You are on page 1of 2

1.

Pagsulat ng maikling sanaysay

Paksa:
Talambuhay mo na maihahalintulad sa kabataan ni Rizal.

Maihahalintulad ko ang kabataan ni Rizal sa aking buhay sapagkat ako rin ay mayroong
pagmamahal sa ating bansa. Noong nakaraang eleksyon, ako ay maiging sumuporta sa aking
ninananais na manalong kanditato sa pagkapresidente. Ako ay nagging tutok sa balita at debate
patungkol sa kanilang mga adhikain para sa bansa na makakatulong upang umunlad ang ating
bansa at mawaksi unti-unti ang korapsyon. Ako ay nagbasa ng mga argumento at
impormasyon tungkol sa bawat kandidato. Dito ko nalaman ang kanilang mga plano sa
pamumuno sa bansa at ang kanilang mga naitulong sa bansa natin. Umangat ang isang
kandidato sa akin dahil sa kaniyang mga napatunayan at nagawa at plano sa bansa. Dahil dito,
nakiisa ako sa pagvolunteer sa pag-eendorso ng aking napiling kandidato. Sa kagustuhan kong
makita ang pagbabago sa ating bansa, ibinigay ko ang oras at aking lakas upang
impluwensyahan ang maraming Pilipino na piliin ang totoong nararapat na mamuno sa atin.

Pangalawang Gawain

2. Film Viewing
“Ganito Kami Noon, Paano Kayo Ngayon” isang pelikula sa direksyon ni Eddie Romero

Sagutin ang mga tanong:

a. Paano inilarawan sa pelikula ang isang Pilipino?

Ang isang Pilipino ay dating inangkin ng mga Kastila na nangangahulugang ipinanganak sa


Pilipinas. Ngunit sa dulo ng pelikula, ang ipinarating na mensahe ay ang tunay na Pilipino
ay hindi lang dapat na ipinanganak sa Pilipinas ngunit isinasapuso rin ito at pinaninindigan
kahit sino man ang tumapak o umabuso sa atin. Ang Pilipino ay hindi dapat nabubulag sa
anumang kayamanan o karangyaan at ipalit ito sa pagtaksil sa pagiging Pilipino.

b. Gaano mo kakilala ang iyong pagka-Pilipino? Ipaliwanag ang iyong kasagutan.

Pilipino ako dahil pinipili kong dumilat sa mga isyu sa ating bansa at nakikiisa ako sa
pakikipaglaban sa katotohanan lalong-lalo na sa digital world ngayon. Patuloy kong pipiliin
ang mga tao na may puso para sa Pilipinas kaysa sa mga nasa itaas na sariling interes lamang
ang pinahahalagahan.

c. Ano-ano ang mga ipinakita sa pelikula na mga maling ginawa ng mga prayle?
Ang prayle na si Padre Gil ay nagkaroon ng anak na ipinagbabawal bilang isang prayle.
Ginamit niya ang kanyang ari-arian para gamitin si Nicolas Ocampo sa pag-aalaga sa
kanyang anak. Nakita rin na nakikipagtalik din sa isang babae na si Padre Gil sa Maynila na
kanyang binanggit din na siya ay nagkakasala rito.

d. Bakit ito ang nagging pamagat ng pelikula? Ipaliwanag ang iyong sagot.

Sa aking opinion, gusto lamang iparating ng direktor na ang mga kamalian na nangyari sa
relihiyong Katoliko ay hindi dapat ipagpatuloy sa panahong ito. Parati lang natin piliin ang
mga values ng mga Pilipino na makakatulong sa ating sarili at sa iba. Huwag nating
iabandona ang pagiging Pilipino para sa dayuhan at panindigan ito hanggang sa huli.

You might also like