You are on page 1of 1

“Ang Kwento ng Aking Buhay”

Ako po si Candao M. Kempa III o mas kilala sa pangalang “Thirdy.”


Ako’y ipinanganak noong ika-5 ng Disyembre, taong 2009. Ako ang
pangatlo sa apat na magkakapatid na anak nina Bai Omara M. Kempa
at Datu Candao I. Kempa Jr.

Hilig kong maglaro ng basketball kasama ang aking mga matatalik na


kaibigan, at ang aking iniidolo naman na manlalaro ay si Stephen
Curry na Point Guard ng Golden State Warriors, isa siya sa mga
magagaling na manlalaro sa NBA sa panahong ito. Naglalaro rin akon
ng Soccer paminsan-minsan sa aming paaralan. Libangan ko rin ang
panonood ng telebisyon sa aming bahay tuwing Sabado at Linggo lalo
na kung ang palabas ay cartoons. At ang paborito ko namang kulay ay
Kahel o Orange.

Ako ay nag tapos ng Kinder noong Marso taong 2015 sa paaralan ng


Cotabato City Institute at kasalukuyan na nasa ika-apat na baitang sa
parehong paaralan. Ang pangarap ko sa aking paglaki ay maging isang
magiting na Pulis na susugpo at huhuli sa mga masasamang tao.

Iyan lamang po ang kwento ng aking Buhay!

Salamat po.

You might also like