You are on page 1of 3

PAG-ASA SA

PAGBASA

Marjorie Crisostomo
ABM 11-YA-5
FIL 1
Ang isyung pangwikang aking napanood ay ito ay patungkol sa pag-asa sa pagbasa. ayon sa aking
napanood ay may mga estudyante na nakatungtong ng high school pero halos hindi marunong
sumulat at magbasa, simpleng mga salita lang ang kaya nilang basahin at ang iba ay nalilito pa sa
mga letra. ayon sa kanilang guro ay pinagtiyatiyagan nilang isa isahin ang bawat hakbang para ito ay
kanilang mas maintindihan pa nila ang tinutukoy na ito, sa kadahilanang hindi nila ito nababasa at
naiintindihan nang maayos. alam naman nating lahat ay ang alpabeto ay karaniwang itinuturo sa
kinder at baitang isa, subalit sa kanilang baitang ay hindi pa nila ito labis na nalalaman. ayon sa isang
estudyante ay hindi pa man daw niya ito lubusang nakakabisado ang alpabeto noong siya ay baitang
isa lumipat na agad sa ibang leksiyon ang kanyang grade 1 teacher, kaya pag dating ng baitang
dalawa, baitang tatlo hanggang baitang anim ay hindi na siya nakasunod at lalong di naiintindihan
ang mga leksyon.
Mahalaga ang isyung pangwika na ito dahil alam nating mahalaga sa atin at sa lahat ang edukasyon,
dito tayo nagsisimula sumulat, umintindi, at lalo na ang matuto. dito rin natin natututunan ang wika na
ating ginagamit sa araw araw. mahalaga ito dahil kung hindi natin ito alam ay hindi tayo
magkakaintindihan. ang aking suhestiyon sa isyung ito ay ang dapat pagbabawas ng mga asignatura
sa kurikulum para matutukan ang fanktiyonal literasi, kabilang ang kakayahang maunawaan ang
binabasa. bukod pa ron ilan pang rekomendasyon ang aking maibibigay ay ang pagkakaroon ng
barangay reading centers at akses sana sa teknolohiya ng mga walang pang bili na ito. maraming
pamamaraan ang kasalukuyang ginagawa upang mapaunlad ang antas ng edukasyon sa ating
bansa, narito ang ilan sa mga kasalukuyang ginagawa at hakbang na maaaring gawin sa hinaharap
sa pamamagitan ng ating pag gamit sa araw-araw gamit ang ating wika, at isabuhay ang edukasyon,
sa ating nakikita mukhang dapat ding pagtuunan ng pansin ang patuloy na edukasyon at pagsasanay
sa atin.

You might also like