Professional Documents
Culture Documents
Alyas FPG Ni Nita Eden So
Alyas FPG Ni Nita Eden So
Back story ng buhay pag-ibig ni Isko o Alyas FPJ. Nagpakasal sa iba ang nobyang si
Lumen sa isang nakaangat sa buhay. Wala raw kasi itong ambisyon sa buhay.
Lumuwas siya ng Maynila upang limutin ang kabiguan at upang matanaw man lang
niya ang kanyang idolong si FPJ. Isinama siyang paekstra-ekstra sa pelikula.
Sa pagtitinda ng balut sa Luneta ay nakilala niya at inampon ang dalawang bata: sina
Totoy at Nonoy na may kanya-kanyang istorya. Si TOTOY na iniligaw ng ina upang
sumama sa nobyong foreigner at si NONOY na isang battered child kaya naglayas.
Tinawag silang mga BATANG ISKRAP dahil kabilang sila sa mga nakikipag-agawan ng
mga tira-tirang pagkaing nanggagaling sa mga fastfood at niluluto uli. Tinuruan sila ni
Isko, Alyas FPJ) ng mabuting asal at pagsisikap sa buhay. Naging car watchboy at
shoe shiner sila upang makaipon ng pera para sa pag-aaral nila. Sa murang isip ni
Totoy ay naroon ang hangaring magkita uli sila ng ina kaya laging pumupunta sa lugar
na pinag-iwanan sa kanya sa Luneta. Naghihintay sa pagbabalik ng ina. Pinakaiingatan
din nito ang nakakuwadrong litrato ng ina.
Subplot pa rin si INE, ang batang prosti na nahawaan ng HIV ng isang Awstralyano.
Naging health worker si Ine na nagtuturo ng AIDS awareness. Istorya rin ng mga
streetkids na ang iba’y na-rescue at ang iba’y napahamak na.
2
Natagpuan si Nonoy ng ina. Sandali lang ang pagpapakitang kabaitan nito nagbalik sa
kalupitan kay Nonoy. Agaw buhay si Nonoy nang matagpuang nakakadena sa loob ng
bahay. Na-rescue at nadala hospital ang bata. Frontpage sa tabloid ang istorya ni
Nonoy. Dito natukoy nina Isko (Alyas FPJ) at Totoy ang kinaroroonang hospital ni
Nonoy.
Itinakas nila si Nonoy. Masaya na sina Alyas FPJ at mga BATANG ISKRAP dahil para sa
kanila ay pamilya na sila at laging gagabayan ni Alyas FPJ at ituturing na mga anak.
Silang tatlo, pinatawad na ang mga nagkasala sa kanila. Pinalipad nila ang mga lobong
nagtataglay ng kahilingan nila sa Diyos.
vvvvvvvvvvvvvvvvvvvvvvvvvvvvvvvvvvvvvvvvvvvvvvvvvvvvvvvvvv
2
3
xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
CAST OF CHARACTERS
SABEL, 30, ang nanay ni Nonoy , may dual personality: isang inang
nagmamahal at isang inang sobrang magparusa sa anak. She was a
rape victim , hiniwalayan ng nobyo nang mabuntis siya sanhi ng
rape, Malalaman din natin na she was also an abused child when
she was young and now…the perpetrator.
3
4
ELVIS, 14, kasama ang iba pang solvent kids ay na-rescue at nadala
sa “KANLUNGAN CENTER” Doon ay natuto, pinag-aaral sila at
tinutulungang magkaroon ng skills.
4
5
xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
5
6
Focus-defous-focus to:
Lalaki 1:
Ooy, FPJ, mukhang malayo ang mararating mo.
Tindera:
As usual, maghapon yan sa sinehan dahil me
palabas na pelikula ang idol niyang si Da King.
Lalaki 2:
Yung kakambal niya?
Lalaki 3:
Ano naman yan? (Pointing to the balutan)
6
7
Alyas FPJ:
Nagbaon na ako ng tanghalian at hapunan ko!
Lalaki 1:
Lugi naman yata sa’yo ang sinehan niyan.
Maghapong walang tayuan.
Tindera:
Sinusulit lamang naman ni Alyas FPJ ang
pambayad sa sinehan.
Alyas FPJ:
Sige! Para mahabol ko ang first showing.
NARRATION:
7
8
Alyas FPJ:
Ang galing mo talaga, idol! Kaliwa! Kanan! Sige,
bodega! rapido! Galing! Galiiiing!
Z sa movie screen.
Babae:
Ano ba? Ang ingay mo!
Manood ka na lang, pwede?
8
9
Maring:
Ginagamit lang ni Lumen ang utak niya. Kasi ano
nga mahihita niya sa’yo. Wala ka raw ambisyon.
Para sa’yo okey na ang konting kinikita mo sa
kapiraso mong lupa.
9
10
Alyas FPJ:
Tama na po, Aling Maring!
Maring:
Kung mahal mo talaga, kumilos ka!
6- BAKURAN: NIGHT
Lumen:
Nasaktan kita. Ikaw na kahit kailan
ay hindi gumawa ng mali sa akin.
Alyas FPJ:
Hayaan mo na lang akong masaktan.
Lumen:
P-pero…
10
11
ang emosyon.
Alyas FPJ:
Ang importante ay kung masaya ka sa desisyon
mo.
Lumen:
Pinatatawad mo na ba ako?
Alyas FPJ:
Mahalaga pa ba yon?
Lumen:
Unfair sa’yo ang naging desisyon ko.
Naging mabuti ka sa akin.
11
12
Enchong:
Iniwan mo pala ang bukid mo.
Alyas FPJ:
Ipinatrabaho ko muna sa iba. Gusto kong
sumubok ng kapalaran dito.
Enchong: (OA)
O, si Lumen ang dahilan?
Enchong:
Nagtitinda lang ako ng balut at chicharon sa
Luneta. Sama ka na lang. Hati tayo sa renta
nitong kuwarto.
12
13
Cut to:
9-LUNETA; NIGHT
Nagtitinda ng balut at tstisaron si
Alyas FPJ.
Enchong:
Magtawag ka nang malakas!
Alyas FPJ:
Erap, nahihiya yata ako!
Enchong:
Kung nahihiya ka e uwi ka na lang dun sa atin at
magsaka.
13
14
Alyas FPJ:
BALUT KAYO RIYAN! Bili na kayo ng balut!
mama, ale!
Enchong:
Sabihin mo…”Pampalakas ng tuhod!”
Dismayado si Enchong.
Enchong: (dictating)
Peborit ni misis, peborit ni mister!
Alyas FPJ:
Kailangan pa ba yon?
Enchong:
Kailangan!
Cut to:
14
15
Enchong:
Hindi mo nami-miss ang prubinsiya?
