You are on page 1of 5

Senior High School Department

NAKASULAT NA GAWAIN BLG. 2 PAGSUSURI


NG PELIKULA

Seksyon at SET: STEM 11-06


Bilang ng Grupo: GROUP 1
Pangalan ng Lider: San Jose, Adrian Reyge
Mga Miyembro (Alpabetikal na ayos):
1. Jose, Keona Yzabelle
2. Lago, Jenny
3. Matibag, Maria Eufrocina
4. Zamora, Franchesca

Layunin: Natutukoy ang iba’t ibang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng napanood na palabas
sa telebisyon at pelikula.

Panuto: Bumuo ng grupo na binubuo ng limang miyembro. Suriin ang pelikula na may pamagat na:
Miss Granny, sa direksiyon ni: Joyce E. Bernal batay sa: PAKSA, LAYUNIN, AT LINYA. Maglista
ng mga linya mula sa pelikula at tukuyin kung ANONG TUNGKULIN NG WIKA ito nabibilang,
pagkatapos ay IPALIWANAG.

Unang Pangkat: Miss Granny, sa direksiyon ni: Joyce E. Bernal


Ikalawang Pangkat: Unforgettable, sa direksiyon ni Perci Intalan
Ikatlong Pangkat: Four Sisters Before the Wedding, sa direksiyon ni Mae Czarina Cruz
Ikaapat na pangkat: The Hows of Us, sa direksiyon ni Cathy Garcia-Molina Ikalimang
pangkat: Kita kita, sa direksiyon ni Sigrid Andrea P. Bernardo

Pagsusuri sa PAKSA/TEMA ng pelikula:

-Ang pelikulang Miss Granny ay isang adaptasyon mula sa orihinal nitong gawana pelikula sa Korea noong
2014. Ito ay isang uri ng komdeya, drama, pantasya, atmusikal na nalikha nang dahil sa malikot na
imahinasyon ng manunulat na si Jinky Laurel at naisapelikula ito sa direksyon ni Joyce Bernal.

Pagsusuri sa LAYUNIN ng pelikula:

-Ang “Miss Granny” ay hindi lamang nagpapatibay ng mga relasyon sa pamilya, itinataguyod din nito ang
isang malusog na kamalayan sa kasaysayan, isa na iginagalang ang nakaraan at kinikilala ang nagbibigay-
buhay na papel nito sa kasalukuyan. Kung tutuusin, ang tagumpay ng kasalukuyan (karera ni Jeboy) ay
itinayo sa mga sakripisyo ng nakaraan. Ang buong kwento ng “Miss Granny” ay may pangkalahatang
kaisipan na pumapatungkol sa pagmamahal ng isang ina sa kaniyang anak at pamilya nito. Marahil ay dahil
sa kung paano nagsakripisyo ang isang ina para sa ikabubuti ng kapakanan ng kaniyang pamilya. Katulad
na lamang ni Fely de Leon na ginawa niya ang lahat upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang anak
at maitaguyod ang buhay nila sa kabila ng mga pagsubok na nararanasan. Samakatuwid, ipinapahiwatig ng
pelikula na iba talaga ang pagmamahal ng isang ina.

INSTRUMENTAL

1. LINYA NG PELIKULA: “Apo, ito ha, oh ikaw na bumili ng pagkain mo. Kami nalang ang kakain nung
lasang plastic na niluto ng nanay mo.”
PALIWANAG:
Nagagamit ang pahayag sa pamamaraan ng pakikipag-usap o pag-uutos.

2. LINYA NG PELIKULA: “Sige, bihis nalang muna ako.”


PALIWANAG:
-Nagagamit ang pahayag para tukuyin ang mga preperensiya, kagustuhan, at pagpapasiya ng tagapagsalita.
3. LINYA NG PELIKULA: “Kuha ka ng tubig baka nauuhaw.”
PALIWANAG:
-Nagagamit ang pahayag sa pamamaraan ng pakikipag-usap o pag-uutos.

