You are on page 1of 12

PANANALIKSIK

Paksa: ​Ang Impluwesiya ng Jejemon sa Kasalukuyang Panahon

Pangunahing Layunin: ​Ang layunin ng pananaliksik na ito ay alamin kung may


impluwensya pa rin ba ang Jejemon sa mga tao sa kasalukuyang panahon upang mas
mapalalim ang pagkakaintindi ng sosyolek sa wikang Filipino.

Tiyak na Layunin: ​Layunin ng pananaliksik na ito na mabigyang kahulugan at maitala ang


pinagmulan ng Jejemon. Susuriin kung sinu-sino, paano at saan ginagamit ang Jejemon.

Pangunahing Ideya ng Pag-aaral: ​Sa paglipas ng panahon, nakabuo ang sangkatauhan ng


isang sosyolek na tinatawag na Jejemon. Naging ma-impluwensiya ito sa mga Pilipino.

Suliranin: ​Impluwensiyal pa rin ba ang Jejemon?


BALANGKAS

I. PAMAGAT - ​Ang Impluwensiya ng Jejemon sa Kasalukuyang Panahon

II. ABSTRAK (300-500 WORDS)


III. INTRODUKSYON
A. Rasyonal o dahilan bakit niyo isinusulat ang inyong pag-aaral
B. Background ng jeje, thesis statement
C. Layunin
D. Suliranin
E. Kahalagahan
IV. METODOLOHIYA
A. Paraan ng paggawa (kw​antitatibo ba o kwalitatibo?)
B. Gumamit ba ng archival method o pag-aanalisa ng mga sekondaryang batis.
C. Primaryang batis: ito ang mga impormasyon na personal na nakuha mula sa
personal na panayam o pagmamay-ari ng taong sinasaliksik tulad ng diary. Mga
halimbawa: panayam, diary
D. Sekondaryang batis: Artikulo mula sa mga dyornal, website, dyaryo
V. RESULTA AT DISKUSYON
A. Pagtalakay ng suliranin BY ORDER.
VI. KONKLUSYON
A. Pagsagot sa pangkalahatang suliranin
B. Pinapatunayan ang thesis statement
VII. REKOMENDASYON
VIII. BIBLIOGRAPIYA
KABANATA II
ABSTRAK

Ang wikang Jejemon ay isang sosyolek na nabuo sa Pilipinas. Ang Jejemon ay isang
paraan ng pagsasalita at pagsusulat na may positibo at negatibong epekto sa Pilipinas at wikang
Filipino. Bumaba na ang popularidad nito mula , ngunit ito ay patuloy pa ring ginagamit. Sa
pag-aaral na ito, ang mga mananaliksik ay kumuha ng mga datos sa pamamagitan ng pag-sarbey
sa mga mag-aaral ng Pamantasan ng De La Salle. Higit pa dito, ang mga mananaliksik ay
gumamit rin ng ​archival method, pag-aanalisa sa mga sekondaryang batis at pag-aaral at mga
tesis na nakalap mula sa pook-sapot at libro.

Libro

Ang librong ginamit ng mga mananaliksik ay ang Sidhaya 11: Komunikasyon ay


Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino na nilimbag ng C & E Publishing, Inc. noong taong
2016.

KABANATA III
INTRODUKSYON

Ang kultura ng isang panahon, pook, o bansa ay muling naipahahayag sa


pamamagitan ng wika (Lachica, 1998). Ito ay sumasalamin hindi lamang sa kultura, ngunit pati
sa tradisyon, at pagkatao ng mga ​gumagamit nito. ​Ang Filipino, ang pambansang wika ng
Pilipinas, ay pabago-bago sapagkat ito ay binubuhay ng malimit na paggamit ng iba’t-ibang
henerasyon ng mga Pilipino. Bunga nito, nakakagawa ang mga Pilipino ng mga bagong
terminolohiya hango sa iba’t-ibang mga bagong ​trends n​ a sumisikat. Isa na dito ang sosyolek na
Jejemon.