Enchong:
E ang leading lady sa buhay mo?
Enchong:
Yung caretaker ng mga talents sa pelikula.
Kailangan daw ng extra sa pelikula ni FPJ.
Enchong:
Ipinalista ko tayong dalawa. Eekstra tayo!
15
16
Talent manager:
Ang labas nyo ay taumbayan. Wala kayong
speaking lines kaya maliit lang ang bayad.
Talent manager:
Ikaw nga! Halika! Parang iba ang porma mo,Pare
ko!
Alyas FPJ:
B-Baket, po?
Talent Manager:
Wow! Kapag nakatalikod, FPJ!
16
17
Talent manager:
Medyo pa rin!
Talent Manager:
Maglilista na ako ng kasali!
To EXTRAS.
Talent Manager:
Pack up tayo. Basta sasabihin na lang kung kelan
tayo matutuloy. Aabisuhan kayo.
17
18
Alyas FPJ:
Sige, Erap! Pulbusin mo’ng dibdib! Isang kaliwa,
isang kanan! Wasakin mo’ng panga!
Enchong:
Suntoook! Galeeeng!
Tindera:
Ang ingay nyo! Nakakarindi na!
Tindera:
Enga pala, huling abiso na raw mula sa
munisipyo. Idedemolish na ang mga bahay natin.
18
19
Conching:
Kawawang Lumen, sising-alipin siya.
Yung si Andro, seloso, bugbugero.
Ginagawang punching bag ang asawa!
Kung makikita mo siya ngayon, kuluntoy na,
naglaho na ang ganda!
Conching:
Dahil sa pambubugbog ni Andro, nakunan siya
dun sa pangalawang anak nila.. Gusto nang
hiwalayan ni Lumen ang hayup na yon.
19
20
Alyas FPJ:
Bakit hindi niya hiwalayan?
Conching:
Papatayin daw ni Andro ang buong angkan niya
kapag humiwalay!
At malamang na magawa, sira ulo pala ang
lalaking yon!
Enchong:
Relak ka lang, Pards! Yun ang pinili niyang
kapalaran.
Conching:
Kumusta naman kayo rito, Enchong?
Enchong:
Negosyante, minsan ta-artits!
Conching:
Negosyante?
Alyas FPJ:
20
21
15-SMALL RESTAURANT:DAY:
Lumen:
Okay naman ako…sobra nga lang siyang seloso
kaya…(pinipigil maiyak)
h-hindi niya sinasadyang makapanakit. Mahal na
mahal lang kasi niya ako.
Alyas FPJ:
Lumen, narito ako. Ayokong may nananakit sa’yo.
21
22
Lumen:
Salamat sa pagmamalasakit mo.
Hindi ko kailangan ‘yon. May asawa na akong tao
at hindi na dapat nakipagkita sa’yo!
Lumen:
Ayokong madamay ka…pasasalamatan ko kung
hindi na ako sasagi sa isip mo.
Asst Direk:
O, yung mga extra! Taumbayan. Ang isisigaw lang
nyo ay: (with fervor)
Lalaban kami! Hindi kami susuko!
22
23
Enchong: (Whispers)
Baka kunin ka nang dobol ni manager.
Alyas FPJ:
Lalaban kami! Hindi kami susuko!
Asst. Direk:
Sorry, Bok. Ayaw ni manager na magpadobol.
Kaya naman daw niya.
Cut to:
23
24
Enchong:
Wala na tayong bahay. Uuwi muna ako sa
Libmanan. Makakaraos din don, saka balak ko
nang pakasalan si Oneng.
Alyas FPJ:
Okay lang. Sa Luneta na muna ako tatambay.
Babae:
Ang pinaghirapan kong bahay!
Huwaaag!
Pulis:
Matagal na po kayong inaabisuhan. Me
24
25
paglilipatan po sa inyo.
Cut to:
Narration:
Isang abandonadong kubo sa gilid ng
breakwater ang itinuro kay Alyas FPJ
upang doon manirahan.
Lalaki:
Dito ka na lang. Yung unang gumawa niyan ay
hindi na bumalik. Baka patay na.
Balita ko’y tinangay ng malakas na alon nung
bumagyo nung nakaraang taon. . Buti itong
bahay, andito pa.
Alyas FPJ:
Salamat ho. Ayos naman ho ito.
25
26
Lalaki:
Mahirap yung me binabayarang renta buwan-
buwan, sakit ng ulo.
Alyas FPJ:
Kahit paano, me palasyo na ako!
Cut to:
26
27
Cut to:
21-MONTAGE:
27
28
Crowd:
DA KING! DA KING FOR president!
MABUHAY SI FPJ!
Cut to:
Alyas FPJ:
28
29
Customer:
Siyempre fan ako non.
Customer 2:
Baka sakaling mamura ang tiket sa sine kapag
siya na ang presidente.
Alyas FPJ:
Bata, gising ka! Ba’t diyan ka natulog?
Pupungas-pungas na magigising
29
30
ang bata.
Totoy:
Madilim na?
Alyas FPJ:
Gabi na nga? Ano’ng ginagawa mo? Nasaan ang
kasama mo?
Kanina pa kita nakikitang nag-iisa diyan.
Totoy:
s-sabi po ng inay ko…babalik siya ng alas-singko.
Alyas FPJ
Alas nuwebe na ng gabi. Hindi ka na babalikan
noon.
Sumama ka na lang sa akin para makatulog ka
nang maayos.
Totoy:
Ayoko po. Sabi po ni Inay, babalik siya! (Iyak)
Inaaayy! (Iyak)
Alyas FPJ:
Sige, kung ayaw mo, diyan ka lang.
30
31
Alyas FPJ:
Bili na kayo ng balooot! Pampalakas ng tuhod!
Tsitsarong malutong
Na me sawsawang suka at sili! Bili na kayo!
(SIGAW) BALUUUT!
Totoy: (iyak)
Ang lobo koooo!
Alyas FPJ:
Bata? Baket?
Young Totoy:
31
32
Alyas FPJ:
Dalawa, boss! Puti at pula.
At ibinigay sa bata.
Alyas FPJ:
Bawal lang magkalat. Sa basurahan itatapon ang
mga pinagbalatan, ha?
32
33
Alyas FPJ:
Gusto mong kumain ng kanin?
Alyas FPJ:
Tayo na!
Young Totoy:
Saan po?
Alyas FPJ:
Sa palasyo ko!
33
34
34
35
Narration:
Bakit may inang hindi dapat naging ina?
Bakit kailangang iwan ang isang musmos?
May ina palang makatitiis sa kanyang anak? Ano
ang kasalanan ng isang batang katulad ni Totoy?
