You are on page 1of 12

De La Salle University - Dasmariñas

PROGRAMANG PANGGRADWADO

MOBILE LEGENDS BILANG LUNSARAN NG PAGKATUTO NG L2 NG


MGA OUT-OF-SCHOOL YOUTHS (OOSY)

Ipinasa ni:

JEFFREY M. ISON
MA - FIL

Ipinasa kay:

DR. MAY L. MOJICA


Propesor

Marso 2023
De La Salle University - Dasmariñas
PROGRAMANG PANGGRADWADO

INTRODUKSYON

Ang Second Language (L2) Acquisition ay proseso kung saan ang tao ay
natututo ng ikalawang wika o wikang hindi likas sa kanya subalit mariing
ginagamit ng kanyang paligid. Kabilaan ang mga pag-aaral at mga kaisipan sa
kung paano nga ba natututo ang isang tao ng ikalawang wika na nagbunsod ng
magkakasangang mga teorya at paniniwala. Ilan sa mga ito ay ang mungkahi ni
Rod Ellis na research professor sa Curtin University sa Australia at ni Bernard
Spolsky na professor ng Ingles at Direktor ng Language Policy Research Center
sa Bar-Ilan University sa Israel.
Ayon kay Rod Ellis, maaaring matutuhan ng isang indibidwal ang L2
nang natural o di kaya naman ay sa pamamagitan ng sariling pagsusumikap
nitong pag-aaral ang L2. Sa sosyo-lingguwistikang aspeto, inaalam ang gampanin
ng L2 sa lipunan, kung ito ba ay batid at ginagamit ng karamihan ng nakatira sa
isang partikular na lugar. Ilan rin sa mga salik na may malaking epekto sa
pagkatuto ng L2 ay ang kasarian, edad, antas ng pamumuhay, at etnikong
identidad.
Sinuportahang higit ni Spolsky ang ideyang ito ni Ellis. Sa kabuuang
balangkas na binuo ni Bernard Spolsky, hindi lamang nito binubuod ang mga
nabuong kondisyon subalit ito rin ay nagdidikta ng isang kasiglahan at listahan ng
mga kaisipang kaugnay sa pagtamo ng pangalawang wika. Mariing pinanindigan
ni Spolsky na sa balangkas sa pagkatuto ng pangalawang wika ay nagsisimula sa
tinatawag na “social context.” Ibig sabihin, natututo ang isang indibidwal sa
pangalawang wika sa pamamagitan ng kanyang paligid, sa kanyang
pakikihalubilo o pakikisalamuha sa kanyang kapwa. Dagdag pa niya,
naipamamalas ang tinatawag na receptive skills kung saan sa tao unang nalilinang
ang pakikinig at pagbabasa bago maisakatuparan ang productive skills nito na
siya namang kumakatawan naman sa pagsasalita at pagsulat. Ang tinatawag na
social context ay nagdudulot ng malaking epekto sa mga sumusunod:
De La Salle University - Dasmariñas
PROGRAMANG PANGGRADWADO

