You are on page 1of 2

FIL 403

MAED-FILIPINO 1
Pagninilay-nilay at Komento

“Pagsasalin, nakakatalas ng kaalaman sa wika”


Inihanda ni: Leah Mae L. Magana

Ang isa mga kahinaan ng isang Filipino ay ang pagsasalin. Bakit nga ba mahina
ang ibang tao sa pagsasaling wika? Saan ba sila nagkulang? Ayon nga sa teorya ni
Charles Darwin kinakailangan ng isang tao makipagsapalaran muna bago niya
matutuhan ang isang wika.

.Upang ikaw ay maging isang dalubhasa sa isang bagay dapat ikaw ay


maraming alam at karanasan dito. Hindi lahat ng bagay sa mundo na pinag-aaralan ay
binibigla, dahan-dahan itong pinapag-aralan at natutuhan. Tulad ng isang bata na hindi
pa marunong maglakad. Kailangan niya munang patibayin ang kaniyang buto.
Kailangan niya ng suporta at pag-alalay mula sa kaniyang mga magulang.

Ayon sa KWF “Tumatalas ang kakayahan at kaalaman sa wika sa pamamagitan


ng pagsasalin.” para sa akin nakadepende ito sa sitwasyon ng nagsasalin ng wika.
Hindi naman kasi lahat ay tumatalas ang kaalaman at kakayahan kapag nagsasalin lalo
na kapag hindi sila tinuruan nang maayos na proseso ng pagsasalin. Tulad na lamang
naranasan ko noong nasa sekondarya pa lamang ako. Kami ay pinasalin ng isang
kanta mula wikang Filipino isalin ito sa wikang Ingles. Hindi lamang ako ang nahirapan
pati na rin ang aking mga kaklase. Una hindi kami dalubhasa sa wikang Filipino, lalo na
sa wikang Ingles. Pangalawa, dapat matapos naming ito sa loob ng isang linggo. Para
sa amin kulang ang isang linggo lalo na sa mga hindi dalubhasa sa pagsasalin ng wika.
Ang ginawa naming ay isinalin naming ito sa literal na paraan para lamang meron
kaming maipasa. Nakakatawang isipin na kahit literal ito ay nakaya naming itong isalin.

“Sa proseso ng pagsasalin, nagkakaroon ka ng pagkakataon na manipula ang


wika dahil kailangan mong pag-aralan ang mga istruktura nito” sa pahayag nito ako ay
sumasang-ayon sapagkat naranasan ko rin na pag-aralan ang istruktura ng isang wika.
Kailangan mo munang alamin ang istruktura, ang wastong gamit ng ponema at
morpema ng isang wika upang hindi lalayo ang iyong pagsasalin. Isa sa mga pinag-
aralan kong wika ay ang Pangasinense. Hindi naman siya mahirap pag-aralan dahil ang
FIL 403
MAED-FILIPINO 1
wikang ito ay hindi nalalayo sa wikang Ilokano, at ako ay may dugong ilokano. Lumaki
sa mga taong marunong mag-ilokano.

Upang maging dalubhasa ka sa pagsasalin ng wika, kailangan sanayin mo ang


iyong sarili na magsalin ng isang panitikan. Hindi lamang ang iyong sarili ang iyong
matulungan, ngunit pati na rin ang iyong mga estudyante at kapuwa guro. Magbasa,
manuod, makinig, at magsulat, mga makrong kasanayan na makakatulong upang
madebelop ang kaalaman at kakayahan sa pagsasalin. Lahat ng tao ay maaring
maging dalubhasa sa pagsasalin hindi lamang ang mga matatalino ngunit pati na rin
ang nag-uumpisa pa lamang sapagkat ang tao ay may kakayahang matuto kung
gugustuhin niya. Isinasaalang-alang din ang kagustuhan ng isang tao. Kapag siya ay
napipilitan maaring hindi talaga maganda ang kalalabasan ng kaniyang isinasalin. Kaya
maging aktibo sa pagsasalin.

You might also like