungsod ng Tuguegarao; Ivatan para sa Batanes; Sambal para

sa Zambales; Akianon at Kinaray-a para sa Lalawigan ng Aklan at Capiz. Yakan para

sa Lalawigan ng Basilan; Surigaonon para sa mga Lalawigan ng Surigao at Lungsod ng

Surigao.

Sa resulta ng Functional Literacy ang Mass Media Survey (FLEMSS),tinatayang

46 bahagdan ng mga Pilipino ng walang pang-unawa at hindi makabasa ng maayos.

Milyong-milyong Pilipino rin ang hindi pa rin marunong magsulat. Ang nakakalungkot sa

resultang ito ang nag-udyok sa Kagawaran ng Edukasyon na pagtibayin ang paggamit

ng mother tongue o ang wikang ginagamit sa pakikipagtalastasan sa isang lugar bilang

wikang panturo. Ayon sa sinasaad na DepEd Order No. 74. Sa utos ng administrasyon

ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, ipinatupad ng Department of Education

(DepEd) Order 74 noong 2009 upang maipanukala ang paggamit ng wikang kinagisnan
BAAO COMMUNITY COLLEGE
Baao, Camarines Sur
Email: baaocommunitycollege@gmail

sa pagtuturo. Sinasabing sa pamamagitan nito, mas

mapapaunlad at maiaangat ang kalidad ng edukasyon sa bansa. Kapag mataas ang

kalidad ng edukasyon, mas magiging produktibo rin ang mga mag-aaral at ang mga

mamamayan sa kinabukasan. Dagdag pa rito, inaasahang sa pamamagitan ng

hakbang na ito ay mas mapapaunlad din ang tila pasang-awang resulta ng FLEMMS.

Mahigit pitong dekada na ang lumipas ng tayo ay magkaroon ng wikang pambansa,

ngunit magpahanggang ngayon ay hindi pa rin natin masasabing lubos nga ang

pagpapahalagang ibinigay natin dito. Sa katunayan, usapin pa rin ang pagpapa

hanggang ngayon kung may kakayahan nga ba ang wikang Filipino na

makipagsabayan sa iba pang-global na wika ng mundo. Hanggang sa umusbong

nanaman ang panibagong programa na ipinanukala ng Departamento ng Edukasyon.

Ang paggamit ng mother tongue sa pag-aaral. Ang mother tongue ay ang salita o

lenggwahe na ginagamit sa partikular na lugar na hindi naiintindihan ng ibang lugar

dahil sila ay mayroon ding sariling mother tongue o diyalekto dahil ang ibang mag-aaral

maging ang mga guro ay nasanay na sa tradisyong paraan ng pagtuturo at pag-aaral.

Mas mapapabilis ba ang pagkakatuto ng mga mag-aaral? Naniniwala ang kagawaran

na sa pamamagitan nito ay mas tataas ang kalidad ng edukasyon. Anila, ay Ingles at

Tagalog lang ang ginagamit sa pagtuturo kaya mahirap ang batang umintindi.

Ayon kay DepEd Assistant Secretary Armin Luistro, “Mas madaling matutunan

‘yong konsepto ng mga aralin ‘pag ginagamit ay ‘yong kanilang nakagisnang wika.”

Kaya naman mula sa pamamagitan ng bilingual education sa lumang curriculum,


BAAO COMMUNITY COLLEGE
Baao, Camarines Sur
Email: baaocommunitycollege@gmail

sinimulang ipinatupad ang paggamit ng Mother Tongue–Based

Multilingual Education noong 2012 bilang bahagi ng pagsusulong ng K-12 curriculum.

Ayon kay DepEd Assistant Secretary Tonisino Umali, “Sa kinagisnang

lenggwahe, mas madaling maiintindihan ang mga konsepto at mas ma-a-abosorb ng

bata,” Isang halimbawa ng paggamit ng mother tongue ay sa pagtukoy ng uring hayop

ay ‘ido’ sa wikang Hiligaynon, ‘aso’ sa tagalog at ‘dog’ sa Ingles.

