You are on page 1of 2

JEFFREY M.

ISON
2021-32546
MA-Filipino

Ang Guro, ang Wika, at ang Linggwistika

Sinasabing ang isang gurong may malalim na pagkaunawa sa linggwistika ay may

malalim na kaalaman sa kakayahang pagtuturo at nakatutulong ito sa kanya sa pagtukoy ng ng

layuning pagkatuto, paraan sa pagtuturo, pagtataya sa mga pagbabago sa wika, at pag-aayos

ng mga dapat ituro sa wika, kung kaya’t nararapat lamang na malalim ang kaalaman ng guro sa

wika, hindi lamang sa teknik, maging sa linggwistika.

Bilang guro ay nagiging modelo tayo ng mga bata at kapag tayo ay tumayo na sa

kanilang harapan, sa isang senaryong pampaaralan, lahat ng ating itinuturo ay kanilang

pinaniniwalaan. Iilan lamang ang nagtatanong o nagsasaliksik patungkol sa paksang iyong

tinalakay. Ngunit paano na lamang na kung ikaw mismong guro ay limitado ang kaalaman

patungkol sa wika? Paano kung ikaw ay hindi bihasa dito? Ang iyong kaalaman ba sa wika ay

mahusay mong naituturo sa paraan ng pagkatuto ng bata? Ang gamit mo ba sa pagtuturo ng

wikang Filipino ay ang sinusong wika ng iyong mga mag-aaral?

Sa pagtuturo ng wika, tungkulin ng guro na alamin kung paano natututuhan ng mag-

aaral ang isang wika. Ayon teoryang behaviorist ni B. F. Skinner, maaari makaapekto ang

reinporsment sa pagkatuto ng wika ng isang mag-aaral. Maaari kang gumamit ng positibong

reinporsment kagaya na lamang ng pagbibigay ng gantimpala kapag mahusay o madaling

natuto ng wika ang iyong mag-aaral. Ang teoryang ito ay nakaayon sa edad ng mag-aaral na

iyong tinuturuan ng wika kagaya na lamang ng mga nagsisimula pa lamang o nasa kinder na

antas. Maeengganyo na matuto ang bata ng wika kung ang guro ay mahusay, katuwa-tuwa ang

teknik, at gumagamit ng gantimpala.

Ayon kay Noam Chomsky, ang mga bata ay may tinatawag na Language Acquisition

Device kung saan ang bata ay mental kapasidad na matuto, umunawa, at bumuo ng wika. Sa

ganitong usapin, nabanggit ang kanya-kanyang antas ng kakayahan ng bata sa pagkaunawa at

pagkatuto ng wika. May mga bata na madali lamang para sa kanila ito at mayroon din namang

mga nahihirapan. Bilang mga guro, kailangan natin gumamit ng iba’t-ibang teknik na aayon sa

estilo ng pagkatuto ng wika ng mga bata.

Ilan sa aking mga karanasan sa pagtuturo ng Filipino ay ang kalituhan ng bata sa

paggamit ng malaki at maliit na titik at paggamit ng bantas. Hindi lamang sa paraan ng


pagsulat, isa rin sa kanilang mga suliranin ang pagbabasa lalo na sa ponemang

suprasegmental kagaya ng tono, diin, at antala. May mga konsepto rin sa Filipino na

nahihirapan silang unawain kaya naman sinusubukan kong gamitin ang kanilang wika sa aming

klase. Bilang guro ay nais kong maunawaan kung paano ba natututo ang bata lalong lalo na

ang Filipino bilang isang asignatura at wika.

Kadalasan ay nakalilimutan natin ang labis na tuon sa pagtuturo ng wika at mas

nabibigyan ng importasya ang panitikan. Hirap tayo na mapaunlad ang wika gayundin ang

pagkakaroon ng isahang kabatiran kung paaano ba ituturo ang wika. Marahil, isang paktor ang

kakulangan ng mga maayos na batayan sa pag-aaral at pagtuturo ng wika, istratehiya sa

pagtuturo ng wika at danas sa husay ng guro sa kanyang itinuturo. Ako, bilang guro sa Filipuno

ay kadalasan itong napapansin sa aking mga mag-aaral at ninanais at sinusubukan ko itong

itama. Sa ngayon ay pilit akong nagpapakadalubhasa at nangangalap ng mga ideya kung

paano ko ito masosolusyonan sa tulong na rin ng aming mga propesor sa paaralang gradwado.

Napakahalaga ng linggwistika sa guro ng isang wika dahil ito ang pag-aaral ng wika,

kahulugan ng wika at wika bilang konteksto. Tradisyunal na pinag-aralan ng mga linguista ang

wika ng tao sa pamamagitan ng pag-obserba ng pagsasaling-wika sa pagitan ng tunog at

kahulugan. Papel ng linggwista ang umalam, sumaliksik at pag-aral ang mga kaparaan sa

pagpapaunlad ng pagkilala sa kabatiran ng wika kaya naman bilang isa sa mga nag-aaral nito,

layunin natin na pagyamanin ang ating kaalaman sa linggwistika nang sa gayon ay maging

epektibo ang ating mga pamamaraan bilang mga guro sa pagtuturo ng wika.

Mga Sanggunian:

1. Barman, B. (2014). The Linguistic Philosophy of Noam Chomsky. Philosophy and

Progress, 51(1-2), 103–122. https://doi.org/10.3329/pp.v51i1-2.1768

2. McLaughlin, S. F. (2010). Verbal behavior by B.F. Skinner: Contributions to analyzing

early language learning. The Journal of Speech and Language Pathology – Applied

Behavior Analysis, 5(2), 114-131. http://dx.doi.org/10.1037/h0100272

3. https://www.youtube.com/watch?v=rzP_93C59IU

You might also like