You are on page 1of 2

Unang Gawain

Pagpapakilala sa Sarili

Ako ay si G. Romeo S. Berba ang inyong guro sa Literatura 104(Panunuring


Pampanitikan). Nakatira sa Block 17, Lot 24, Carmenville Subdivision, Casisang, Malaybalay
City.
Nagtapos ng kursong Bachelor of Secondary Education major in Filipino sa Bukidnon
State College na ngayon ay Bukidnon State University. Nagtapos ng Master of Arts in Teaching
Filipino sa Central Mindanao University sa Musuan, Dologon, Maramag, Bukidnon.
Kasalukuyang nagsusulat sa disertasyon sa digring Doctor of Philosophy in Filipino sa
University of Mindanao, Davao City. Kasalukuyang Associate Professor 1 ng Bukidnon State
University.
Binabati ko kayong lahat na kumuha ng kursong pagiging guro at lalo na sa
pagpapakadalubhasa sa larangan ng ating wikang Filipino. Masaya ang pagiging guro kung ito
ay bukal sa iyong puso. Masarap ang pakiramdam na makapag-ambag ka ng kaunting kaalaman
sa mga mag-aaral na magagamit nila sa pagharap sa tunay na buhay pagkatapos ng kanilang
panahon na ginugol sa loob ng paaralan. Ngunit, ang pagiging guro ay may kaakibat na mga
resposibilidad sa ating mga tinuturuan, pamilya, lipunan, at higit sa lahat, sa ating Panginoon na
modelo natin sa pagiging guro.
Isang karangalan na maging guro sa asignaturang ito dahil alam kong may sapat na akong
kakayahan sa pagtuturo sa larangang ito. Medyo may kahirapan ang asignaturang ito dahil
kailangan ninyong magbasa nang magbasa at magsuri nang magsuri ng mga akdang
pampanitikan.
Nawa’y magiging maganda at matiwasay ang ating pagsasama sa loob ng isang semestre
at sa mga susunod pa na mga semestre. Dinadalangin ko lamang na sana ay papasa kayong lahat
sa asignaturang. Makapagpasa ng proyekto bago magtapos ang semestre.
Kung mayroon kayong mga tanong at iba pang mga impormasyon na gusto ninyong
malaman ay maaaring makipag-ugnayan kayo sa akin sa mga numerong 09361470588 at
09126636584. Kung mayroon kayong mga mungkahi at iba pa ay kaagad ipaalam sa akin at
huwag doon sa social media dahil hindi ang social media ang lulutas ng iyong mga problema.
Malulutas ang lahat sa mabuting pag-uusap.
Mabuhay kayong lahat at mag-iingat palagi dahil sa pandemyang sumubok sa ating
kalagayan ngayon. Higit sa lahat, palagi tayong manalangin sa Poong Maykapal.

You might also like