Ang Jejemon, ngunit hindi tiyak na alam kung saan unang nagsimula, ay mabilis
na kumalat nang ito ay nagamit. Mayroong nagsasabing ang terminong “Jejemon” ay sumikat
dahil sa blog tungkol sa isang kandidato sa pagbise-presidente na si Jejomar Binay, at may
nagsasabi namang lumaganap ang paggamit ng Jejemon dahil sa limitasyon ng mga karakter sa
short messaging service ​ng mga cellphone kaya kinakailangang paiksiin ang mga salita. ​Ayon sa
isang pag-aaral ni Kimberly Q. Querubin, naging malaki ang epekto ng paggamit ng Jejemon sa
mga Pilipino, lalo na sa mga mag-aaral. Sinabi niyang kapansin-pansin ang pag-degrade ng
kakayahan ng mga mag-aaral na magsulat ng pormal dahil sa kasanayan nilang gumamit ng
Jejemon o pagpapaikli ng mga salita tulad ng pagsulat ng “​d2”​ sa halip​ ​ng “dito.”

Layunin ng riserts na bigyan ng kahulugan at maitala ang pinagmulan ng Jejemon.


Susuriin ng mga mananaliksik kung sinu-sino, paano at saan ginagamit ang Jejemon. Nais ng
mga mananaliksik na malaman kung may impluwensiya pa rin ang Jejemon sa mga Pilipino sa
kasalukuyang panahon​ u​ pang mas lumalim ang pag-iintindi ng mga sosyolek sa wikang Filipino.

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong sagutin ang mga sumusunod na suliranin:


1. Kailan ito nagsimula? Saan ito hinango?
2. Sinu–sino ang gumagamit nito?
3. Ano ang mga epekto ng paggamit ng Jejemon sa wikang Filipino?
4. Ano ang katayuan nito sa kasalukuyan?
5. May kinabukasan ba ang paggamit ng Jejemon?

Naging impluwensiyal na ang Jejemon sa madla simula noong ito’y gamitin, ngunit sa
pag-usbong ng taong 2017, hindi na gaano nararamdaman ang impluwensiya nito. Higit na
makakatulong ang pananaliksik na ito dahil masasabi nito kung may saysay pa ang karagdagang
pag-aaral sa jejemon.

Ang pananaliksik na ito ay mahalaga dahil ito’y maaaring magbigay alam sa mga
mambabasa ng mga dulot ng Jejemon sa ating lipunan at sa ating wika. Nang unang marinig ang
tungkol sa Jejemon, maaari ninyong isipin na nakakapinsala ito sa pambansang wika natin dahil
sa kawalang-halaga nito, ngunit diyan kayo nagkakamali. Sa kasalukuyan, may gumagamit pa
rin ng Jejemon bilang kanilang paraan ng pakikipag-usap sa ibang tao, ngunit hindi na sila
marami sa bilang.

Lawak at Limitasyon
Ang panahong sakop ng pag-aaral na ito ay ang sa kasalukuyang panahon. Tiniyak ng
mga mananaliksik na ang pag-aaral ay nagsimula sa buwan ng Agosto at matatapos ito bago
magtapos ang unang markahan.

Ang mga datos ay nakalap mula sa isinagawang sarbey kung saan ay nakibahagi ang mga
mag-aaral mula sa Senior High School at kolehiyo ng Pamantasan ng De La Salle sa Maynila,
mga pag-aaral mula sa Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman, mga pahayagan, at Internet.

Tanging ang lengguwahe lamang ng Jejemon at hindi ang kultura nito ang pinagtutuunan
ng pansin ng aral.

KABANATA IV
METODOLOHIYA

Ang naisagawang pag-aaral ng mga mananaliksik ay kwalitatibo. Gumamit ang mga


mananaliksik ng sarbey, at mga pag-aaral at tesis mula sa iba’t-ibang ​makakalap na
impormasyon.