REGULATORYO

4. LINYA NG PELIKULA: “Powder po ba ang ginamit niyo? Ang talaga kasing bagay sa sinigang na ulo ay
ang sariwang sampalok”

PALIWANAG:
-Naipapakita ng linyang ito ang pagbibigay direksyon sa pagluluto.

5. LINYA NG PELIKULA: “Kaya kung maaari, paki-activate ang kaniyang credit card at ang ATM, at
pagdating ng tamang panahon babalik rin siya at sa kaniyang pagbalik ay gusto niya sana’y lumugay sa
tahimik.”

PALIWANAG:
-Naipapakita ng linyang ito ang pagbibigay direksyon sa kung ano ang gagawin.

6. LINYA NG PELIKULA: “Huwag na huwag ka maghahanap ng pagkain sa basura, huwawag na huwag ka


kumayod sa palengke para sa anak mo, wag mo isasakripisyo ang lahat para sa kaniya, huwag ka
magpapakasal sa isang lalaki na maikli lang ang buhay, lalong-lalo na, wag ka magkakaanak na kasing
sama ko”

PALIWANAG:
-Naipapakita ng linyang ito ang pagbibigay paalala o utos.

REGULATORYO

7. LINYA NG PELIKULA: “Apo, ito ha, oh ikaw na bumili ng pagkain mo, kami nalang ang kakain nung
lasang plastic na niluto ng nanay mo.”
PALIWANAG:
-Ang linyang ito na sinabi ni Fely ay nagbibigay direksyon sa kung ano ang kailangan gawin ni Jeboy.

8. LINYA NG PELIKULA: "Magpapapicture ako bago ako pumangit, hindi naman puwede na pangit ang
picture na idi-display ko sa burol ko."

PALIWANAG:
-Ang linyang ito na sinabi ni Fely ay nagbibigay ng direksyon sa kung kailan siya magpapakuha ng litrato.

9. LINYA NG PELIKULA: "Kaya kailangan maging maganda ka ng maigi ah dahil kung hindi, hindi kita
kukunan."

PALIWANAG:
-Ang linyang ito na sinabi ay nagbibigay ng direksyon sa kung ano ang kailangan gawin ni Fely.

INTERAKSYONAL

10. LINYA NG PELIKULA: “Thank you lola. I love you, babye!”


PALIWANAG:
-Paggamit ng pamamaalam na pahayag. Ginagamit para maging magaan at komportable ang usapan.

11. LINYA NG PELIKULA: “Sigurado kayo? Yung pamilya namin noon may karinderya din doon.”
PALIWANAG:
-Nagpapamalas ng pagsang-ayon o pagpapakita ng interes sa pinag-uusapang paksa.

12. LINYA NG PELIKULA: “Pasensiya po, wala akong matandaang ganiyan.”


PALIWANAG:
-Nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan dahil sa binitawang pahayag.

PERSONAL

13. LINYA NG PELIKULA: "Alam mo, ngayon ko lang na feel ‘to, may itatanong ako sa’yo, please huwag
kang tatanggi. Gusto ko sanang magsama na tayo."

PALIWANAG:
-Ipinapahiwatig ni jeboy ang kaniyang gusto na makasama si Odrey sa pagkanta ngunit nasobrahan sa
illusyon si Odrey. Kaya sa halip na "gusto ko sana isama ka sa banda namin" naging "magsama na tayo".

14. LINYA NG PELIKULA: "Pangalan mo ang huli niyang sinasambit bago siya mamatay sa galit. Bakit ako
maaawa? Hindi niyo alam kung gano kasama ang ginawa niya samin"

PALIWANAG:
-Ipinapahiwatig na nagscandalo sa galit ang anak ng babaeng dating kumupkop kay Fely.

15. LINYA NG PELIKULA: "Ano gagawin ko? May sakit ang anak ko. Ginawa ko lang lahat para mabuhay
siya. Professor na siya ngayon. Pinalaki ko sya ng maayos. Ang galling-galing niya"

PALIWANAG:
-Ipinapakita at ipinapaliwanag ni Fely ang pagkamangha niya sa kaniyang anak pati narin ang repleksyon
niya noong nagkasakit ang kanyang anak.

