You are on page 1of 1

Ang Talambuhay ni Efren G. Penaflorida, Jr.

Si Efren Geronimo Penaflorida, Jr. ay nakilala ng mga Pilipino noong siya ay nagwagi bilang bayani ng Taon
ng CNN noong 2009. Ito ay para sa kaniyang Kariton Klasrum sa tulong ng samahang Dynamic Teen Company.
Isinilang si Penaflorida noong Marso 5, 1981. Ang tatay niyang si Efren, Sr. ay isang drayber ng traysikel
samantalang ang nanayniyang si Lucila ay isang simpleng maybahay. Sa kabila ng katotohanang lumaki siya sa
isang lugar na malapit sa tambakan ng mgabasura at maruming tubig, nakapagtapos pa rin bilang iskolar sa
elementarya at sekondarya si Efren. Dalawang kurso ang natapos niya sa kolehiyo na may mataas na karangalan:
ang digri sa Computer Technology sa San Sebastian College – Recoletos at Batsilyer sa Mataas na Edukasyon sa
Cavite State University.
Binuo ni Efren ang Dynamic teen Company noong kaniyang kabataan. Ito ay isang grupong pangkabataang
may layuning hikayin ang mga mag-aaral na makatulong sa lipunan at paunlarin ang sarili, kaysa maging batang–
kalye. Ang gawaing ito ng kaniyang samahan ang naging dahilan kung bakit siya naging nominado sa patimpalak
na Bayani ng Taon ng CNN. Mula sa napakaraming nominado mula sa mahigit isandaang bansa, napili siya bilang
isa sa dalawampu’t walong mga bayani noong 2009.
Mula rito ay natira si Penaflorida bilang isa sa sampung nominado hanggang sa siya nga ang hinirang bilang
Bayani ng Taon ng CNN noong Nobyemre 22, 2009. Ang parangal na ito ang nagbigay sa kaniya ng malaking
halaga na ginagamit niya sa kaniyang kawanggawa-ang magbigay ng edukasyon sa kariton. (Sanggunian: Alab
Filipino 5, pp.130-131)

You might also like