Bakit kailangan niyang patuloy na mauhaw sa
pagmamahal ng kanyang ina?
Cut to:
Alyas FPJ:
Kung gusto mo, dumito ka lang. Wala naman
akong kasama.
35
36
Alyas FPJ:
Ano ang pangalan mo?
Young Totoy:
Totoy.
Alyas FPJ:
Masanay ka sa buhay lansangan…handang
makipagbasagan ng mukha kung kailangan.
Maging tigasin. Pumaris ka sa akin. Matatag.
36
37
Voice Over:
Totoy, sinubukan ko nang iwan ka sa mga
kamag-anak natin ngunit galit sila sa akin dahil
anak kita sa pagkakamali. Hindi tayo tinanggap.
Cut to:
Young Totoy:
Mamaya po ihatid nyo ako uli dun sa pinag-
37
38
Alyas FPJ:
Kakain muna tayo. Masarap ito.
Totoy:
Fried chicken? Bakit maraming buto?
Alyas FPJ:
Iskrap ito…yung mga tira-tira galing sa fastfood.
Konting suka, konting toyo, okay na! Patay na ang
mga mikrobyo.
Totoy:
Baka hinahanap na po ako ng nanay ko.
Alyas FPJ:
Hindi ka niya hinahanap.
Totoy:
Paano nyong nalaman.
38
39
Alyas FPJ:
Ayos ba?
Totoy:
Ayos!
Ale:
DA KING! Bakit mo kami inulilaaa?
I love you, Idol! Ansakeeeet!
39
40
Totoy ( Whispers)
Boss manager, ‘kala ko ba dapat tigasin?!
Alyas FPJ:
Napuwing lang e.
Enchong:
Hindi naman pala mahirap hanapin ‘to,e!
Alyas FPJ:
Dito ka na ?
40
41
Enchong:
Namasyal lang. . Buntis na uli si Oneng ko.
Magdadalawa na ang mga kulits namin.
Buti nagkaro’n ng mass wedding sa bayan kaya
sa wakas ay nakasal din kami nang walang
gastos.
Totoy:
Totoy po !
Alyas FPJ:
Hihiwalayan na ba ang asawa niya?
Sana, isinama mo na rito.
41
42
Enchong:
Matagal siyang nawawala. Ang sabi nung asawa,
sumama sa lalaki niya.
Nanlalaki daw si Lumen…
42
43
Enchong:
Ang sinasabing dahilan ay selos! Balak na
talagang hiwalayan ni Lumen ang asawa. yung
huling pag-aaway nila, matindi.
Alyas FPJ:
Hindi totoo ang narinig ko, di ba? hindi
magandang biro ito!
Enchong:
Ba’ t ako magbibiro sa ganitong bagay?
Cut to:
43
44
Totoy:
Dun ka sa kabila. Huwag dito.
44
45
Nonoy:
Baket? Kasya naman tayo rito.
Mahaba naman itong bangko.
Nonoy:
Ate, pwedeng makisukob?
45
46
Ine:
‘Lika! Sukob na!
Nonoy:
Me hinihintay ka rin, ate?
Ine:
Hindi na siguro darating.
Ikaw? Ba’t ka nag-iisa.
Ine:
Naglayas ka?
Naiiyak na si Nonoy.
Naawa si Ine.
46
47
Elia
Ba’t ka nagsama ng batang uhugin? Ano ba ang
magagawa niya? Hindi pa pakikinabangan yan!
Ine
Kawawa naman siya, inay…ginaw na ginaw na at
nawawala raw siya. Pasilungin lang natin.
Elia
At pakakainin, gayon ba?
Ine (Pleads)
47
48
Bombing
Gusto mo, Bok, pasada rin tayo?
Ine
Bombing! Tama na! Mas bata sa’yo ‘yan!
Elia:
Ngayong gabi lang ito. Bukas, iiskiyerda na ang
batang yan!
Ine:
Opo.
48
49
Cut to
Sabel
Nonoy! Nonooooy! (iyak)
Sabel:
Patawarin mo ako, anak! Hindi ko na uulitin ang
nagawa ko sa’yo! (iyak)
49
50
Bakla
Baket?
Bombing
Pwede na ba ako?
Bakla
Pati ikaw? Pabata na nang pabata ang mga
commodities ko, ano?
50
51
Bakla
Hmmm…meron naman kayang kukuha sa’yo?
Bubuwit ka pa, iho! Magpalaki ka muna
ng…(Ingunguso ang dakong ibaba ng bata)
Kukunut-noo si Bombing.
Bakla
Hamo…hamo, pag me nangailangan ng bubuwit!
Irereto kitaaa!
Ine:
Uwi ka nga! Huwag kang sasali rito!
Cut to
51
52
Ine
Malaking magbigay si Awstralyano. Gusto niya,
sa kanya na lang ako pumirmi.
Ambo
Kesa naman sa kung kani-kanino ka pa
pumapasada…e di pumirmi ka na lang sa isa?
Elia
At kamo’y malakas magbigay…
Ambo
Wala na rin namang mawawala pa sa’yo.
Cut to
52
53
Ine
Tulog ka nga uli?
Nonoy
Ine…tigilan mo na lang kaya ang ginagawa mo?
Ine
Nandidiri ka sa akin?
Nonoy
Ilang taon lang ang tanda mo sa amin ni
Bombing…Bata ka pa rin…tulad namin.
53
54
Ine (painfully)
Nonoy…kahit kelan, hindi ako naging
bata…habang naglalaro ng manyika ang mga
kasing-edad ko, iba ang nilalaro ko…kasi,
kailangan kong kumita ng pera.
(Inis, sighs)
at ngayon, buntis na naman si inay!
Nonoy
E di sabihin mo sa kanilang tama na?
Ine
Kalbuhin pa ako ni Itay. Yun na lang ang
dibersyon nila, ano?
54
55
Ine
Tulog ka na!
Nonoy
Ine…
Ine:
Bukas ng umaga, balik ka na sa Nanay mo. Baka
nag-aalala na yu n sa’yo!
Nonoy:
Ayoko na sa amin?
55
56
Sabel
Bakit ako ipapatawag ng titser mo kung wala kang
ginawang kabalbalan, ha?
Nonoy
Wala po talaga, inay.
Sabel
Siguro, nahuli kang nangongodigo, ano? Siguro,
nakipag-away ka…siguro me ginawa kang
kasalbahian!
Nonoy
Hindi po…wala po, inay!
56
57
nadadaanan nila.
Nanggigitil na binantaan ang bata.
Sabel
Kapag ako’y napahiya…mata mo lang ang walang
latay bata kaaah!
Cut to:
57
58
Dina
Mrs. Montevirgen?
Salamat po’t nakarating kayo.!