HEURISTIKO

16. LINYA NG PELIKULA: "Miss, since 1990s pa ‘tong bulaluhan na ‘to. Kahit kailan hindi ito naging Photo
studio"

PALIWANAG:
-Ipinapahayag ng babae na hindi naging Photo Studio ang kainan na pinagtatrabahuan niya.

17. LINYA NG PELIKULA: “Ang pagkakaalam ko sa music, umaantig sa puso. Hindi bumabasag ng tenga.”

PALIWANAG:
-Ipinapahayag niya na ang music ay dapat nanggagaling sa puso at hindi nakakarindi.

18. LINYA NG PELIKULA: “Alam ko kasi ang mga mama, hirap na hirap sila kapag malayo sila sa kanilang
mga anak.”

PALIWANAG:
-Ipinapahayag dito na ang mga magulang ay hindi kayang mapalayo sa kanilang mga anak dahil hindi nila
malalaman kung ano ang kalagayan nila.
IMPORMATIBO

19. LINYA NG PELIKULA: "Titigil na ’ko sa pag tatrabaho, para tumulong sa paghahanap kay Fely.
Malay ko ba bakit lumayas yung babaeng yon"

PALIWANAG:
-Pinapaalam ni bert sa kaniyang amo na siya ay titigil sa pagtatrabaho dahil gusto niya tumulong sa
paghahanap kay Fely dahil nawawala na dito si Fely.

20. LINYA NG PELIKULA: "Ay! sandali nga, ganito-ganito sinabi ng lolo niya nung una kami magkakilala
eh! pati kung makatingin, lolong lolo niya. Nako, nalintikan na. Ganiyan din sinimulan ng lolo niya ang lahat
nung gabing yon"

PALIWANAG:
-Sinasabi rito ni Odrey/Fely na ang kaniyang asawa at apo ay sobrang magkaparehas sa pagpapahiwatig ng
kanilang mga damdamin.
21. LINYA NG PELIKULA: "Miss, since 1990s pa ‘tong bulaluhan na ‘to. Kahit kailan hindi ito naging Photo
studio"

PALIWANAG:
-Tinama ng tindera si Odrey/Fely sa impormasyon na akala niya ang bulaluhan ay Photo studio na dati
niyang pinasukan.

IMAHINATIBO

22. LINYA NG PELIKULA: “Metal na nga tinutugtog natin, binababoy mo pa.”

PALIWANAG:
-Sinasabi ni Jepoy dito na ginulo ang metal na pinapatugtog nila.

23. LINYA NG PELIKULA: “Naku, talipandas ka! Talipandas na bata!”

PALIWANAG:
-Ang sinasabi dito ay dapat hindi masyadong malandi upang hindi kayo masabihan ng mga ibang tao ng
ganoong salita,

24. LINYA NG PELIKULA: “Huwag kang bibitaw. Huwag kang bibitaw, anak. Ganun araw-araw, walang
mintis.”

PALIWANAG:
-Sinasabi dito ay dapat huwag kang bibitaw basta-basta. Ang kailangan mong gawin lumaban ka hangga’t
kaya mo pa ito ipaglaban.
RUBRIKS SA PAGSUSURI NG PELIKULA
PAMANTAYAN 9-10 7-8 4-6 1-3 PUNTOS
Napakahusay Mahusay Medyo Nangangailangan
Mahusay pa ng pag-unlad

Nilalaman
Nakikitaan ng mahusay na /10
pagka-unawa sa pelikulang
napanood

Organisasyon
Mahusay at mabisa ang /10
pagkakasunod-sunod ng
mga detalyeng inilahad sa
panunuri..

Pagkakasulat
Walang maling /10
panggramatika, mahusay at
malikhain ang paggamit ng
salita

Pagsusuri sa linya
Tumpak at walang (x3)
pagkakamali sa pagsusuri sa
linya.
/30

Kabuoan /60

You might also like