Sarbey
Ang mga mananaliksik ay nagpasagot ng sarbey sa 50 mag-aaral na kabilang sa Senior
High School at kolehiyo ng Pamantasan ng De La Salle sa Maynila. Kanilang itinanong ay ang
mga sumusunod:
1. Pamilyar ka ba sa Jejemon?
2. Sa mga nakalipas na araw, nakakakita ka ba ng mga taong nakasuot ng pang-jeje o
gumagamit/nagsasalita ng Jejemon?
3. Sa paanong paraan mo nakikita ang Jejemon?
4. Sa palagay mo ba ay nakauunlad (o hindi) ang mga jejemon at ang kanilang mga gawain
bilang jeje? Bakit?
5. Sa palagay mo ba ay may kinabukasan ang Jejemon? Bakit?

Pananaliksik
Ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng riserts sa pamamagitan ng archival method at ng
pag-aanalisa sa mga sekondaryang batis. ​Nagbatay ang mga mananaliksik sa pag-aaral at mga
tesis na nakalap mula sa pook-sapot.

Libro

Ang librong ginamit ng mga mananaliksik ay ang Sidhaya 11: Komunikasyon ay


Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino na nilimbag ng C & E Publishing, Inc. noong taong
2016.

KABANATA V
RESULTA AT DISKUSYON

Figure 1: Pie Tsart na ipinapakita kung saan kabilang ang mga nagsagot.
Ipinapakita sa tsart na ito na ang mga sumagot ng sarbey ay hango sa iba’t ibang uri ng tao. Hindi
lamang galing sa senior high kung hindi pati sa mga nag-aaral sa kolehiyo na mayroong mas mature na
tugon.

Figure 2: pie tsart na nagpapakita kung ilang bahagdan sa mga tumugon ang pamilyar sa
Jejemon
Figure 3: pie tsart na nagpapakita ng bahagdan ng mga tumugon na nakakakia pa rin ng
Jejemon sa araw-araw na buhay

Figure 4: Pie Tsart na nagpapakita sa pagsang-ayon ng mga sumagot ukol sa kontribusyon sa


pag-unlad ng Jejemon

Figure 5: Pie Tsart na nagpapakita ng opinyon ng mga sumagot kung may patutunguhan ba ang
Jejemon
Karamihan ng mga sumagot ay taga-Senior High School subalit may kaunting taga-kolehiyo
ding nakisagot. Ibig sabihin nito na karamihan ng sumagot ay mga tineydyer na e​ xposed​ sa pop
culture noon at ngayon. Sinagot ng karamihan na pamilyar sila sa jeje ngunit may mga kaunti
na hindi. Ibig sabihin nito na may mga sagot na hindi maaasahan sapagkat hindi sapat ang
kanilang kaalaman sa jejemon. Bunga nito, iniayos ng mga magsasaliksik ang resulta ng mga
ibang tanong at hindi sinama ang sinagot nila sa mga susunod na resulta. Halos kalahati sa
kanila ay nakakita ng jeje na kasalitaan. Ipinapakita nito na hindi kasing-laganap tulad ng dati
ang jejeng salita. Karamihan ay nagsabing hindi nakakaunlad ang jeje. Sinasabi ng karamihan
na hindi nakauunlad ang jeje dahil “mababa raw ang tingin sa kanila”, samantalang ang
sumagot na nakauunlad ang mga jeje ay dinahilan na “malikhain ang pagsalita ng jeje”. Nang
tinanong kung may kinabukasan ang jeje, karamihan naman sa kanila ay nagsagot ng oo. Ang
ipinapahiwatig lamang nito ay tingin ng mga estudyante ng La Salle na hanggang ngayon
laganap parin ang jeje at lalaganap parin siya sa susunod na taon. Ibig sabihin nito ay
hanggang ngayon, ramdam parin ng karamihan ang jejemon
Ayon sa mga artikulong aming naipon, walang siguradong petsa ang simula ng paggamit
ng Jejem​on, ngunit to ay unang ginamit sa mga “short messaging service” noong mga unang taon
ng ikatlong milenyo sa mga cellphone tulad ng Nokia 5510. ​Dahil sa limit sa numero ng karakter
na dulot ng ​short messaging service​, kinailangang paiksiin ng mga tao ang kanilang mensahe
upang magkasya ito sa isang ​text.​ ​Mula doon ay nag-umpisa na rin ang pagpapalit ng posisyon
ng mga letra at paghahalo ng mga espesyal na karakter at mga numero sa mga salita, na siya
ngayon ang bumubuo ng wikang Jejemon. Mas naging kilala ang Jejemon nang naging mas
madali at umuso ang paggamit ng Internet. Nakita ang pagkakaiba ng kanilang pamamaraan ng
pagsulat at nabigyan ito ng pangalan ng media. ​Ang salitang “jejemon” ay mahahati sa dalawang
parte: “jeje” at “mon”. Ang “jeje” ay nagmula sa Espanyol na pagbaybay ng “hehe”, isang
ekspresyon ng katuwaan sa Internet. Ang “mon” naman ay nangangahuluhang “monsters” o
halimaw na hango sa Hapones na mga ​anime character ​na Pocket Monsters, o mas kilala sa
tawag na Pokemon.