1. Attitude – kumakatawan sa ideya, sariling palagay o opinyon, kaalaman


tungkol sa wika at kung paano tinitingnan ng tao ang wika batay sa
natutuhan at karanasan nito sa kanyang paligid at sa pakikipag-ugnayan o
pakikipagsalamuha sa kapwa.
2. Learning Opportunities – kinapapalooban nito ang mga natutuhan sa pag-
aaral sa paaralan at sa komunidad o lipunang ginagalawan.
Mula sa daloy ng balangkas na inilatag ni Bernard Spolsky, mariing
ipinaliliwanag nito na ang iniikutang paligid at kung saan nagaganap ang
pakikisalamuha ng learner (social context) na kung saan, ito ang nagtatakda at
humuhubog ng kanyang pag-uugali at pananaw tungkol sa wika (attitude).
Dagdag pa rito, ang persepsyon at pananaw ng tao na nabuo mula sa
impluwensiya ng paligid ay nakaaapekto sa kung paano siya gumalaw o kumilos
bilang isang indibidwal (motivation) na nagnanais matuto. Sa pamamagitan ng
mga motibasyong kanyang nasasagap at nararanasan mula sa kanyang paligid ay
malaking mga bagay at salik upang itulak ang sarili sa pagkatuto ng pangalawang
wika. Sa pag-usad ng kanyang pagkatuto, maging sa paraang pormal na mga pag-
aaral, di pormal na pagkatuto nito kaakibat ng angking katangian (edad,
personalidad, kakayahan, at dating kaalaman), ang mga ito ang nagbibigay ng
sapat na pagpapaliwanag kung paano natatamo ng isang tao ang pangalawang
wika. Sa lahat ng mga ito, pumapasok ang mga resulta, bunga o outcome
(linguistic at non-linguistic) sa pagtatamo ng kanyang pangalawang wika. Dagdag
pa rito, sa pagkatuto ng wika, mariing tinitingnan ang tinatawag na personal
characteristics. Dapat lamang mabatid ng lahat na hindi pare-parehong kumikilos
ang mga tao para sa kanyang pagkatuto sa wika. Batay sa ilang pag-aaral, ang
pagkatuto kailanma’y hindi nagaganap sa iisang pagkakataon at panahon. Ito ay
dahil sa ilang mga salik at kahandaan ng isang indibidwal upang yakapin ang
katuturan ng pagkatuto sa mga bagay na dapat nitong matutunan.
De La Salle University - Dasmariñas
PROGRAMANG PANGGRADWADO

Sa kabilang banda, paano naman ang pagkatuto ng L2 ng mga kabataang


hindi nakapapasok sa paaralan o out-of-school youths (OOSY)? Ano-ano ang mga
posibleng paraan na matuto sila ng L2?
Hindi lamang sa paaralan o sa pamamagitan ng libro at mga guro natututo
ang isang mag-aaral ng wika. Ayon sa pag-aaral nina Jonathan Newcombe ng
Lancaster University at Billy Brick ng Coventry University noong 2017, nasa 2
bilyon katao sa buong mundo ang nahuhumaling sa video games, gayundin ay
kaparehong bilang ng mag-aaral na nagwiwika ng Ingles ang inasahan noong
2020. Maipagpapalagay na marami sa mga mag-aaral na ito ay gamers at maaari
silang matuto ng wikang Ingles sa pamamagitan ng paglalaro ng video games. Sa
kabilang banda, ang hatid na oportunidad ng video games sa pagkatuto ng wika
ay masyadong malawak kaya naman kinakailangan pa rin ang gabay at patnubay
ng guro upang lubos na matutuhan ang isang wika.
Ang larong Mobile Legends Bang Bang (MLBB) na hatid ng Moonton ay
isang MOBA (Multiplayer Online Battle Arena) na laro kung saan ang mga
manlalaro ay malayang makipaglaro at makihalubilo sa ibang tao kahit saan man
sa mundo na may internet connection. Hindi maitatanggi na marami ang
nahumaling at patuloy na nahuhumaling dito. Bilang katunayan, mula sa opisyal
na page ng MLBB, noong 2020 lamang ay may naitalang 1 bilyon na nag-
download nito – 100 milyon ang nagrehistro at nasa 25 milyon naman ang
aktibong naglalaro nito kada buwan. Sa Pilipinas, 41.2 milyon ang naitalang
manlalaro nito ayon sa sarbey ng Sensor Tower at nakakamit ng ikalawang
puwesto sumunod sa Indonesia.
Kaugnay ng mga datos na naitala, ninais ng mananaliksin na matukoy
kung ang larong Mobile Legends Bang Bang ba ay maaaring mgaing lunsaran ng
pagkatuto ng L2 ng mga out-of-school youths (OOSY) na Tagalog.
De La Salle University - Dasmariñas
PROGRAMANG PANGGRADWADO

