You are on page 1of 1

Efren Penaflorida Bayaning Pilipino

Posted on Nobyembre 9, 2009

Naagaw na naman ang ngayon atensiyon ko sa balita


ng isang kabayanihan. Buhay na kabayanihan ng isang simpleng tao na me napakalaking adhikain.
Nakakainspired lang.
Si Efren Penaflorida ang aking tinutukoy, ang Pilipinong bumabandila bilang isa sa Top Ten CNN Heroes.
Mula sa ilang daang kalahok mula sa ibat-ibang bansa para sa kategoryang ito, nasala siya at pumasok
sa mataas na posisyong ito upang pagbotohan at mapiling CNN Heroes. Sa kabila ng madungis na
pulitika sa ating bansa, nakakatuwang me mga magsusulputang ganitong balita. Pagkakawang-gawa at
selflessness para makapaglingkod lang sa kapwa.
Hindi ko pa kaya ang ganitong paghahandog ng sarili kaya pagsaludo na lang muna ang aking gagawin at
kaunting adbokasya upang maiangat pa sa natatanging posisyon si Efren.
Si Efren ay lumaki sa Cavite City, kung saan nakaranas siya ng pambubully ng mga gang members.
Ngunit sa kabila nito ay pinilit pa din niyang makapagtapos ng pag-aaral. Labing anim na taon pa lamang
siya ng itatag ang Dynamic Teen Company (DTC) bunga ng labis na pagsasaalang-alang sa mga out of
school youth. Sa pamamagitan ng karitong kanilang itinutulak ay tinuturuan nila ang mga batang
lansangan sa Cavite tuwing araw ng Sabado. Sa loob lamang ng isang dekada ay umabot na sa 10,000
ang kanilang miyembro at nakapagturo sa humigit-kumulang 1,500.
Ngayon hingi lang sana ako ng kaunting oras upang maiboto natin si Efren. Isang napakalaking
karangalan ito para sa ating bansa at tiyak na makakapag inspire ng maraming tao. Natutuwa din ako sa
pagiging humble niya kasi hinihikayat niya tayo na silipin din ang profile ng iba pang kalahok dahil
inspiring daw talaga.

You might also like