Noong u​nang nagsimula ang Jejemon, ang mga gumagamit nito ay ang mga taong
gumagamit ng “short messaging service”. ​Dahil sa limit sa paggamit ng mga karakter,
kailangang paiksiin ang mensahe upang ito ay magkasya ito sa isang ​text.​ ​Ito ay nakilala at
nabigyan ng pangalan nang sumikat ang ​social media site na Facebook. May nagsasabi rin na
ang madalas na gumamit nito ay ang mga galing sa mababang estado ng pamumuhay. Sa
kasalukuyan, sinasabi pa ring marami sa gumagamit ng Jejemon ay nanggagaling sa mga
namumuhay sa mabababang antas ng lipunan. Dahil ang Jejemon ay ang pagdadaglat ng mga
salita, madalas na inuugnay ito sa kakulangan sa kaalaman o edukasyon. Gayunpaman, hindi ito
totoo. Ang mga taong nais na gumamit ng mga pagdadaglat ng mga salita, mahirap man sila o
hindi, ay maaaring gumamit ng Jejemon.

Ang Jejemon ay may magaganda at masasamang epekto sa wikang Filipino. Isa sa


magandang epekto nito ay ang paggamit nito bilang layunin ng seguridad. Dahil hindi madaling
intindihin ang Jejemon, hindi madaling mataga ng mga hacker ang iyong mga account sa
Internet. Tinataguyod rin nito ang pagiging malikhain ng mga tao. Nahihikayatan ang mga
gumagamit ng Jejemon na mag-isip ng mas maraming paraan upang sulatin ang isang partikular
na salita. Kung titingnan naman ang masamang bahagi nito, una na rito ang pagiging mahirap
intindihin ng Jejemon. Bagaman ito ay nakakatulong sa seguridad, kapag ito ay ginamit sa mga
nakakasamang plano, maaaring hindi itong agad-agad na mareresolba kung hindi pamilyar ang
mga nag-iimbestiga sa Jejemon. Dahil ang Jejemon ay may halong mga numero’t simbolo
kasama ng mga letra, hindi madaling mababasa ito ng mga hindi nakakaalam ng Jejemon. Dahil
nauso rin ang Jejemon, mas ginagamit ito ng kabataan sa kanilang pagsulat at hindi nilang
namamalayan na ang mga ibang salita na isinusulat nila ay mayroong maling spelling at
grammar. Isa pa sa masamang epekto nito ay ang hindi pag-unlad ng ating wika kung ang
Jejemon ay lumaganap. Maaaring sabihin na hindi maaaring gamitin ang Jejemon sa mga pormal
na sitwasyon dahil hindi ito magandang tingnan. Mababa rin ang tingin ng nakakarami sa
Jejemon. Kaya kung ikaw ay gumagamit nito, posibleng mababa rin ang tingin sa iyo ng mga
tao.