Sa ngayon nga ay mother tongue o kinagisnang wika na ang gagamitin sa

pagtuturo mula kinder hanggang sa baiting tatlo (3), maliban nalang sa asignatura na

Ingles at Filipino. Subalit pagdating ng baiting apat (4) hanggang baiting labing dalwa

(12), Ingles na ang gagamitin sa karamihan ng mga asignatura. Sa kasalukuyan, labing

siyam (19) na wika ang aprubado ng DepEd para gamitin ng mga guro bilang midyum

na pagtuturo sa paaralan. Kabilang sa labing siyam(19) na napiling dayalekto ng DepEd

para sa bagong panuntunang ito ang Tagalog, Kapangpangan, Pangasinense, Ilokos,

Bikol, Cebuano, Hiligaynon, Waray, Tausug, Maguindanaoan, Maranao, at

Chabacano.Tiwala ang ahensya na sa pamamagitan ng Mother Tongue-Based

Multilingual Education mas malayang maipapahayag ng mga batang mag-aaral ang

kanilang mga sarili at kaalaman sa klase.

Sa paggamit ng Mother Tongue, hindi mapapaunlad ang communication skills ng

mga mag-aaral, bagkus mas mapababa pa. Dagdag pa rito, tila hindi na rin natin

nabibigyan ng halaga ang tinaguriang wika ng mundo, maging ang wikang sumisimbolo

sa ating pagka-Pilipino.
BAAO COMMUNITY COLLEGE
Baao, Camarines Sur
Email: baaocommunitycollege@gmail

Ang “Mother Tongue” ay ang unang salita o wika na ating

natutunan sa pagkabata. Kabilang sa mga ito ay ang 12 na pangunahing wika ng

bansa: ang Tagalog, Kapampangan, Pangasinense, Iloko, Bikol, Hiligayanon, Cebuani,

Waray, Tausug, Maguindanao, Maranano, at Chavacano.

Bilang pagsuporta sa mandato ng Department of Education (DepEd) sa

paggamit ng mother tongue sa pagtuturo sa mga batang mag-aaral ay ipinapatupad ng

kagawaran sa Cordillera ang pagbibigay ng leksyon gamit ang mother tongue-based-

multilingual education. Ang mother tongue ay ang wikang ginagamit sa bahay o

nakamulatan ng isang mag-aaral.

Naniniwala ang DepEd na ang paggamit ng mother tongue sa mga unang taon

ng edukasyon ay makakatulong sa mas epektibo at mabilis na pagkatuto ng mga mag-

aaral. Lumabas sa ilang pananaliksik na ang unang wikang nakamulatan ng isang bata

ay malaki ang naitutulong sa mabisang pagsagap nito ng mga kaalaman.

Sa ilalim ng DepEd Order No. 16, Series of 2012 o Guidelines on the

implementation of the Mother Tongue-Based-Multilingual Education (MTB-MLE) ay

ipinatutupad bilang isang asignatura mismo at bilang kasangkapan sa pag-aaral mula

kinder hanggang ikatlong baitang.

Ginagamit ang 12 pangunahing wika ng bansa sa pagtuturo sa lahat ng

asignatura maliban sa Filipino at Ingles. Ito ay ang Tagalog, Pangasinense, Bikol,

Kapampangan, Hiligaynon, Waray, Tausug, Cebuano, Maguindanoan, Maranao,

Chabacano at Iloko.
BAAO COMMUNITY COLLEGE
Baao, Camarines Sur
Email: baaocommunitycollege@gmail

Ayon kay Ethielyn E. Taqued, education program

supervisor ng DepEd-Cordillera, Iloko ang kinikilalang mother tongue sa rehiyon ng

Cordillera. Sang-ayon din siya sa pagtataguyod ng MTB-MLE dahil wala naman siyang

nakikitang negatibong epekto nito sa mga guro, mag-aaral, at pati na sa lipunan. Aniya

ay makakatulong ito na mas maintindihan at maunawaan ng isang mag-aaral ang isang

partikular na leksyon.