METODOLOHIYA

Gumamit ang pananaliksik na ito ng kwalitatibo-deskriptibong disenyo ng


pananaliksik. Sa kwalitatibong pananaliksik, tinitipon ang karanasan, persepsyon,
at ugali ng mga kalahok sa pag-aaral. Sinasagot din nito ang mga tanong na paano
at bakit (Tenny, 2022 et. al). Kaugnay nito, isa sa mga proseso ng pangangalap
ng mga datos at impormasyon ay sa pamamagitan ng conveniet-purposive
sampling kung saan pinili na mananaliksik ang pamilihang bayan ng Dasmariñas.
Nagsagawa ng interbyu ang mananaliksik sa unang 5 out-of-school youths
(OOSY) na kanyang nakasalamuha.
Kalakip sa interbyu ang demograpikong propayl (edad at kasarian) ng
mga interbyuwi, oras na ginugol sa paglalaro, at ang pagsasalin ng 5 kataga mula
sa larong Mobile Legends Bang Bang na maingat na sinuri at pinili ng
mananaliksik:
1. Launch attack!
2. Request backup!
3. Wait for me!
4. Initiate retreat!
5. Careful! The enemy is missing!
Itinala ng mananaliksik ang nakalap na datos sa pamamagitan ng
talahanayan at gumamit ng Y bilang tanda. Kaugnay nito, sinikap din ng
mananaliksik na mangalap ng mga datos at impormasyong may kaugnayan sa
paksa. Ginamit ang pinagsanib na bisa ng mga primarya at sekondaryang
sanggunian upang lalong mapagtibay ang kabisahan nito. Gayundin din ay malaki
ang naging gampanin ng mga aklat, arkibo, artikulo at mga pananaliksik bilang
makabuluhang kasangkapan sa pagpapalawig ng katuturan ng nasabing pag-aaral.
De La Salle University - Dasmariñas
PROGRAMANG PANGGRADWADO

RESULTA AT DISKUSYON

Ang Second Language (L2) Acquisition ay proseso kung saan ang tao ay
natututo ng ikalawang wika o wikang hindi likas sa kanya subalit mariing
ginagamit ng kanyang paligid. Hindi lamang sa paaralan at sa tulong ng guro at
mga aklat natututuhan ang L2 na siyang pinatunayan ni Newcombe (2017) sa
kanyang pananaliksik. Ayon sa kanya, nakatutulong ang mga video games sa
pagkatuto ng wika ng isang indibiduwal.
Isa ang Mobile Legends Bang Bang (MLBB) sa pumukaw ng atensyon at
naging libangan na ng kabataan, maging ng mga matatanda, ang paglalaro nito.
Katunayan, ayon sa sarbey ng Sensor Tower, 41.2 milyong Pilipino ang naitalang
manlalaro nito at nakakamit ng ikalawang puwesto sumunod sa Indonesia. Dahil
dito, ninais ng mananaliksik kung ang larong ito ay maaaring makatulong ang
MLBB sa pagkatuto ng L2 ng mga out-of-school youths (OOSY) na Tagalog.
Sa pamamagitan ng interbyu, inalam ng mananaliksik ang demograpikong
propayl ng mga kalahok at nagpasalin ng 5 kataga mula sa larong Mobile
Legends Bang Bang na maingat na sinuri at pinili ng mananaliksik.
Demograpikong Propayl
Gumamit ng conveniet-purposive sampling mananaliksik kung saan pinili
nito ang pamilihang bayan ng Dasmariñas upang pagdausan ng pananaliksik.
Nagsagawa ng interbyu ang mananaliksik sa unang 5 out-of-school youths
(OOSY) na kanyang nakasalamuha.
OOSY EDAD KASARIAN TAON
Y1 15 Babae 2
Y2 15 Babae 1
Y3 15 Lalaki 1
Y4 15 Lalaki 1
Y5 16 Lalaki 1
De La Salle University - Dasmariñas
PROGRAMANG PANGGRADWADO

Ayon sa talahanayan, masasabing ang mga kalahok ay ipinanganak noong


taong 2006 – 2007 at tinatawag na Gen Z. Ayon kay Sladek (2014), kilala ang
henerasyon na ito bilang techy – isang slang na salita na mula sa technology na
nangangahulugang taong magaling o bihasa sa kompyuter o iba pang
teknolohiya kagaya ng cellular phone. Pinatunayan rin ng Statista nnong 2022 na
nasa 87.3% ng kababaihang nasa 16-24 na edad ang naglalaro ng video games at
89.7% naman ang sa kalalakihan.
Gumugol din ng 1 hanggang 2 taon ang mga OOSY sa paglalaro ng
MLBB at ayon kay Prensky (2001), ginugugol ng mga bata ang kanilang libreng
oras sa paglalaro ng video games, patunay nito ay karaniwang inaabot ng 1.5
oras ang mga ito sa paggamit ng internet at paglalaro onlayn.
Pagsasalin ng mga Kataga
Kalakip sa interbyu ang demograpikong propayl (edad at kasarian) ng
mga interbyuwi ang pagsasalin ng 5 kataga mula sa larong Mobile Legends Bang
Bang na maingat na sinuri at pinili ng mananaliksik:

