You are on page 1of 5

SCHOOL OF TEACHER EDUCATION

Dahilan ng Unti-unting Pagkawala ng Wikang Subanen sa mga Kabataang Subanen

Dumending Maybell B.

I. Rasyunale

Mula noon hanggang ngayon ang wika ay binibigyan ng halaga ng mga dalubwika. Sa paglipas ng
panahon, yumayabong at lumalawak ang paggamit ng wika, ito ay pinag-aralan ng mga mag-aaral mula
sa iba't ibang baitang. Ang wika ay patuloy na lumaganap sa buong daigdig. Ayon kay Whitehead isang
edukador at pilosopiyang Ingles: "Ang wika ay kabuuan ng kaisipan ng lipunang lumikha nito". Ibig
ipahiwatig nito na ang wika ay salamin ng lahi. Ayon naman kay Henry Gleason, ang wika ay maaaring
humubog ng ating pananaw pandaigdig. Kung titingnan ang wika bilang isang ideolohiya, maaaring
magkaroon ng iba't ibang pagpapakahulugan, pagtingin, pag-unawa at karanasan dahil may kanya-
kanyang posisyon at papel ang indibidwal sa lipunang kanyang ginagalawan at kinabibilangan. Isang
disiplinang maituturing ang pag-aaral sa wika sa loob ng lipunan at ito'y kabilang sa mga bagay na
pagtuunan ng pansin at pananaliksik, upang mas malinaw nating mailarawan ang mga kalagayan o
katayuan nito para sa ating ikagagaling bilang praktisyoner ng wika.Dahil sa kahalagahan ng wikang ito
ang mga guro ay naging batayan nila sa pagtuturo ng iba't ibang wika.

Bawat grupo ng mga tao ay may iba't ibang wika, tulad ng mga pangkat Subanen. Mahalaga ang wikang
Subanen sa mga pangkat Subanen, dahil ito ang kanilang daan upang magkakaintindihan ng maayos.
Ngunit ito ay isang malaking hamon sa mga kabataang Subanen sapagka't sa panahon ngayon unti-unti
nang nawawala ang wikang Subanen sa kanila. Maraming mga wika ang umusbong kung kaya't sarili
nilang wika ay unti-unti nang nawawala. Ayon kay Dr. Jose P. Rizal, ang hindi marunong magmahal sa
sariling wika ay higit pa sa mabaho at malansang isda. Mahalagang malaman ng mga kabataang Subanen
kung gaano kahalaga ang wika nila sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.

Nais malaman ng mananaliksik kung ilang porsiyento na lang ba ang paggamit nila ng wikang Subanen.
Naniniwala ang mananaliksik na kaya pang baguhin ang pananaw ng mga kabataang Subanen sa
wastong paggamit ng sariling wika. Nais din ng mananaliksik na hikayatin ang mga kabataan na
magpahayag ng saloobin tungkol sa kanilang mga saloobin.
II. Layunin ng Pag-aaral

Layunin ng pananaliksik na ito ay masagot ang mga sumusunod na katanungan:

a. Aalamin ang unti-unting pagkawala ng Wikang Subanen sa mga kabataang Subanen;

b. Matutukoy ang kahalagahan ng wikang Subanen; at

d. Matataya ang kakayahang magamit ang wikang Subanen sa mga kabataang Subanen.

III. Metodolohiya

A. Disenyo ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na gagawin ay Eksperimental. Ang disenyo ng pag-aaral ay interbyu at checklist


questionnaire. Ito ay magiging Eksperimental dahil layunin ng mananaliksik na alamin ang dahilan ng
unti-unting pagkawala ng wikang Subanen sa mga kabataang Subanen.

Ang mananaliksik ay magsasagawa ng interbyu at checklist questionaire sa mga grupo ng mga kabataang
Subanen. Dito malalaman kung ano nga ba ang dahilan ng unti-unting pagkawala ng wikang Subanen sa
mga kabataang Subanen. Ang mga makakalap na datos ay lilikumin ng mananaliksik.

B. Kalahok o Partisipant

Ang mga partisipant sa pag-aaral na ito ay mga kabataang Subanen sa Barangay Guinicolalay lamang.
Inaasahan ang pag-aaral na ito ay makakatulong nang malaki sa paglinang sa paggamit ng wikang
Subanen sa mga kabataang Subanen.

C. Lugar ng Pananaliksik

Ang pag-aaral ay isasagawa sa Barangay Guinicolalay. Ang lugar na ito ang kasalukuyang pinagtutuunan
ng mananaliksik. Ito ay isang lugar ng mga pangkat-Subanen na nasa bayan ng Guinicolalay Dinas
Zamboanga Del Sur.

D. Ang instrumentong gagamitin ng mananaliksik ay interbyu at checklist questionaire sa mga grupo ng


mga kabataang Subanen sa Barangay Guinicolalay.

E. Paraan ng Pangangalap ng Datos

Ang mananaliksik ay isang mag-aaral mula sa JHCSC at kumukuha sa kursong Bachelor of Sekondarya
Edukasyon Major in Filipino. Bilang isang kabataang Subanen o bilang guro sa hinaharap,
pinapahalagahan ng mananaliksik ang epektibong paggamit ng sariling wika lalong lalo na ang wikang
Subanen. Magsisimula ang mananaliksik sa paglilista sa mga dahilan ng unti-unting pagkawala ng wikang
Subanen sa mga kabataang Subanen. Ang mananaliksik ay magsasagawa ng interbyu maaaring mga
Timuay upang makapagbabahagi ng kanilang mga ideya ang posibleng dahilan ng unti-unting pagkawala
ng wikang Subanen. Pagkatapos nito gagawa ng checklist questionaire para sa grupo ng mga kabataan
ang target na respondent sa konseptong papel na ito. Lilikumin at aanalisahin ng mananaliksik ang mga
nakalap na datos.

