You are on page 1of 1

MAGANA, LEAH MAE L.

MAEd-FIL
FIL 403

TAYA (8:45)
Cinemalaya Independent Short Film
By Adi Bontuyan and Francis Beltejar
https://m.youtube.com/watch?v=28j1RnrhmSY

Ang indie film na Taya ay isa sa mga magandang short film na aking
napanuod. Short film lang ito ngunit puno ng aral. Nagpapakita ito ng aral sa
buhay. Alam naman natin na halos tayo ay mahilig maglaro ng mga larong pinoy.
Ang short film na Taya, pinakita rito ang buhay ng kabataan sa isang iskwater.
Kapag iyo itong napanuod masasabing mo sila ay Masaya lamang naglalaro,
subalit ang mga kanilang laro ay kanila rin palang natutunan sa mga krimen na
naganap sa kanilang lugar.

Sa aking pagsusuri, ang kanilang pagsasalin sa Filipino sa Ingles ay


angkop naman. Mula umpisa hanggang wakas. Hindi basta basta ang pagsasalin.
Hindi ito literal. Mahusay rin naman ang bokabularyo at ang balarilang ginamit.

Narito ang ilan sa halimbawa ng kanilang mga diyalogo na isinalin sa ingles:

Filipino Ingles
Teka, teka, teka, Hold on, Hold on, hold on
Lagi kong napapansin I’ve been noticing something
Laging magkasama si Junjun pati si Eli Why is it that Junjun and Eli is always together?
Oo nga noh You’re right
Gusto mo batukan kita Do you want me to smack you in the head?

You might also like