1. Launch attack!
OOSY SALIN
Y1 Sugod!
Y2 Aatake po.
Y3 Lalaban na.
Y4 Susugod po.
Y5 Sugod na.

Makikita sa talahanayan na lahat ay naunawaan at naisalin nang wasto ang


katagang “Launch attack!”.
De La Salle University - Dasmariñas
PROGRAMANG PANGGRADWADO

2. Request backup!
OOSY SALIN
Y1 Pupunta po sa kakampi, tutulong.
Y2 Tulong!
Y3 Nahingi po ng tulong.
Y4 Nahingi po ng tulong yung kakampi.
Y5 Nagpapasama po.

Sa kataga namang “Request backup!”, 3 ang nakaunawa samantalang si


Y1 naman ay maaaring maikonsidera dahil may kaugnayan naman ang kanyang
pagkakaunawa.

3. Wait for me!


OOSY SALIN
Y1 Hintay!
Y2 Hintayin mo ako.
Y3 Hintayin mo ako.
Y4 Papunta na.
Y5 Hintayin mo ako.

Apat naman sa katagang “Wait for me!” ang tumpak ang pagkakasalin at
pagkakaunawa samantalang si Y4 ay malayo ang pagkakaintindi rito.

4. Initiate retreat!
OOSY SALIN
Y1 Takbo!
Y2 Back na, ano … takas!
Y3 Balik? Urong?
De La Salle University - Dasmariñas
PROGRAMANG PANGGRADWADO

Y4 Balik na.
Y5 Wag sumugod?

Sa katagang “Initiate retreat!”, 3 ang nakaunawa samantalang si Y5


naman ay maaaring maikonsidera dahil may kaugnayan naman ang kanyang
pagkakaunawa.

5. Careful! The enemy is missing!


OOSY SALIN
Y1 Mag-ingat, nagtatago yung kalaban.
Y2 Ingat, nawawala yung kalaban.
Y3 Ingat, hindi makita yung kalaban.
Ano … Mag-ingat po. Hindi po kita sa
Y4
mapa yung kalaban.
Y5 Ingat, nawawala yung kalaban.

Isang daang porsiyento naman ang nakaunawa sa katagang “Careful! The


enemy is missing!”.
Makikita sa mga talahanayan na ang karamihan sa mga kataga ay
nauunawaan at naisalin ng mga OOSY sa Filipino. Ayon kay Y1, matagal na
siyang naglalaro ng MLBB na siya naman sinuportahan ng pananaliksik ni Tibi
(2021). Naging mainam at makapangyarihang lunsaran ang mga video games sa
pagkatuto ng L2. Dagdag pa ni Tibi, may mga empirikal na ebidensiyang
nagpapakita na malaki ang ginagampanan ng bokabularyo sa pag-unawa at
pagkatuto ng L2.
“Ginagawa ko rin pong Tagalog yung boses ng mga hero pati po yung
mga sulat,” wika naman nina Y2 at Y3. Ilan ito sa mga hatid ng larong MLBB.
De La Salle University - Dasmariñas
PROGRAMANG PANGGRADWADO

