You are on page 1of 9

I.

Pamagat ng katha

a. Dahil ang kasaysayan ng “dirty ice cream” ay hindi lang sa panlasa o pagkain ngunit

sa alternatibong paraan kung paano nagbago ang mga Pilipino upang maging bansa

na ninanais natin.

b. Ang ilalagay ko na titulo ay “Mga Kwento ng Pilipinas” dahil ang libro na ito ay puno

ng istorya na mga nangyare na sa pilipinas at mga kwento na totoo na tungkol sa

pilipinas.

II. Pagsusuri

A. Uri ng pampanitikan

Uri ng maikling kwento dahil ang librong ito ay puno ng kwento na nagpapatungkol

sa mga nangyare sa pilipinas.


B. Istilo ng paglalahad

Ang istilo ng paglalahad ay daloy ng kaisipan dahil ito ay kwento at pormal din ang

pagsulat nya nito.

C. Sariling Reaksyon

1. Ang teoryang ito ay teoryang reyalismo dahil kung paano ito isinulat ng

manunulat at ipinakita ang karanasan at nasaksihan nya habang ginagawa nya

itong aklat.

2. Mga pansin at puna

a. Ang tauhan sa aklat na ito ay paiba- iba dahil sa maiikling kwento na

bumubuo dito ngunit ang mga tauhan sa aklat ito ay mga “Pope”, Nagtitinda,

mga kawani ng gobyerno at mga mamayan.


b. Ang galaw ng pangyayari ay iba- iba dahil ito ay magkakaiba ng kwento

ngunit lahat ng ito ay naganap sa Pilipinas. Tuloy tuloy at hindi paulit ulit ang

mga eksena. Kalarong kalaro ang paglalahad sapagkat walang paligoy ligoy ang

mga akda sa kanyang likha.

3. Bisang pampanitikan

a. Bisa sa isip

Ang aking naisip sa aklat na ito ay ang kwento ay magkaiba-iba ngunit iisa ang

gustong ikwento, ito ay ang pangyayari na tumatak sa ating kasaysayan.

b. Bisa sa damdamin
Ang aking naramdam ay ang pagmamahal sa ating bansa at ang kwento na

nilahad dito at hindi ito itinago ang katotohanan bagkus ipinakita nito sa

mga mambabasa sa paraang hindi ito maisasantabi.

c. Bisa sa kaasalan

Ang ipinakita sa aklat na ito ay ang mga malalaking pangyayare sa ating bansa

at kung ano ang kanyang masasabi dito.

d. Bisa sa lipunan

Ang mga kwento dito ay bumabase sa mga totoong pangyayare kaya naman

ang mga kwento dito ay tungkol sa krimen, politika, at sa simbahan at ito ay

lahat ay may katotohanan,

III. Pagpapahalaga ayon sa nilalaman


1. Ang kalagayan ng sosyal at pangakabuhayan ay katulad lamang ng simpleng

mamayan ngunit meron din naman na mataas ang kanyang sosyal at

pangkabuhayan.

2. Ang kulturang Pilipino ay ang pagiging matulungin, pagiging magiliw sa mga

panauhin, pagkakaroon ng utang na loob, relihiyoso, magalang, pagiging malapit sa

pamilya, pagkakaroon ng positibong pananaw sa hinaharap, pasensyoso,

pakikibagay sa sitwasyon, at pagmamalasakit sa kapwa.

3. Ang pilospiyang Pilipino nakikita ko ay ang pagmamahal sa ating bansa dahil sa

kagustuhan nyang malaman ng iba ag mga nangyayare ito.

4. Simbolismong Pilipino

Ang simbolismong Pilipino na nakikita ko ay ang “Dirty ice cream” o sorbetes kung

tawagin dahil ito ang sinasabi sa kwento at ito rin ang titulo ng aklat na ito.
IV. Implikasyon

1. Ang k al agyang Pam bansa ay k ung paano hum aw ak ang gobye r no s a

m ga k ri m e n at kung paano hi naw ak an ang m ga pr oble m a na

di nadanas ng bansa noon pa m an k aya m asasabi ri n na ang batas s a

Pil i pi nas ng w al ang ngi pi n. Walang ngipin para sa mga taong walang

boses. Kawawa ang hindi naaninag ang kamunduhan ngunit mas

kahabaghabag ang m g a s u m a m o n g h i n d i n a r i r i n i g . A n g l i p u n a n n g

m a h i h i r a p a y m u n d o n g m g a m a ti i s i n a t n a a a p i a t s a m a y a y a m a n

a y a n g mundo ng mga mapagkubli at ayaw marungisan ang panagalang

ainiingatan. Samakatuwid ang akda ay umiikot sa isang mahirap ng

pinagsamantalahan, mga mayamang pinasok ng kaisipang

kanluranin at isang krimeng hindi napagbayaran sa batas.