Isa rin sa nakitang solusyon ng DepEd ay ang pagsasalin ng wika sa mga

pagsasanay na libro mula kinder hanggang ikatlong baitang upang mas mabatid ng

mag-aaral ang mga pagsusulit na ibibigay ng guro.

Ang MTB-MLE, sa ilalim ng DO16, s.2012, ay nagsimulang ipinatupad sa mga

pampublikong paaralan sa bansa noong school year (SY) 2012-2013 para sa

Kindergarten hanggang sa ikatlong baitang bilang bahagi ng K to 12 Basic Education

Program. 

Nilagdaanni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino noong ika-15 ng Mayo taong

2013 angisinabatas na R. A. 10533 (Enhanced Basic Education Act of 2013) o mas

kilalabilang K-12 Curriculum. Ayon kina Estrada at Gargantiel (2013), ang batas na ito

ay nagsasaad na ang mga mag-aaral ay kailangang sumailalim sa mga baitang mula

Kinder hanggang Grade 12 sa kanilang pag-aaral ng batayang edukasyon. Ang mga

antas na ito ay binubuo ng pitong (7) taon sa primary education kasama ang

Kindergarten, apat (4) na taon sa Junior High School at dalawang (2) taon sa Senior

High School na may kabuuang labing-tatlong (13) taon. Kaangkla din sa batas na ito ay
BAAO COMMUNITY COLLEGE
Baao, Camarines Sur
Email: baaocommunitycollege@gmail

ang pagpapatupad ng sistemang Mother Tongue-Based

Multilingual Education (MTB-MLE).

Ang MTB-MLE ay ang paggamit ng mga mag-aaral ng kanilang unang wika (L1)

bilang wikang panturo mula Kindergarten hanggang ikatlong baitang. Isa ang Pilipinas

sa may maraming wikang ginagamit bilang dialekto ng wika ng mga Filipino nakung

saan mayroong humigit kumulang 181 na lengguwahe na naging sanhi ng pagkakaroon

ng problema ng Kagawaran ng Edukasyon sa pagpaptupad ng nasabing sistema.

(Estrada & Gargantiel, 2013).

Ayon kay Kalihim Mona Valisno ng Kagawaran ng Edukasyon, layunin ng MTB-

MLE na makapaghubog ng “lifelong learners” na bihasasa paggamit ng unang wika, ng

pambansang wika, at iba pang salita kagaya ng Ingles. May mga pag-aaral na

nagpatunay ng mabuting bunga ng MTB-MLE, sinasabing madaling maunawaan ng

mga mag-aaral ang leksyon dahil ang ginagamit na salita o wika ay ang wikang

kinagisnan.

Ayon kay Director Paraluman Giron ng DepEd Region IV-A maging ang isa sa

mga masugid na tagatangkilik ng MTB-MLE, sa unang taong pag-aaral ng mga bata

mahalagang gamitin ang unang wika upang masanay sila sa mas malawak na pag-iisip.

Binigyang diin din ni Giron, kung gagamitin ang unang wika sa pagtuturo sa mga bata

masasanay sila sa pagsasagot at pagtatanong ng “bakit” na siyang susi sa mas malalim

na pagkaunawa. (PIAAchieve News Reader, 2010)           


BAAO COMMUNITY COLLEGE
Baao, Camarines Sur
Email: baaocommunitycollege@gmail

Ayonkina Abad at Ruedas (2001), sinasabing ang

pinakamalinaw at magiging gamitin na wikang panturo sa mga nag-uumpisa pa lang

mag-aral upang malaman ang kahulugan at maintindihan ang pananaw ng bawat tao sa

kanilang mundong ginagalawan ay ang wikang kanilang naintindihan at madalas na

gamitin. 