Sabel
Me kasalanan bang nagawa ang anak ko? sabihin
lang ninyo dahil hindi ako kunsintidorang ina.
Dina
No…as a matter of fact, gusto ko kayong i-
congratulate dahil si Nonoy ay isa sa
pinakamagaling kong pupil.
58
59
Dina
Kaya lang, sobra siyang mahiyain…hindi
nakikipaglaro…at me mga pasa at sugat siya sa
katawan.
Sabel (Offended)
Hindi ho ako ang pupil nyo kaya huwag nyo
akong tuturuan kung paano dumisiplina ng anak.
Nonoy
Huwag ho ninyong awayin ang ma’m ko,’nay!
Sabel
Hinugot siya sa katawan ko kaya higit ang
pagmamalasakit ko . Dinidisiplina ko siya para
huwag maging tarantado
Dina (apologetic)
59
60
Sabel
Hindi ako pwedeng magtagal. May duty pa ho ako.
Wala na ho kasing ama si Nonoy kaya ako ang
naghahanapbuhay.
Sabel
Ipatawag nyo ako kung me nagawang palso ang
anak ko! kung wala na tayong pag-uusapan ...
60
61
Cut to
Sabel
Nonoy! Ano yung naamoy kong
nasusunog?
Nonoy (Takot)
a-ang sinaing!
61
62
Sabel
Sutil ka! Pinababantayan ko ang sinaing ay kung
ano ang inaatupag mo!
Nonoy (takot)
Hindi na po mauulit, inay!
Sabel (nagpupuyos)
Talagang hindi na mauulit! Magtatanda ka!
Nonoy (takot)
h-hindi ko po sinasadya..h-hindi po!
Nonoy
Huwag po! (in extreme pain, cries)
62
63
34 –SHANTY: DAY
Sabel
h-hindi ko sinasadya, anak…n-nabigla lang
ako…h-hindi ko alam kung bakit ko nagawa.
Anak… hhindi ko gustong gawin…
Sabel (tearfully)
Hindi na mauulit…pangako, hindi na kita
sasaktan…hindi na kita gugulpihin.
63
64
Prudencia:
Oy, ano ba? Pakalat-kalat ang mga bata.
Ay, naku, walang ganyan sa States, ano?
Sobrang dami ng mga anak at hindi na
maasikaso!
Feleng
Ngayon pa e nakapitong anak na kami?
Manang Nena
Magiging dalawang dosena pa yan, ano?
Kambal-kambal ka pa kung manganak!
Manang Nena
Maraming method, me injectable, me pills, me
IUD…me tubal ligation!
64
65
Marta
Bakit pambabae? Wala bang panlalaki?
Kulasa
Meron…putol!
Manang Nena
Oy, hindi putol yon…tali lang. Vasectomy!
Tuloy ang ligaya pero walang disgrasya!
Sabel
Manang Nena…hindi ho ba nyo nakita si Nonoy?
Manang Nena
Hindi ko nga nakikita ang batang yon,a!
Sabel
Bembet, si Nonoy, nakita mo?
Bembet
Hindi ho siya pumasok kanina. Hinahanap nga ho
ni ma’m.
Manang Nena
65
66
Manang Nena
Sa center, matse-check up kayo ng duktor kung
pwede kayo sa pills o kung ano ang
mairerekomendang paraan!
Karyo
Andami naman kasi nyo pinapakialaman, Manang
Nena. Hayaan nyo kami kung maging
sambatalyon man ang mga anak namin!
Manang Nena
Bayaan kayo? Yang mga anak nyo’y ni hindi nyo
mapakain nang sapat, mapag-aral,
mapadamitan…lilisaw-lisaw sa daan,
nagpapalimos!
Karyo (Pikon)
Hala, magsalita ka pa at pipilipitin ko ang leeg mo!
Puputulin ko ang dila mo!
66
67
Manang Nena
Grrrk! N-nagmamalasakit lang…kung ayaw nyo, di
huwag!
Manang Nena
Kaya ako, hindi na nag-asawa, ayokong
magdagdag pa ng batang yagit sa kalsada!
(with gestures)
Kawawa ang mga anak ng iresponsable at
mangmang na mga magulang!
Prudencia:
That’s irresponsible parenthood…
Manang Nena:
Walang ganyan sa States!
67
68
Bata
Andaya-daya mo. Parehong kara !
Bata 2
Basta, talo ka, aanga-anga ka,e!
68
69
babaling sa kabila.
Elvis
Bago ka rito?
Tatango si Nonoy.
Elvis
Istokwa ka rin pala! Masasanay ka rin sa buhay-
kalsada.
Nonoy
S-saan kayo kumukuha ng pagkain?
Elvis
Nagpapalimos, nandedekwat, nandurukot, at
nagkakalkal ng basura …
Nonoy
Masama raw ang pangsinghot ng solvent…
Elvis
Kapag nagugutom ka, kailangan mong
makalimot.
69
70
Totoy (asal-hari)
Balato nyo sa ‘kin yan!
(to Nonoy)
Nonoy
Gang?
Totoy
Sino ka? Bago ang kara mo? Manipis pa ang
mukha mo. Ba’t ka nandito? Hindi ka man lang
rumispeto sa ‘kin!
Totoy
70
71
Totoy
Hala! Hagud-hagurin mo lang ang buhok ko para
makatulog. Paypaypayan mo rin ako!
Totoy
Teka, tingin ko, gutom ka na.
Totoy
Heto ang pera. Bumili ka ng taho o tinapay para
makakain ka.
71
72
Totoy
Babayaran mo yan ng serbisyo. Alipin kita. Hala,
balik ka agad!
Cut to
Totoy
Dito. Banda rito .
72
73
Totoy
mainit, mamaya, ligo tayo dyan sa dagat.
Sisimangot si Nonoy.
Nonoy
Marumi na ang tubig. Maitim.
Totoy
Sanayan lang yan! Magbabanlaw naman tayo..
Nonoy
Okey Boss Totoy.
Nonoy
Bakit ka me pera?
Totoy
Madiskarte ako sa buhay. Tuturuan kita ng
iba’t ibang pagkakakitaan dito.
Nonoy
Saan tayo matutulog mamayang gabi?
73
74
Totoy
Me lungga ako!
Totoy
Teka, anong oras na?
Totoy
Alas singko na! Dyan ka lang. Huwag kang
susunod.
Totoy (whispers)
Dumating ka na…dumating ka na!
74
75
Dissolve to:
Nakatulog na si Nonoy at
nagising na gabi na, niyuyugyog
siya ni Totoy.
Totoy
Tayo na! Uwi na tayo.
Nonoy (excited)
Dumating ba yung hinihintay mo?