2. Dumami ang nawalan ng trabaho at nagtiis sa hirap at gutom, nawasak ang mga

gusali at mga imprastraktura, namatay at nasira ang mga sakahan at mga pananim.

At maraming kaganapan na hindi maganda sa ating pangkabuhayan at sa kwentong

ito ay iba iba ang nangyare sa mga tao na asa kwento.


3. Ang aking naisip sa aklat na to ay ang mga pagbisita ng papa o Pope sa ating bansa

ay isa na sa mga mahahalagang pangyayare sa atin at ang mga krimen na

nangyayare sa atin ay kelan pa man ay patuloy pa rin ito. Ang pagkakaroon ng hindi

magandang hustisya sa pilipinas at hindi maayos na Sistema sa pilipinas.

V. Buod

Sa unang kwento ay tungkol sa paano nabuo ang aklat na dirty ice cream, sa

pangalawa naman ay tungkol sa insular plant na binuo noong 1902 at nasira naman

noong Battle for manila noong 1945 dahil doon ay nagkaroon nang kakulangan ng

istak ng yelo sa pilipinas, sa pangatlong kwento ay tungkol sa isda at kung paano iti

naging pabirito ng mga Pilipino, sa pang- apat na kwento ay tungkol kay rizal na

mahilig sa isda at kung paano naging prominente ito sa ating bansa, sa pang limang

kwento naman ay tungkol kay Pope Pius IX at kung paano nabuo ang tinapay na

pionono. Sa panganim na kwento ay tungkol kay bishop paul casimir marcinkus kung

paano nya protektahan si Pope Paul VI at Pope John Paul II sa mga nagtangka sa

buhay ng mga Papa or Pope na ito. Sa pang pito na kwento ay tungkol sa babaeng

naging pope at Jesuit ngunit ito ay haka haka lamang at walang kongkretong

ebidensya. Sa pang walo na kwento ay tungkol sa mga kapistahan ng mga santo

katulad ng kapistahan ng santo domingo o ang corpus chirsti na engrandong


kapistahan na ating ginagawa. Sa pang siyam na kwento ay tungkol sa isang hapon

na ipinatapom o pinatay noong 1614 na si Iustus Takayama Ukon at sa

pagkakaugnay nya kay st. Lorenzo Ruiz na unang santo sa ating bansa. Sa pang

sampu na kwento at tungkol sa SAF 44 na namatay sa operasyon noon sa Mindanao

at kung ano ang naging reaksyon ng mga tao noong ibinalita ito, sa pang labing-isa

na kwento ay tungkol sa lugar dito sa pilipinas at ito ay ang makati at paano nabuo

ang pangalan na para sa lugar na iyon na makati. Sa pang labing-dalawa na kwento

ay tungkol sa Santo Nino kung paano ito napunta sa bansa natin at kung paano

nabago ng pananakop ng Espanyol ang ating bansa. Sa panglabing – tatlo na kwento

ay tungkol sa kung ano ang mga pagbabago ng bakasyon o holiday sa ating bansa, sa

pang labing- apat na kwento ay tungkol sa krimen o buwis na hindi nabayaran ng

isang malaking kompanya, sa pang labing -lima ay tungkol sa pagnanakaw or

korupsyon na naganap sa ating bansa at kung paano ito nagtuloy tuloy hanggang

ngayon. Sa pang labing pito na kwento ay tungkol sa cedula or kard ng

pagkakakilanlan na kahit noon pa man ay ginagamit na ito noong kapanahunan ng

Espanyol at kung paano ito nakukuha ng mga residente. Sa pang labing walo na

kwento ay tungkol sa datos ng mga krimen tuwing may mahahalagang kaganapan sa

pilipinas katulad ng kapag may laban si boxing champ pacquiao na ngayon ay

senador pacquiao na dahil dito ay sabi sa datos ay bumaba ang krimen dahil ang

mga tao ay nasa loob lang ng bahay. Sa panglabing -siyam ay tungkol sa isang

napatunayang may sala na si Antonio sanchez at kung paanong muntikan syang

mapalaya. Sa pang dalawangpu ay tungkol sa isang auction sa arts and antiques na


napakamahal ng presyo at kung paano ang iba ay nanakaw ngunit nabalik rin naman

ulit.

You might also like