You are on page 1of 1

Semestre : Bilang sa

PARAÑAQUE SCIENCE HIGH SCHOOL UNANG SEMESTRE Klase :


Ninoy Aquino Avenue cor. Dahlia St., Brgy. Sto. Niño, Parañaque City Pangkatang Gawain : Puntos :
Science, Technology, Engineering, and Mathematics Strand Pagsulat ng Bionote
Panuruang Taon 2018—2019
FILIPINO SA PILING LARANG
Mga pangalan : Taon at Seksyon : Lagda ng magulang :
Petsa :

Bionote ni : Bb. Mary Grace M. Zaratan

Si Bb. Mary Grace M. Zaratan ay nagtapos ng Bachelor of Secondary


Education sa Adamson University. Siya ay nagturo ng Filipino 8 sa loob ng
labing-apat na taon sa Manresa School at umalis sa nasabing paaralan noong
taong 2018.

Maliban sa kanyang malawak na karanasan bilang guro ay napagyaman din


niya ang kakayahan sa makabagong mga pamamaraan ng pagtuturo sa
pamamagitan ng pagdalo sa iba’t ibang seminar. Ilan lamang sa mga seminar
na kanyang nadaluhan ay ang Curriculum Evaluation Seminar, seminar sa
Pagtuturo ng Klasikong Panitikan, at seminar sa Teaching Strategies Integrating the Art of Questioning Technique
and Processing of Students’ Responses.

Ang pagtuturo niya ang naging dahilan sa mga itinuturing niyang mga mahahalagang tagumpay na kaniyang nakamit
sa buhay tulad na lamang ng napagtapos niya ng pag-aaral ang kanyang mga kapatid at nakapagpatayo siya ng
bahay para sa knyang magulang. Itinuturing din niyang mahalagang tagumpay ang kanyang pagtuturo sa Manresa
School sa loob ng labing-apat na taon dahil sa mga naging kanyng estudyante.

Sa kasalukuyan, wala pa siyang trabaho matapos siyang umalis sa Manresa School. Subalit, minimithi niyang
makabalik sa pagtuturo ng asignaturang Filipino at maranasan niyang makapagturo sa pampublikong paaralan
balang araw. Ninanais niya ring magkaroon ng sariling pamilya at anak pagdating ng panahon.

You might also like