Totoy:
Pabili. Magkano?
75
76
Vendor:
Kinse lang.
Totoy:
Ganito ang kulay ng lobong
hawak ko noon. Na nilipad at nag-iiyak ako.
Totoy:
Pahiram sandali!
76
77
Nonoy: (hinayang)
Sayang naman yung lobo!
Totoy
Dali at baka
tayo maunahan sa ISKRAP!
Bata 1:
Huwag nyo naman kaming agawaaan!
Batang babae:
Bilis, hintoy, hayun paaa!’
77
78
Bata 3:
Anlaking tipak! Dyakpat!
Nonoy:
Hindi ba masama ‚to? Basura na to?
Totoy:
Huwag ka ngang maarte! Ang
masama e yung nagnanakaw.
Totoy:
O hawakan mo to! Huwag mong
ipapaagaw! Bilis at nang makauwi
na tayo sa palasyo
Magtataka si Nonoy.
Nonoy:
Palasyo?
78
79
40-KUBU-KUBUAN SA BREAKWATER:NIGHT
Alyas FPJ:
O, Batang ISKRAP! Matakaw sa ISKRAP! Mabuti
at me nakolekta kayo ngayon…agawan dun.
Totoy:
Diskarte lang ho yon.
79
80
(to Nonoy)
Nonoy
S-sige!
Totoy:
Lulutuin muna natin para mamatay ang mikrobyo
kung meron. Yung ang sabi ni Da
King!
Nagtataka si Nonoy.
Da King?
80
81
Nonoy.
Nonoy:
Da King?
Totoy :
Ang hari ng palasyo, si Da King! FPJ,
Francisco Pacheco Juan, ang namber wan fan ng
tunay na DA KING!
Tatangu-tango sI Nonoy.
Alyas FPJ:
Mabiro talaga yang si Totoy.
81
82
Alyas:
Baka hinahanap ka na sa inyo. Ihahatid ka namin
ni Totoy sa bahay nyo.
Iiyak si Nonoy.
Totoy:
Huwag na po natin siyang ibalik. Dito na lang po
siya.
Totoy:
Gawa ng nanay niya!
Alyas FPJ
Sige, welcome ka sa palasyo ko
Pero kailangang maging mabait kang tulad ni
Totoy.
Nonoy:
Promise po Mang DA KING.
Alyas FPJ:
82
83
Tatay na lang.
Alyas FPJ:
Hindi lahat ng bahay ay tahanan.
Pero itong kubo natin, tahanan at para sa atin…at
palasyo!
Totoy:
Tatang Da King, huwag na po ninyong tiyagaan
yang transistor na yan. Ibibili ko na lang kayo ng
bago.
Alyas FPJ:
Tapos na nga. Ikakarga ko na lang ang mga
baterya.
Me mapagkakalibangan na tayo!
83
84
Radio Newscaster:
Isang flash news po. Huwag pong
mabibigla ang sambayanang Filipino.
Ang Hari po ng Pelikulang Pilipino,
ang idolo ng lahat, si DA KING
Fernando Poe, Jr ay isinugod po sa
hospital at hanggang sa kasalukuyan
ay hindi pa nagkakamalay.
Narration:
Buong bansa ay nagluluksa sa
pagpanaw ng Hari ng pelikulang
Pilipino lalo na ang mga katulad
ni Francisco Pacheco Juan na
mga tunay na tagahanga ng Da
King, isang masasabing alamat
na ng kasaysayan ng industriyang
Filipino.
84
85
46-KUBO: DAY
Alyas FPJ:
Bukas ay uuwi na ako ng Bikol.
Pero kung gusto nyo isasama ko na lang kayo.
Totoy:
Hindi po ako pwedeng sumama,
baka po dumating yung…hinihintay ko.
85
86
Totoy:
Baka ho pwedeng huwag na kayong tumuloy.
Alyas FPJ:
Mahirap dito sa maynila…kaya lang
naman ako lumuwas dito e para
makita ng personal si FPJ…o kung uubra,
maging alalay niya…
86
87
43-- CEMETERY:DAY
FPJ:
Boss…manager…masaya na rin akong gayahin ka
at tawagin akong FPJ.
Pasensya ka na at di ako kasinggwapo mo.
Dissove to:
87
88
Totoy:
Huwag nyo na kaming iwan, Tatang FPJ.
Sino pa ang magiging tatay namin?
Alyas FPJ:
Di ba sabi ko, maging matatag kayo?
Hindi habampanahong kasama nyo ako.
Nonoy:
Mami-miss namin kayo, Tatang.
Alyas FPJ:
Bago ako aalis ay ipapasyal ko muna kayo.
Me inipon akong konting pera. Pupunta tayo
Sa karnabal!
88
89
Nakasakay sa caterpillar.
Manonood ng 4D movies.
Matatakot pa at mabibigla sila.
Cu to:
Alyas PFJ:
89
90
Tatango si Totoy.
Tatango si Totoy.
Totoy:
Ingat po kayo!
Dumating si Enchong.
90
91
Enchong:
Natanaw ka raw ni Oneng
kaninang pababa ka ng bus.
Nahulaan kong dito ka tutuloy.
Alyas FPJ:
Baka bumalik pa rin ako dun…
Baka kailanganin ako nung
dalawang bata.
Tatangu-tango si Enchong.
91
92
Nonoy
Sino siya, Boss Totoy?
Totoy
Wala kang paki!
Totoy (inis)
92
93
Nonoy
Opo. Boss!
cut to
93
94
Totoy
Gising ka na pala. “lika! Ipagtimpla
mo ‘ko ng kape!
Nonoy
Walang pandesal?
Totoy
Wala. Kape lang. Ininit ko na yung iskrap at
pansit na tira natin kagabi.
Pagtiyagaan na natin.
Nonoy
Hindi pa panis. Pwede pa.
Totoy
Yung kape ko.
Nonoy
Yes, Boss!
94
95
Totoy
Me nanay ka? Oo nga naman pala, paano kang
sisibot sa mundo kung wala kang nanay?
Tatango si Nonoy.
Totoy
Naglayas ka?
Nonoy
Nanay mo siya?
Nonoy
Nasaan siya? Tinakasan mo rin?
Totoy
Oy, alipin lang kita ! ako lang ang pwedeng
magtanong.
95
96
Submissive si Nonoy.
Sumaludo pa.
Nonoy
Yes, Sir!
Totoy
Mamaya, ituturo ko sa’yo kung pa’no
magkadatung..sa car watching, car washing at
shoe shining…kikita tayo ng pera sa marangal na
paraan! Hindi tayo mandedekwat! Ayokong
sasama ka sa mga solvent boys…kapag
pineperwisyo ka ng mga loko, sabihin mo sa’kin
at ako ang bahala!
