You are on page 1of 8

CHARACTER MAPPING

* Ang mga sumusunod ay maaaring maging gabay sa magsisilbing


artistang gaganap sa mga tauhan. Ang mga paglalarawan sa ibaba
ay base sa daloy ng iskrip. Anomang karagdagang interpretasyon
ng magtatanghal ay malayang
minumungkahi at kinikilala ng maikling presentasyon.

JOSH ELI

Isang politiko sekretarya ni Josh,na madalas


nitong kadikit

[Pisikal] [Pisikal]
May nakakailang na presensya Bata-bata ang mukha
Pormal kung manamit Katamtaman ang katawan,
Mabulaklak magsalita hindi katangkaran
May maamong pagmumukha Mahaba ang buhok
Mapagkalinga ang boses
Malinis manamit

ZOE RASHLEY

Mamang tsuper, isang ama isang aktibista, na


kadalasang namumuno ng mga
rally

[Pisikal] [Pisikal]
May kapaguran at tapang sa mukha Makikita ang kumpyansa sa
May kalakihan ang katawan pananalita at mukha
mature ang boses May katangkaran
Maikli ang buhok Intelehente
Maluwag manamit Isang mag-aaral
Magaslaw kung kumilos

JOY KATRINA

Asawa ni Zoe, isang ina Isang inang mag isang


nagtataguyod sa kaniyang mga
anak
[Pisikal] [Pisikal]
Maaamo ang mukha May kapaguran at tapang ang
May kapayatan ang katawan mukha
Malinis subalit payak manamit May kapayatan ang katawan
Maluwag manamit Madalas na magulo ang buhok
Mahinahon ang boses Sigurado kung kumilos

RYLNN AINAH

anak narrator/anak

[Pisikal]

Payak manamit

May kayumangging kulay ng balat

Mapagkalingang anak

May inosenteng pag-iisip ngunit

malalim na pagmamahal

KAI ADIE

estudyante 1 estudyante 2

[Pisikal] [Pisikal]

Kumpyansa sa pananalita Malinis manamit

Alam ang ipinaglalaban Katamtaman ang katawan

Payak manamit Handang tumindig para sa iba

CRISTEL

Reporter

[Pisikal]
Pormal manamit

Mahusay magsalita

SCENE 1
INT. HAPAG KAINAN– DAY
Habang mahinahong kumakain ang pamilya ni ZOE (insert:
RYLYNN at JOY) at KATRINA na may naiibang seting (paligid).
Maririnig nila ang balita ukol sa Jeepney phaseout.
CUT TO:
Papasok si CRISTEL na may dalang mikropono, nakasuot ng
pormal na damit

CRISTEL
(Magbabalita na kapansin pansin ang pag-aalala)
Magandang araw Pilipinas at ibang panig
ng mundo.

Pag-phaseout ng jeepney ninanais implementa ng


gobyerno patungkol sa modernisasyon ng
transportasyon.

Ang Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) ng


gobyerno na naglalayong palitan ang mga lumang Jeep ng mga
‘modernized jeepney’. Bagaman naglalayon ang ‘jeepney
modernization’ ng isang ligtas na pamamasada sa parehong drayber
at pasahero ay malaking hamon naman ito sa pinansyal na
kakayahan ng mga tsuper.

Sa ilalim nito, tatanggalan ng karapatan ang mga tsuper at


operators na malayang makapamasada sa pamamagitan ng pagsuko ng
prangkisa sa mga kooperatiba, at dadaan sa napakaraming proseso
bago maaprubahan na makapasadang muli. Bukod dito, labis ring
ikinabahala ng mga drayber ang presyo ng mga modernong jeepney
kung sakali mang matuloy ang phaseout. Tinatayang aabot sa 1.6
milyon hanggang 3.4 milyon ang halaga ng nasabing modernong
jeepney, ngunit nasa tinatayang isang daan at animnapu’t libo
lamang ang ayudang handang ipamahagi ng LTFRB sa mga drayber.

CRISTEL BRAGA, nagbabalita para sa DZRA Boses


ng Sambayanang Pilipino
Titingin lang si ZOE at KATRINA sa kanilang mga pamliya
nang halatang may kapaguran. Yayakapin ni JOY si ZOE, gayundin
sa parte ni KATRINA yayakapin niya ang mga anak. Pailing-iling.
Makikita ang lungkot at pag-aalinlangan sa mukha.

TRANSITION TO:
INTRO MUSIC FADE IN (“Tuloy ka lang” by Christian Bautista)

Kakanta ang mga karakter na may pag-aalinlangan sa mukha

LAHAT NG KARAKTER
Oh, alam ko ang laman ng isip mo
Ang hirap magtiwala sa mundo
Ang mga walang lamang pangako nito
Oh, ang hirap namang umibig at mangarap

Ang kapalit ng tapang mo ay sugat


Pwede bang sabihing hanggang dito na lang?
Tuloy ka lang
Hanapin ang sarili mong hakbang
Mundo'y hindi kailangang sabayan
Magmadali o dahan-dahan lang
Sa 'yo 'yan
Tuloy ka lang

CUT TO:

SCENE 2:
INT. ISKUL – DAY

Tapos na ang klase. Makikitang nagtitipon ang ilang mag-


aaral sa labas ng klasrum, makikitang ang pangamba at
pagaalinlangan sa kanilang mga mukha. Nag-uusap sila patungkol
sa nasabing Jeepney phaseout
Kakausapin ni KAI sa RYLYNN na may pag-aalinlangan sa mukha,
ngunit kapansin-pansing ang kanyang pagkalinga.

