ay nakatira sa Bonifacio Street, Malasiqui, Pangasinan. Siya ay nagtapos ng elementarya sa Malasiqui Agno Valley College (MAVC) bilang valedictorian. Nagtapos sya ng sekundarya sa Malasiqui National High School (MNHS) at naparangalan bilang with honors. Dahil sa kaniyang kasipagan, determinasyon, at tiyaga, nagtapos Siya ng Bachelor of Secondary Education (BSEd) Major in Communication Arts in English. Sa taong 2018 siya ay nagsimulang magturo sa Buenlag National High School (BNHS) sa asignaturang English. Sa kasalukuyan, siya ay may hawak na posisyong Teacher I ng junior high school sa Buenlag National High School at mayroon nang limang taon na karanasan sa larangan ng pagtuturo. Bilang isang guro at kawani ng gobyerno, ipinapakita nya ang kaniyang dedikasyon sa pagbibigay-edukasyon at paglilingkod sa komunidad. Isa rin siyang dalubhasa na tagapagsalita sa maraming ahensiya at organisasyon. Bukod sa pagtuturo meron pa siyang ibang trabaho at ito ay bilang isang business owner. Ang kaniyang mga tagumpay sa larangan ng edukasyon at pagsisikap sa pagtulong sa kapwa ay nagbibigay-liwanag sa kaniyang pagkatao at nagsisilbing inspirasyon sa iba.