Totoy:
Pagpapawisan natin ang kakainin natin. Yun ang
mahigpit na turo ni Tatang Alyas FPJ !
Kumbinsido si Nonoy.
96
97
NAGLILIMPIYA BOTA.
Cut to
Totoy
Mag-aalas singko na pala! Ikaw na ang tumapos
97
98
dito, Nonoy.
Nonoy
Saan ka pupunta?
Totoy
Dun sa dati!
Dissolve to:
Bata
Mommy! Mommmmyyy! (iyak)
98
99
Z sa batang umiiyak.
Biglang heto ang nanay nung bata.
Mommy
Natalikod lang ako e nawala ka na!
Alalang-alala ako sa ‘yo!
Totoy (whispers)
Inay…inay!
99
100
Anna:
Mag-aalas singko na. Diyan ka lang…ibibili kita ng
ice cream .... Hawakan mo itong bag. Hintayin mo
ako at babalikan kita.
Young Totoy
Opo,inay. Dalian nyo!
Anna:
Alas singko. Hintayin mo ‘ko.
Young Totoy:
Dalian po nyo, inay.
100
101
Nonoy
Bossing Totoy, gabi na, uwi na tayo.
Nonoy
Kumita ako ngayon. Me pambili na tayo ng bigas.
Cut to
101
102
VOICE OVER:
Totoy, sinubukan ko nang iwan ka sa mga
kamag-anak natin ngunit galit sila sa akin dahil
anak kita sa pagkakamali. Hindi tayo tinanggap.
102
103
humihikbi pa rin.
Nonoy
Boss Totoy?
Umiiyak ka?
Totoy
Hindi ako umiiyak, pasok ka na sa loob.
Nonoy
Ba’t ka nga umiiyak?
Totoy
Hindi sabi! Kulit mo.
103
104
Nonoy
‘Kala ko ba tigasin ka?
Totoy
Tigasin talaga Hindi ako umiiyak, ano?
Nonoy
Gusto mong kamutan kita sa likod?
Totoy
Hindi na babalik si Inay…noon,
pinipilit ko sa sarili kong babalikan
104
105
Totoy
Nung iwan niya sa akin ang bag na puno
ng mga damit ko at naroon din ang relo, pitaka
niyang me pera at litrato nasa likod ng utak ko,
iniwan na talaga nya ako.
Pero pilit kong pinapaasa ang sarili kong
babalikan niya ako.
105
106
Tatang FPJ
Nonoy
O, sige, cut na ang eksena. kung ako ang
direktor, pasado ka na sa akting mo!
Totoy
Ikaw kaya…balik ka na sa nanay mo? Baka
hinahanap ka na niya ngayon,
Nonoy
Ayaw mo na sa ‘ken?
Totoy
Ang kyut mo kasi, ‘no?
106
107
Cut to
Nonoy
Mag-aalas singko na, boss.
Totoy
Busy ako.
Nonoy
Hindi ka ba pupunta sa Park?
Totoy
Hinde…hindi na kahit kelan.
Nonoy
Baket?
Totoy
Pakialam mo?
Nonoy
Bakit?
107
108
Totoy
Sino’ng boss sa atin?
Dissolve to:
108
109
Nonoy (whispers)
Kamukha niya.
Nonoy
Me hinihintay po kayo?
Nonoy
Me anak kayo?
Nonoy
Me kaibigan ho ako…ang pangalan ay
Totoy! Dati, araw-araw ay nandito siya,
naghihintay sa nanay niya.
109
110
Totoy
Ba’t ngayon ka lang?
Nonoy
Me pasalubong ako sa’yo.
Totoy
Ano yon? Iskrap na naman?
Kungsabagay, peborit natin ang Iskrap.
110
111
Anna:
T-Totoy…
Anna
Anak…
Anna
Malaki ang kasalanan ko sa’yo!
111
112
Nonoy
Ba’t hindi ka sumama sa kanya?
Dadalhin ka pala sa States.
Diborsyada na pala siya dun
sa pangalawang asawa niya.
Totoy
Noon, gusto ko lang malaman kung
talagang babalikan pa niya ako….pero ngayon,
hindi ko naman pala talaga siya kailangan.
Nonoy
Kailangan ka niya…
Totoy
Ewan, sanay na ako dito sa palasyo natin. Dito,
ako si Boss Totoy!
112
113
Nonoy
Me bagyo!
Totoy
Kailangang makalikas tayo.
Nonoy (cries.)
Totoy!
Dissolve to:
113
114
Nonoy: (sigaw)
Totoy!
114
115
Announcer
Huminahon po kayo, misis! Kung
naririnig kayo ng anak ninyo o taong
kumukupkop sa kanya ay uuwi na sa inyo ang
bata.
(nananawagan)
Nonoy Montevirgen …Nonoy, anak, umuwi ka na
at alang-alala na ang inay mo!
Cut to
Elia
115
116
Botyok
Hayan!
Elia
Paldo! Sa’n galing ‘to?
Botyok
n-napulot ko!
Elia (sarcastic)
Sa bulsa ng may bulsa? Nabingwit mo?
116
117
Botyok
Bawal ho sa inyo ang magutom.
Buntis kayo at magugutom din yung beybi sa
tiyan nyo!
Elia
Sige, Nonoy, heto, punta ka sa restoran at bili ka
ng pansit , kanin, at sopdrink.
Sumunod si Nonoy.
Elia: (Pahabol)
O, baka itakbo mo ‘yan!
Elia
Turuan mo rin kaya siyang mamingwit para me
pakinabang?
Botyok
Inay naman,e!
117
118
Elia
Nonoy, sama ka kay Botyok para matuto ka.
Nonoy
Ano hong matutuhan ko?
Elia
Maghanapbuhay! Ige! Magkape muna kayo!
Cut to
118
119
Botyok
Nood ka lang, Bok!
Babae
Mandurukooot! Mandurukooot!
Tindera
Sabi ko na nga ba,eh!
Nonoy (SIGAW)
BOTYOOOK!
119
120
Cut to
67-PARK : DAY
Papatak ang ulan. Wala nang lakas si Nonoy na bumangon, Hinang-hina na siya.
Sabel
Sa’n daw siya huling nakita?
Mela
Dito raw sa dakong ito.
Sabel
Nasaan ang anak ko?
120
121
NONOY! NONOOOOY!
Gayon na lang ang pagkabigla nang
makita si Nonoy na nanginginig sa
ginaw, basing-basa.
Sabel
Anak, ba’t ka naglayas? Pagod na ako sa
paghahanap sa’yo! Huwag mo na ako uling iiwan,
ha?
Sabel
Antaas ng lagnat mo, anak!