IV. Inaasahang Bunga

Hangad ng mananaliksik bilang isang kabataang Subanen o bilang guro sa hinaharap higit na
maiintindihan ng mga kabataang Subanen ang kahalagahan ng paggamit ng wikang Subanen. Inaasahan
at naniniwala ang mananaliksik bilang isang kabataang Subanen o bilang isang guro sa hinaharap na
makakatulong ng malaki ang paggamit ng wikang Subanen sa mga kabataang Subanen upang mas
mabisa ang kanilang pakikipagtalastasan sa kani-kanilang mga kaanak, pamilya at mga kapwa Subanen.
Ayon sa interbyu sa mga Timuay sa Barangay Guinicolalay maraming dahilan kung bakit unti-unting
nawawala ang wikang Subanen sa mga kabataang Subanen ngayon. Nakuha rin ang mga dahilan ng unti
unting pagkawala ng wikang Subanen sa mga kabataang Subanen sa pamamagitan ng checklist
questionaire na ginamit na disenyo sa pag-aaral na ito.
Part 2

A. Refleksyon na napakinggan mula sa speaker sa Webinar na naganap. Ano ang natutunan at nakukuha
ninyo?

Marami akong natutuhan mula sa webinar na naganap, kasi napakagaling ni Sir Chem Pantorilla bilang
isang ispiker. Ang mga natutunan kong iyon ay magagamit ko bilang isang mag-aaral sa JHCSC at bilang
isang guro sa hinaharap. Ang mga mahahalagang impormasyon na iyon tungkol sa barayti ng wika at
kung paano gamitin ang mga wika, kung paano ba nagbabago ang isang wika? At makikita rin sa kanyang
paksa ang paktor sa baryasyon ng wika tulad ng mga sumusunod: kontekstong nakapalibot, edad,
kasarian, kultura, etnikong kinabibilangan, trabaho, heograpiya at estadong panlipunan. Nalaman ko rin
kay sir Chem Pantorilla ang kahalagahan ng papel ng barayti at baryasyon ng wika sa wikang Filipino sa
pagtuturo nito.

Kailnman ang kaalaman na ito mula sa webinar ay hindi maaagaw ng iba. Ito ay mananatili sa akin
habang ako'y humihinga, si Sir Chem ay isang daan upang ako ay masasabing isang mag-aaral sapagka't
may bagong kaalaman na natutuhan. Masasabi kong siya ay isang epektibong tagapagturo ng Wika.

B. Reaksyon at kritik mula sa limang nagbahagi ng kanilang konseptong papel. Isa-isahin sila sa inyong
kritik.

Ang unang nagbahagi ng kanyang konseptong papel ay si Samantha Mae S. Francis. Bibigyan ko siya ng
apat na puntos dahil maganda ang paksang napili niya tungkol sa online class, dahil ang kanyang paksa
ay may kaugnay sa new normal na pag-aaral. May katuturan ang kanyang pananaliksik na maaaring
makapagbigay ng impormasyon sa mga mag-aaral. Naidepensa naman niya Ito ng tama.

Ang pangalawang nagpresenta ay si Rae Ann A. Langgaman. Bibigyan ko siya ng apat na puntos dahil ang
kanyang konseptong papel na ginawa ay makabuluhan at nakapagbibigay ng mga mahahalagang
impormasyon sa mga mag-aaral. Tungkol Naman sa kanyang pagdepensa, nasagot naman niya ang mga
katanungan mula kay sir Chem Pantorilla. Dahil doon nararapat lamang bigyan siya ng apat na puntos.

Ang pangatlo naman ay si Diane Quenie Tan-Macan. Bibigyan ko siya ng apat na puntos, dahil gaya ng
sabi ko kanina ang kanyang paksa ay makabuluhan at impormatib na pananaliksik. Nagbibigay ng mga
dagdag kaalaman sa mga mag-aaral. Ang kanyang pagdepensa ay kanya naman iyong nabigyan ng
kasagutan.

Ang pang-apat naman ay si Frecil Fe S. Relativo. Bibigyan ko siya ng limang puntos dahil ang kanyang
napiling paksa ay napakaganda. May magandang katuturan ang kanyang napili na paksa. Masasabi kong
kabisadong-kabisado niya ang kanyang pananaliksik. Siya ang pinakamagaling sa lahat na nagpresenta ng
kanilang konseptong papel, ako ay napamangha sa kanyang ipinakitang talino at kakayahan. Nakita ko
ang kanyang galing sa pagdepensa, dahil alam na alam niya ang kanyang dapat gawin sa kanyang
pananaliksik.
Ikalima naman ay si Emalyn C. Turno. Bibigyan ko rin siya ng limang puntos, dahil magaling din ang
kanyang paksa sa kaniyang konseptong papel. Alam at kabisado niya rin ang kanyang pananaliksik.
Nagpakita rin siya ng galing at talino lalong lalo na sa pagdepensa ng kanyang konseptong papel.

C. Sa kabuuan ano ang masasabi sa webinar at paano ito nakakatulong sa inyo.

Isang malaking tulong ang naibigay sa akin sa naganap na webinar sapagka't marami akong natutuhan
tulad ng mga butil na kaalaman tungkol sa barayti at baryasyon ng wika. Sa pamamagitan nito mas lalo
pang nabuksan ang aking saradong isipan, na dapat pahalagahan ang pag-aaral ng Wika. Mas lalo pa
akong magpupursigi sa aking pag-aaral bilang isang estudyante na kumukuha sa kursong Edukasyon
Major in Filipino.

You might also like