Maaari mong palitan ang mga teksto at ang boses o winiwika ng mga hero
sa anumang linggwahe na iyong nanaisin.
Sa kabuuan, ang mga resulta ng pananaliksik na ito ay nagpapakita na ang
mga video game ay maaaring makaimpluwensya sa pagkatuto ng L2 ng mga bata
sa pamamagitan ng pagbuo ng bokabularyo, interaktibidad, at komunikasyon.
Napag-alaman na natututo ang mga bata sa pamamagitan ng pag-aangkop ng
kanilang schema sa pamamagitan ng imitasyon at trial-error. Gayunpaman, ang
mga kinakailangang hakbang ay dapat gawin kapag inilalantad ang mga bata sa
mga bagong wika sa pamamagitan ng mga video game dahil sa hindi maiiwasang
paggamit ng mga mahalay na salita at kakulangan ng pormal na diskurso. Ang
pagkabigong gumawa ng aksyon ay malalagay sa alanganin ang pag-unlad ng
mga bata sa parehong kognitibo at apektibong aspeto. Bagama't ang mga resulta
ng pag-aaral na ito ay hindi maaaring gawing pangkalahatan sa iba pang
modernong mga video game, ang mga taga-disenyo ng laro ay dapat na maging
maingat sa paggamit ng bulgar na pananalita upang maiwasan ang negatibong
impluwensya nito sa mga bata. Sa pamamagitan ng pagtatakda ng pedagohikal na
implikasyon ng mga modernong video game, ang pananaliksik na ito ay maaaring
maging mahalagang materyal para sa mga tagapagsulong ng may kalidad na
edukasyon at mga developer ng kurikulum, lalo na sa pag-aaral ng pangalawang
wika. Hiling na maraming mga kasanayan sa paggamit ng mga video game ang
maaaring mailapat upang mapadali ang pag-unlad ng wika ng mga bata lalo’t
higit ng mga out-of-school youths (OOSY).
De La Salle University - Dasmariñas
PROGRAMANG PANGGRADWADO

Konklusyon at Rekomendasyon
Sakop lamang ng pananaliksik na ito ang demograpikong propayl (edad,
kasarian, at taon ng paglalaro ng MLBB) ng mga OOSY na nagsilbing
interbyuwi. Nilimitahan lamang ng mananaliksik sa 5 tao na kanyang
nakasalamuha sa pampublikong pamilihan ng lungsod ng Dasmariñas.
Lokal na Pamahalaan ng Dasmariñas. Mainam na makapagsagawa ng
literacry program na makatutulong sa mga OOSY ng lungsod. Makatutulong ang
pagsasagawa ng programa patungkol sa pagbasa at pagsusulat sa Filipino at
Ingles.
Mga Guro sa Wika (Filipino at Ingles). Makabubuti na makipag-
ugnayan sa lokal na pamahalaan ng Dasmariñas upang maisulong ang mga
programa sa pagbabasa at pagsusulat ng Filipino at Ingles. Hindi lamang sa loob
ng paaralan kinakailangang makapaghatid ng kaalaman ang mga guro kundi kahit
saan man ay marapat silang maging instrumento sa pagkatuto.
Mga Mananaliksik. Maaaring palawigin ang pananaliksik na ito kagaya
na lamang ng paggamit ng ibang video games na maaaring maging lunsaran ng
pagkatuto ng L2. Ang pagdaragdag ng bilang ng interbyuwi ay maaari ring
gawin.

Sa pagtatapos ng pananaliksik na ito, natukoy ng mananaliksik na ang


larong Mobile Legends BangBang o MLBB ay maaaring maging lunsaran ng
pagkatuto ng L2 ng mga OOSY ngunit mas mainam pa rin na may gabay ng guro
sa pagkatuto ng anumang wika. Sa pakikipag-ugnayan ng mga guro at lokal na
pamahalaan ng Dasmariñas, maaaring maglunsad ng mga literacy program para
sa OOSY ng sa gayon ay magabayan pa rin ang mga bata dahil hindi lahat sila
marapat na maghatid ng kaalaman sa apat na sulok ng silil-aralan lamang.
De La Salle University - Dasmariñas
PROGRAMANG PANGGRADWADO

SANGGUNIAN:

Mga link:

https://news.cci.fsu.edu/cci-news/cci-faculty/researchers-explore-second-
language-acquisition-through-video-games/#:~:text=Video%20games%20have
%20recently%20emerged,parts%20that%20make%20up%20words.

https://dl.acm.org/doi/abs/10.5555/3212655.3212661

https://eric.ed.gov/?id=EJ1160637#:~:text=The%20findings%20indicate%20that
%20computer%20games%2C%20especially%20the,engagement%2C%20or
%20enhancement%20of%20learners%27%20involvement%20in
%20communication.

https://eric.ed.gov/?id=EJ1160637#:~:text=The%20findings%20indicate%20that
%20computer%20games%2C%20especially%20the,engagement%2C%20or
%20enhancement%20of%20learners%27%20involvement%20in
%20communication.

You might also like