Cut to:
121
122
Sabel
Uminom ka ng gamot, anak. Para bumaba ang
lagnat mo. Baka ka makumbulsyon.
Sabel
Anak,huwag mo naman akong
ganituhin…nagsisisi na ako sa nagawa ko sa’yo.
Hindi na mauulit iyon. Ikaw na lang ang nalalabi
sa akin…
122
123
Sabel
Iinumin mo na ang gamot mo, ha?
123
124
Cut to:
Sabel
Anak, sorry, hindi kita maibibili niyan…mahal ‘yan
at hindi natin kaya. Plastic na laruan na lang muna
at hamo, pag-iipunan ko yan para maibili kita.
Tindera
Mura lang naman po, ’yan, misis…ibibigay na lang
namin sa inyo sa discounted price…nine hundred
ninety-nine na lang ho.
(a beat)
Tena, Nonoy.
124
125
Sabel
O, pili ka na rito. Treinta pesos lang dito…pareho
lang namang laruan.
Sabel
O, heto, anak…gusto mo nito?
Nonoy
Opo, inay.
Hopeful ang bata.
125
126
Sabel
Dalian mo diyan. Maluluto na ito at kakain na
tayo.
Sabel
Nagdadabog ka? Tingnan mo! Nagbasag ka pa!
Nonoy (takot)
hindi ko po sinasadya!
Sabel
Ayaw na ayaw mong mapakinabangan kita, ano?
126
127
Sabel (nanggigitil)
Magtatanda ka!
Cut to
127
128
Nonoy (Whispers)
Gutom na ako…nangangawit na ako. bakit
kasi siya pa ang naging nanay ko!
Sabel
s-sige na…kumain ka na.
Sabel
Nonoy, ikaw na lang ang natitira sa akin.
Hinihigpitan kita upang lumaki kang matino
at disiplinado. Ayokong matulad ka sa ama
mo.
128
129
Sabel:
Sorry kung nasaktan kita…isasama kita sa
palengke, ibibili kita ng mga bagong damit, saka
laruan…saka kakain tayo ng halu-halo at pansit.
Cut to
129
130
Sabel
Ano ang ginagawa mo rito? Hindi ba’t nakapiit
ka?
Rupert
Parolado ako, Sabel!
Sabel
Lumayas ka!
Rupert (pleads)
Gusto ko lang kayong makita ng ating anak!
Sabel
Wala kang anak!
Rupert
Nililitis pa lang ang kaso ko ay nalaman kong
130
131
Sabel
Ipinalaglag ko…masamang binhi kasi!
Rupert
Sabel, pinagbayaran ko na sa piitan ang aking
mga kasalanan…nagsisi na ako…gusto ko lang
makita ang ating anak.
Sabel
Sanlibong beses ka mang mabitay ay hindi sapat
na kabayaran sa pagsira mo sa aking buhay!
Rupert
Ikaw si Nonoy?
Nonoy
Opo.
131
132
Rupert
Para sa ‘yo…kunin mo!
Nonoy
Ho?…bakit ho?
Sabel (whispers)
Nagpakita ka upang guluhin kaming mag-ina?
Lumayas ka bago kita mapatay!
132
133
Mapapaupo sa hagdan.
Cut to
Focus-defocus to Flashback.
Rupert
Nonoy.
Rupert
Nonoy, makinig ka…ako ang tatay mo!
133
134
76—KALSADA DAY
Pauwi na ang bata, kasabay ang
ilang mga kaklase.
Rupert
Nonoy…
134
135
Rupert
Itago mo. Huwag mong ipapakita sa nanay mo.
( dudukot ng pera) heto pa, pandagdag sa baon
mo.
135
136
Nonoy
Dito, robot! Ditooo! Yaaan! Galeeeng!
S sa plastic na robot na binili ni
Sabel, nakatapon lang somewhere.
Mas enjoy ang bata sa expensive
robot.
Bembet
Ambait ni Mang Rupert, ano? Ibinili ka ng robot?
Mamahalin siguro yan.
Nonoy
Pag nalaman ni Inay, magagalit yon…papaluin na
naman ako.
Minsan, gusto ko, maysakit ako…
Nonoy
136
137
(a beat)
(to robot)
O, lakad ka uli!
Cut to:
137
138
Rupert:
O heto. Iuwi ninyo.
Nonoy
Samahan mo ‘ko, me pupuntahan tayo.
138
139
Nonoy
Dinalhan ho namin kayo ng pagkain.
Si Bombing ho?
Elia
Pumapasada na rin.
Napilitan na rin dahil…kailangan.
Bembet
Pumapasada ng padyak?
Nonoy
Hindi. Iba yon.
Nonoy
Si Ate Ine po?
Ine
Hindi na ako pwedeng pumasada.
Me tama na kasi ako!
Nonoy
139
140
Tama?
Ine
Minalas…yung awstralyano, me HIV…
Elia (Habag)
Ine…
Ine
Okey lang sabi. Huwag nyo akong
iyakan. Buhay pa ako!
Ellia (himutok)
Lintik! Akala namin, yung awstralyanong
yon ang bibitbit sa amin sa ginhawa…
siya pala yun ang papatay sa anak ko.
Elia
140
141
Ine
E bakit nyo pinapayagang pumasada
si Bombing? Gusto nyo siyang
maparis sa ‘kin?
Elia
Sa lahat, kasalanan namin ng itay mo, gano’n?
Poot si Ine.
Ine
Gano’n!
dose anyos pa lang ako, pinadyokad nyo na ako…
Pinatay nyo na ang kinabukasan ko! Nawala na
ang kamusmusan ko!
141
142
Elia
Oo! Kasalanan ko! Kasalanan ko…
kasalanan namin ng ama mo.
Elia
Ambo! Ambo! Gumising kaaaa!
(marirealize na patay na ang asawa)
AMBOOOO! (hagulgol) HUWAG NAMAN,
AMBOOO!
Dissolve to
142
143
Sa lugar na pinag-iistambayan ng
mga solvent children tumuloy
sina Nonoy at Bembet.
Bembet
Sino’ng hinahanap mo?
Nonoy
Basta, me hinahanap ako.
Bembet
Bakit mo sila hinahanap?
Nonoy
w-wala lang.
Bembet
Umuwi na tayo! Baka mapagalitan ka na naman
ng nanay mo!
143
144
Nonoy
Magtatanong lang po, lola…yung mga batang
nag-iistambay dito? Yung mga sumisinghot ng
solvent? Nasaan po sila?
Tindera
A, sina Elvis, Buknoy, Onyong at Bekbek?
Tatango si Nonoy/
Tindera
‘yung Elvis, yung matangkad na payat na maitim,
nangholdap at nananaksak nung pumiyok yung
hinoholdap… natiklo, nakalaboso. Balita ko’y
dinala sa welfareville.