KAI
Ramdam ko pag-aalinlangan mo.
Bago ako makarating dito, at makauwi
sa bahay - isa ang dyip sa naghatid sa
kung nasaan man ako. Hindi mabilang na
beses yun, at naging kaagapay ko sa
pag-aaral.

Matapos makinig ni RYLYNN kay KAI ay maglalabas naman ng


sentimyento ito ukol dito.
RYLYNN
Hindi pa ako tapos ng kolehiyo,
mahina ang pangangatawan ni nanay.
Natatangi ang pagiging tsuper ni tatay ang
pangunahin namin pinagkukunan para
Sa pangangailangan.

Magsasalita si Adie matapos magsalita ni RYLYNN

ADIE
Maliit man tingnan ang dyip ngunit para sa
mga tsuper, ito ay matibay na sandigan ng
kanilangpamilya. Higit sa lahat mas mahalaga
ang kasigruhan na may masasakyang
mababang ang pamasahe

Magbabato si RASHLEY ng mga salitang ramdam mo ang


ipinaglalaban, gayundin si CRISTEL

RASHLEY
Marahil wala tayong kapangyarihan
o hindi tayo ganun kadakila upang
baguhin at maipaglaban nang panandalian
ang mga walang kakayanan, ngunit may boses
tayo.

CRISTEL
Buong pag-aakala nila na madaling takutin
ang mga tsuper. Hindi madaling takutin ang
mga pinanday ng hirap, panganib, at dahas
ng lansangan

CUT TO:

SCENE 3:
EXT. TABING KALSADA NG ESKWELAHAN - AFTERNOON

Lalabas ng eskwelahan ang mga karakter, makikita ang


isang dyip sa tabi ng kalsada. Sisigaw si AINAH ng may ngiti.

AINAH
Nay!!
Matatanaw na si KATRINA ang nagmamaneho ng dyip at
nakahawak sa manibela.
TRANSITION TO:

Labasan. Pauwi ang mga mag-aaral. Makikita ang pagtitipon


ng lahat ng karakter sa labas may mga bitbit na plakard.
Kapansin-pansin namang makikitang nakatayo si JOSH at ELI sa
isang podyum, habang tinatanaw ang mga mamamayan. Kakanta ang
mga karakter ng (“Di nyo ba naririnig” mula sa Les Miserables.
Kapansin-pansin ang kalungkutan sa kanilang mga mukha.

LAHAT NG KARAKTER

DI NIYO BA NARIRINIG?

Tinig ng bayan na galit


Himig ito ng Pilipinong
Di muli palulupig
Dudurugin ang dilim
Ang araw ay mag-aalab
At mga pusong nagtimpi
Ay magliliyab
Ikaw ba’y makikibaka
At hindi maduduwag
Na gisingin ang mga panatikong bingi’t bulag
Kasinungalingan labanan hanggang mabuwag
Di niyo ba naririnig?

CUT TO:
SCENE 4

EXT. TABING KALSADA NG PAARALAN – DAY

Maririnig ang maraming tinig patungkol sa Jeepney phaseout


at kanilang pagsuporta sa mga tsuper. Sisigaw si RASHLEY ng may
kumpyansa at pag-aalab, gayundin ang iba.

RASHLEY
Ang kalahok sa PUVMP ay maliliit na
operaytor at mga tsuper na walang
milyones kaya bakit may mga modernong
dyip na nagkakahalaga ng P2.8M?!!

KAI
Marahil maganda ang konsepto ng
modernisasyon ng transportasyon,
ngunit hindi ito makatao para sa mga
taong nasa laylayan!!

ADIE
Kailanma’y hindi matatamo ang
kasaganahan kung maraming taong
walang kakayahan ang nasasagasaan!!

ZOE
Hindi lang ekonomiya ng bansa ang
nakataya rito!

Magsasalita si RYLYNN na tila naluluha

RYLYNN
Maraming ding munting pangarap
ang nakasalalay rito.

KATRINA
(Nang may ngiti at pag-asa sa boses)
Hindi kami umaatras, bwumebwelo lang kami

BLACKOUT
* * *
Tutugtog ang masiglang cover ng awiting “Paalala para sa’yo” ni
Christian Bautista habang may ngiti sa mga karakter na
nagpapakita ng pag asa.

Sa sandaling ito
Ang mundo ay sa akin
Hayaan mong iawit ko
Ang puso ko't damdamin
Nagbibigay paalala
Na ikaw at ako ay
Mahalaga
(Mahalaga)
Minamahal
Mapalad ka
May puwang sa mundo
Mahalaga
(Mahalaga)
Minamahal
Mapalad ka
May puwang sa mundong ito

[ WAKAS ]

You might also like