You are on page 1of 1

BIONOTE

Ako sa Ma. Concepcion D. Docena o mas kilala bilang “concon” ay ipinanganak noong
Ika-19 ng Setyembre taong 2002 sa San Jose Del Monte Bulacan. Ako ay nagsimulang
mag-aral sa edad na 4 sa Barangay Nato daycare center sa Taft, Eastern Samar. Sa murang
edad ay nakatanggap ako ng mga parangal bilang nangunguna na karangalang at nakukuha
ng mga medalya sa pagtutula. Ako ay nakapagtapos sa mababang paaralan ng Nato bilang
class Valedictorian sa taong iyon kasabay ang pagkamit ng mga parangal tulad ng
pinakamahusay sa asignaturang sipnayan at agham.

Sa kabila ng mga paghihirap at mga pagsubok ay patuloy parin akong lumaban at


nakapagtapos ng Junior high school sa mataas na paaralan ng Taft Silangan Samar. Apat na
taon siyang hinubog ng paaralan upang maging mahusay na estudyante at lumabas ang
kanyang mga talento sa pagsulat ng mga balita at pagbabalita sa pamamagitan ng pagsali
sa taonang school press conference . Nagwagi rin siya ng mga parangal sa loob at labas ng
paaralan. Isa na rito ay noong sumali siya sa isang kompetisyon sa paggawa ng sine
“sineliksi ” sa maataas na paaralan ng Salcedo Silangan Samar at itinanghal siya bilang
ikaapat na parangal.

Sa kasalukyan, ako ay nag aaral sa mataas na paaralan ng Taft Silangang Samar sa ilalim ng
K-12 program, Academic track na kumuha ng Humanities and Social Science strand. Noong
siya ay nasa ika-11 baitang pa lamang itinanghal siya bilang nangunguna sa klase. Patuloy
pa rin akong nagsusumikap upang makamit ang aking mga pangarap at magtagumpay sa
mga hamon ng tunay na buhay.

You might also like