Ayon kay Kooy at Hulshof, Ang katutubong wika, ang sariling wika ng isang

bansa, ay sumasalamin sa kultura at pagkakakilanlan nito. Hindi kataka-taka,

naaapektuhan at hinuhubog nito ang edukasyon sa katutubong wika sa edukasyon ng

guro sa mga unibersidad at bilang asignatura sa paaralan. Ang pagkakaiba-iba ng

kultura sa buong mundo at ang mga transmigrasyon na nagreresulta sa mga

multikultural na bansa ay nagpapahirap sa patuloy na pagtukoy ng magkabahaging

pag-unawa sa mga pangunahing konsepto at kasanayan na kinakailangan sa

edukasyon ng guro at sa mga paaralan.

Ayon kay T. Gorham at J. Gorham, halos lahat ng mga bata ay nagsisimulang

mag-aral ng kanilang sariling wika sa pamamagitan ng pakikinig sa wikang sinasalita sa

kanilang paligid at pagkatapos ay ginagaya ang pananalita sa isang pagsasanay na

karaniwang tinatawag na "daldal." Mula sa simulang ito, gumawa sila ng paglipat sa

paggamit ng mga salita, parirala, at kumpletong pangungusap.

Ayon kay Skinner at Latchford, karamihan sa mga tagapayo ay nakakatagpo

ng mga sitwasyon kung saan nakakita sila ng mga kliyente na may ibang katutubong

wika. Sa ibang mga sitwasyon, magkakaroon ng mga hadlang sa linggwistika na


BAAO COMMUNITY COLLEGE
Baao, Camarines Sur
Email: baaocommunitycollege@gmail

kailangang malampasan. Sa mga lugar kung saan may malaking

bilang ng mga imigrante na gumagamit ng wikang kanilang minana, maaaring nag-set

up ang mga lokal na awtoridad ng espesyal na pasilidad.

Ayon kay Klein, Ang maliwanag na kadalian at bilis kung saan ang mga bata,

sa kabila ng mali at hindi sapat na input, ay naging perpektong tagapagsalita ng

kanilang sariling wika ay humantong sa pagpapalagay na ang isang malaking bahagi ng

kinakailangang kaalaman sa linggwistika ay likas. Dahil ang bawat bagong panganak ay

maaaring matuto ng anumang wika, ang likas na kaalaman na ito ay dapat na unibersal,

at ito ay ang 'universal grammar' (UG) na siyang tamang object ng linguistic theory.

Ayon kay Reken, ang isyu ng maramihang pag-aaral ng wika ay maaaring

lumikha ng mga espesyal na hamon sa kanilang mga taon ng pag-aaral. Maraming mga

bata ang pumapasok sa paaralan kung saan ang kanilang sariling wika ay hindi ang

wika ng pagtuturo. Habang ang bata ay maaaring matuto ng wikang ginagamit sa

paaralan, kung ang mga magulang ay hindi matatas sa wikang ito, ang bata ay

maaaring magkaroon ng kaunting tulong kapag ang mga proyekto ay itinalaga bilang

takdang-aralin.

Ayon kay Bachman, Ang pagsusuri sa pangalawang wika ay may kinalaman sa

pagsukat at mga isyung etikal na lumilitaw sa mga setting kung saan tinatasa ang

kahusayan ng mga indibidwal sa isang wika na hindi kanilang sariling wika o unang

wika, o kung saan ang kanilang kaalaman at kasanayan ay tinatasa sa isang wikang

hindi doon. Ang mga halimbawa ng una ay kinabibilangan ng mga pagtatasa ng

pangalawa o dayuhang-language na kasanayan ng mga English-language learners


BAAO COMMUNITY COLLEGE
Baao, Camarines Sur
Email: baaocommunitycollege@gmail

(ELLs) sa mga paaralan, mga internasyonal na mag-aaral na

naghahanap ng pagpasok sa mga unibersidad kung saan ang wika ng pagtuturo ay

para sa kanila, mga indibidwal na naghahanap ng propesyonal na sertipikasyon para sa

o trabaho. sa mga posisyon na nangangailangan ng kasanayan sa isang, o mga

indibidwal na naglalayong mangibang-bayan sa isang bansa kung saan ang

nangingibabaw na wika ay para sa kanila.