Tindera
Yung ibang mga bata, nireskyu na ng mga taga-
DSWD at nirerehab na.
Bembet
144
145
Uwi na tayo!
Nonoy
Ang gara! Ang galing! Akala ko, hindi na ako
magkakaroon ng laruang tulad mo, lumalakad.
(a beat}
145
146
Nonoy
hindi ka lang laruan…ikaw pa ang aking
kalaro…kaibigan.
Cut to:
Tatawagin si Nonoy..
Sabel
Nonoy! Nonoooy!
Focus to:
146
147
Sabel:
Nonooooy! Nonoooy!
Nonoy (Whispers)
Si inay!
Nonoy
Andiyan na po, inay.
Sabel
Ano ang ginagawa mo? Hindi ka pa nagsasaing.
Nonoy
Magsasaing na po, inay.
Sabel
Bumili ka muna ng aspirin sa tindahan. Masakit
ang ang ulo ko.
147
148
Sabel
Napagod ako ,a. makapahinga muna.
Cut to:
Nonoy:
Aspirin po Aling Nena.
Nena:
Hayan panoorin ninyo yan! Para sa mga mahihilig
na walang protection.
FOCUS SA TV SET
148
149
TV Host
Mga kababayan panauhin po natin sa ngayon si
Magdalena de Jesus… tawag sa’yo ay Ine?
TV Host:
May ginawa ka bang hakbang para pagbayarin
yung awstralyanong yon?
Ine:
Patay na po siya…nung isang buwan pa po.
Iiling si Ine.
149
150
TV host
So ngayong isa ka nang health worker. Ano
ang masasabi mo sa ating mga viewers.
Ine
Ang nangyari sa akin at iba pang AIDS victims ay
maaaring mangyari sa inyo kung hindi kayo mag-
iingat. Ang tamang impormasyon ukol sa AIDS
ay kailangang maipalaganap ng pamahalaan.
TV host
Paano mong nakakayanan ang sitwasyon mo
ngayon?
Ine
Ang prayoridad ko po na nagbibigay ng lakas sa
akin ay ang layuning makapagbigay ng
mahalagang mga babala ukol sa AIDS… at paano
maiiwasan ito.
Aling Nena:
Yan ang sinasabi ko , yung condom hindi dapat
masamain. Nagbibigay ng protection! Kung nag-
condom yung awstralyano, hindi nasira ang
150
151
buhay ni Ine.
Nonoy
Huwag po, inay! Huwag nyong sunugin ang robot
kooo! (iyak)
151
152
ang bata.
Sabel
Galing sa lalaking ‘yon, ano? Saan kayo
nagkikita? Bakit hindi ko alam na nagkikita kayo?
(a beat)
Sabel
Sasama ka ba sa kanya? Haaa? Iiwan mo ako?
Nonoy
h-hindi po, inay! (IYAK)
(a beat)
hindi mangyayari yon! papatayin muna kita.
152
153
Nonoy (rebellious)
Nonoy:
hindi nyo naman talaga ako mahal! Wala kayong
ginawa kundi mamalo!
(bitter)
Z sa nasusunog na robot.
Nonoy
Robooot!
153
154
Sabel
Masamang ina ako kaya mo ako
iiwan, ha? Haaa?
Nonoy
Huwag poooo! (iyak)
154
155
Dissolve to
Sabel
155
156
Magigising si Nonoy, masama pa rin ang loob sa ina kaya hindi kakain. Iiling lang.
Sabel
Kain ka sabi,e!
Sabel
Tinitirya mo ako, ha? Haaa?
Hindi ka kakain?
Nonoy
RAYKUPOOOO!
Sabel
Kapag hindi ka kumain, mamatay ka ng gutom!
Sabel
Hahanap na ako ng malilipatan
nating bahay…yung malayo dito para hindi ka
masundan ng ama mo!
156
157
Reaction ng bata. emotion builds up. Hingal sa poot Galit sa ina ang nararamdaman.
Kasera
Three thousand ang renta ng kuwarto may
sariling CR …pwera ilaw at tubig. Me sariling
metro ng tubig at ilaw.Two months deposit, one
month advance.
Sabel
Baka ho pwedeng one month advance na lang.
Biglaan lang po ang paglipat namin at…
Kasera
Hindi ho pwede, ale. Sa iba na lang ho kayo
lumapit.
Cut to
157
158
88---KALSADA : DAY
Lalaki
Nakuha ba ninyo ang plaka nung
nakadisgrasya rito?
Lalaki 2
Hindi,e…masyadong mabilis!
Lalaki 1
158
159
Cut to
Duktor
Kawawang babae…hit and run victim. Hindi pa ba
napapasabihan ang mga kamag-anak niya?
Nurse
Wala hong nakakaalam kung sino siya at kung
saan ang address. Wala siyang dalang ID.
Cut to
90--SHANTY :NIGHT
159
160
BEMBET:
NONOY! Nonoooy! NONOOOY!
Nurse
Oho! Ngayon lang po kayo nagising!
Sabel
Ang anak ko! Iniwan ko ang anak ko ng limang
araw!
160
161
nagmamadali. Nagwawala.
Sabel
Kailangang makauwi ako!
Nurse
Makakasama po sa inyo! Nanghihina pa kayo,
Misis!
Sabel
Bitiwan mo ako! Kailangan ako ng anak ko!
Nurse
Sabi nang hindi pa ho nyo kaya!
Cut to
161
162
Dina
Nonoy!
Nonoy (Naghihingalo)
m- ma’m…
Sabel
Ano ang nangyari kay Nonoy? Diyos ko po. ano
ang nangyari sa anak ko? Nonoooy!!
Dina (Poot)
Mananagot ka sa ginawa mo sa anak mo!
162
163
Sabel
Babalikan ko naman talaga siya…
babalikan kooo! (Hagulgol)
NARRATION:
Dahil nabalita sa diyaryo ang nangyari kay Nonoy
ay nalaman nina Alyas FPJ at Totoy ang
kinaroroonan ni Nonoy. Hindi nag-iisa si Nonoy,
ngayon ay may ama at kapatid na siya kina Alyas
FPJ at Totoy.
94-Luneta:
NARRATION:
163
164
Sabel (sings)
Meme na, bunso…meme na, bunso…
CUT TO CUT:
NARRATION:
Si Alyas FPJ? Sa pamamagitan ng kanyang CD
player ay walang sawang binabalik-balikan ang
mga pelikula ng kanyang idolo.
NARRATION:
At si Totoy, balang araw ay mapaghihilom din ng
panahon ang kanyang mga hinanakit sa ina.
164
165
165