Sa kasalukuyan, marami sa mga tao ay tutol sa paggamit ng Jejemon. Kagaya ng nasabi


kanina, maaaring mababa ang tingin sa iyo ng mga tao kung ikaw ay gumagamit ng Jejemon.
Ayon sa isang artikulo, ang Jejemon ay nakaambag sa maling paggamit at maling pagkaintindi
ng maraming ideya at kawalan ng karunungan, hindi lang ng kabataan, pati na rin ng lipunan.
Naging sikat man ito noong 2010, ngunit ang popularidad nito ay bumaba sa paglipas ng mga
taon. Nagsimula nang kilalanin ng mas nakararami na ang paggamit ng Jejemon ay isang hindi
kanais-nais na praktis, kaya’t ito ay iniiwasan na. Subalit nauso ngayon ang sadyang pagsalita ng
Jejemon bilang katuwaan. Halimbawa na rito ay ang pagsabi ng “suko na si acoe” or “y0k0 na
p0whz” na patok sa mga ​memes ​sa mga​ social networking sites​ na Facebook at Twitter.

Masasabi nating may kinabukasan ang paggamit ng Jejemon. Kahit ang paggamit nito’y
humina na pagkatapos nitong sumikat, patuloy pa rin ang paggamit ng maraming Pilipino sa
Jejemon, kahit ang kanilang pamamaraan ay nabigyan na ng label ng lipunan. Ito ay tatagal
sapagkat isa itong malikhaing paraan ng pagpapahayag ng sarili at mainam itong paraan upang
makatipid ng oras kung nagmamadali ka sa pagbibigay ng mensahe.

KABANATA VI
KONKLUSYON
Bilang konklusyon, batay sa aming mga nalikom na artikulo at mga sarbey, tunay na may
impluwensya pa rin ang Jejemon sa mga tao sa kasalukuyang panahon. Marami pa rin sa mga tao
ngayon ay gumagamit ng Jejemon sa kanilang araw-araw na buhay. Laganap pa rin ito sa ating
panahon ngayon, lalong lalo na sa mga social media kung saan karamihan sa mga Pilipino ay
kasali rito. Base rin sa sarbey na aming isinigawa, marami pa ring Lasalyano ang naniniwalang
may kinabukasan ang Jejemon, bagaman marami rin ay naininiwalang hindi nakakaunlad ang
paggamit nito. Ang pagdadaglat ng mga salita ay maaaring ginagawa pasadya o hindi sa
iba’t-ibang rason, at hanggang sa ito’y nangyayari, patuloy pa rin ang buhay ng wikang Jejemon.

KABANATA VII
BIBLIOGRAPIYA

DepEd seeks to purge schools of ‘jejemon’ mentality | News | GMA News Online. (2010, May

22). Retrieved from

http://www.gmanetwork.com/news/news/nation/191566/deped-seeks-to-purge-schools-of

-jejemon-mentality/story/
Jejemon - Wikipedia. (n.d.). Retrieved August 26, 2017, from

https://en.wikipedia.org/wiki/Jejemon

Lachica, Veneranda S. ​Komunikasyon at Linggwistika.​ Sta. Cruz, Manila: MK Imprint, 1998.

Nuncio, R. V., Nuncio, E. M., Valenzuela, R., Malabuyoc, V. A., Saul, A. G., Gragasin, J. D., &

Villanueva, M. (2016). Lingguwistikong Komunidad at Uri ng Wika. In ​Sidhaya 11:

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino​ (pp. 43-45). Quezon City,

Philippines: C & E Publishing.

Frondozo, M. (n.d.). ISANG PANANALIKSIK: PAG-AARAL NG WIKANG JEJEMON

ISANG REKWARYMENT SA PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA'T-IBANG

TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK. Retrieved August 27, 2017, from

http://www.academia.edu/31101833/ISANG_PANANALIKSIK_PAG-AARAL_NG_WI

KANG_JEJEMON_ISANG_REKWARYMENT_SA_PAGBASA_AT_PAGSUSURI_N

G_IBAT-IBANG_TEKSTO_TUNGO_SA_PANANALIKSIK

You might also like