Ayon kay Arnfast at Holmen, ang unang pangunahing paradigm ng teorya ng

pagkuha ng wika ay ang behaviorist-structuralist na paaralan na alam ng contrastive

hypothesis. Ito ay binuo sa obserbasyon na ang mga nag-aaral na may karaniwang

mga katutubong wika ay nagkaroon ng katulad na mga paghihirap sa mga partikular na

wikang banyaga. Ang pangkalahatang prinsipyo ng hypothesis ay ang mga kahirapan

sa pag-aaral ng pangalawa o banyagang wika ay sanhi ng mga pagkakaiba sa

istruktura sa pagitan ng katutubong wika ng mag-aaral at ng wikang kukunin.

Sentesis ng Pag-aaral

Gap ng Pag-aaral
BAAO COMMUNITY COLLEGE
Baao, Camarines Sur
Email: baaocommunitycollege@gmail

TALA

https://qdoc.tips/marungko-approach-pdf-free.html

https://qdoc.tips/marungko-approach-pdf-free.html

http://mymarungkoapproach.blogspot.com/2015/12/ano-ang-marungko-

approach.htm

Kenneth S. Goodman, “Reading” A Psycholinguistic Guessing Game, (New

Jersey: 2000), 86.

J.T. Groins, Visual Perceptual Abilities And Early Reading Progress

Supplementary Educational Monograph No. 687, (Chicago., 2007), 45.

H. Douglas Brown, Teaching by Principles: An Interactive Approach to Language

Pedagogy, (Prentice Hall, Inc.: U.S.A. 2007), 136.

M.R., Guiab, “A Study on the Quality of Reading Instruction in Paddad

Elementary School” The Modern Teacher, (In the Grade School, No. 6 November

2001), 225.
BAAO COMMUNITY COLLEGE
Baao, Camarines Sur
Email: baaocommunitycollege@gmail

O.H., Eustaquio,. Mga Proyekto Ng BEE para sa Asignaturang

Filipino Partikular sa larangan ng pagbasa at pagsulat. Talumpating binigkas sa

PASATAF, Lungsod ng Baguio. 2007)

L.P. Lalunio, Pagtuturo ng Komprehension Pambansang Samahan sa

Linggwistikang Filipino. (Philippine Normal University, 2007).

E.S. Claveria, Kawalan ng Aklat sa Pagbasang Filipino sa Unang Baitang. (The

Modern Teacher, Vol. LI, 2002), 304.

A.M. Villamen, et. Al. Gateways to Development Reading, (Quezon City:

Publishing Co. Inc.; 2002), 137.

M.O. Ronda, Kabisaan, Kahinaan at Pag-unawa ng mga Mag-aaral sa Unang

Baitang: Batayan sa Kasanayan sa Panimulang Pagbasa, (Di-limbag na Tesis,

University of Saint Anthony, City of Iriga, 2010).

A.C. Suruiz, Kahandaan at Antas ng Panimulang Pagbasa sa Distrito ng

Guinobatan (Di-limbag na Tesis, Bicol University, Legaspi City, 2008).

http://mymarungkoapproach.blogspot.com/2015/12/ano-ang-marungko-

approach.htm

https://prezi.com/gqcc87dzsoyh/mother-tongue-o-unang-wika-bilang-asignatura/

https://www.academia.edu/36077756/Filipino_research_paper_docx

http://dcelsupdates3.weebly.com/features-3.html
BAAO COMMUNITY COLLEGE
Baao, Camarines Sur
Email: baaocommunitycollege@gmail

https://amiananbalitangayon.com/paggamit-ng-mother-

tongue-isinusulong-ng-depedcordillera/?

fbclid=IwAR1aG17KZFtF5qXV3Mu107COdUszdmqdNT_mFGAwXuQiKcQja3FcRIZ4N

Gk

https://housecleaningwestpalm.com/panimula-bunga-ng-mtb-mle-sinasabing-

madalingmaunawaanng/?

fbclid=IwAR1mTfv9MnP2hRtCdcyN66AQiZUCYIsvlggIylllZjwKXier53tSDizoxBY

https://www.sciencedirect.com/topics/social-sciences/mother-tongue

You might also like