You are on page 1of 4

KALAYAAN NATIONAL HIGH SCHOOL

BLISS ROAD, KALAYAAN VILLAGE, PASAY CITY

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG FILIPINO


IKALAWANG MARKAHAN
PERFORMANCE TASK PANUNTUNAN SA PAGMAMARKA
MALINAW AT MALALIM
PANUNURING PAMPELIKULA NA PALIWANAG
______ / 15 PUNTOS
MASUSING PAGSUSURI ______ / 15 PUNTOS
______________________Ded na si Lolo____________________________
PAMAGAT WASTONG GAMIT NG
______ / 10 PUNTOS
GRAMATIKA
PAGIGING MATAPAT SA
PANGALAN: Gwyneth L. Salvacion ______ / 10 PUNTOS
PAGGAWA
PANGKAT: 11-Durkheim KABUUAN
______ / 50 PUNTOS

1. MGA PANGUNAHING TAUHAN


Sinu-sino ang mga pangunahing tauhan at ano ang kanilang mga naging
papel at paano naging epektibo ang kanilang karakter sa pelikula?
Lolo Juanito
-Ang tatay nina syano,dolores,mameng,junie at charing.
Syano
-Ang Panganay sa magkakapatid at siya lang ang may alam na may unang
asawa ang kanilang tatay .
Dolores
-Ang masungit nilang kapatid at ang pangalawa sa kanilang magkakapatid.
Mameng
-Ang paboritong anak ni lolo juanito dahil siya lang ang pinatira sa bahay ng
kanilang tatay, pangatlo sa kanilang magkakapatid.
Junie
-Palagi siyang nagtatanong at binabalaan tungkol sa mga pamahiin sa patay,
pang apat sa kanilang magkakapatid.
Charing
-Ang bunso sa kanilang magkakapatid, Siya ang laging umaawat sa tuwing
nagaaway sina mameng at dolores.
Lokring
-Ang panganay na anak ni charing, at parating naglalagay ng kolorete sa
kaniyang mukha.
Bobet
-Ang bunsong anak ni charing, laging may dalang ammonia para sa kaniyang
nanay, tito at tita niyang laging hinihimatay.
Pilar
-Ang unang asawa ni lolo juanito.
Soccoro
-Siya ang unang anak na babae ni lolo juanito kay pilar.

2. SITWASYONG PANLIPUNAN
Batay sa napanood na pelikula, paano nakaapekto ang lipunan upang
mabigyang buhay ang kwentong inilahad at paano naipakita ang
pagiging makatotohan ng pelikula?

Batay sa pelikulang napanood nakaapekto ang lipunan upang mabigyang


buhay ang kwentong inilahad sa paraan na nangyayari ito at nababase sa
totoong nangyayari sa buhay hanggang sa kasalukuyan,naipakita ang
pagiging makatotohan ng pelikula sa pamamagitan ng lahat ng mga nangyari
sa pelikula ay nararanasan at nangyayari din sa totoong buhay.
 

3. SITWASYONG PANGKULTURAL
Magbigay ng iba’t ibang kulturang ipinakita sa pelikula at ipaliwanag
kung gaano kahalaga sa mga manonood ang kultura na ipinakita nito.

Sumusunod sa pamahiin
-Mahalaga sa manonood ang kulturang ipinapakita nito dahil ito ay
nakasanayan na at dapat sundin ayon sa mga nakakatanda wala namang
mawawala kung susundin mo ito.
Nagmamano
-Mahalaga ito dahil ito ay paraan ng pagpapakita ng respeto at paggalang sa
maga nakakatanda saatin.

4. SITWASYONG PANGWIKA
Anong Barayti ng Wika ang nangingibabaw sa pelikulang napanood at
sa paggawa ng skript at dayalogo paano naging epektibo ito upang
lubos na maunawaan ng manonood ang mensahe nito?

Ang barayti ng wika ang nangingibabaw sa pelikulang napanood at sa


paggawa ng skript at dayalogo ay Sosyolek at Register, naging epektibo ito
upang lubos na maunawaan ng manonood ang mensahe nito,Sosyolek sa
paguusap-usap ng grupo ng mga gay at kung paano nila sabihin at bigkasin
ng may emosyon at diin. Register Di-pormal dahil may maririnig kang mga
salitang hindi maganda.

5. ARAL NG PELIKULA
Anong malalim magandang mensahe ang ipinakita ng pelikula at kung
bibigyan ka ng pagkakataon ay maari mo ba ito irekomenda sa iba na
panoorin at bakit?
Minsan sa buhay ay masasabi natin na dumarating sa punto na hindi
pagkakaunawaan sa bawat pamilya lalo na sa mga usaping lupa pera at
ari-arian. Matuto tayong makuntento sa kung anong meron tayo at
matutong sumunod sa mga pamahiing nakasanayan ng ating pamilya ito
ay nagpapaalala saating tungkol saating mga ninuno. May hindi man
pagkakaunawaan sa pamilya, hindi yon hadlang para masira ang
komunikasyon ninyong magkapamilya. Opo sapagkat may aral kang
makukuha dito at maiintindihan mo ang halaga ng buhay ng isang tao
para sayo.

6. Bakit kailangang suriin at isaalang-alang ang mga lingguwistiko at kultural


sa pelikulang
napanood?

Kailangang suriin at isaalang-alang ang mga lingguwistiko at kultural sa


pelikulang napanood upang lalo nating mas maintindihan kung ano ang
ipinapahayag o ipinaparating saatin ng pelikulang ito. Pinapaaalala din saatin
ang pagsunod sa mga pamahiin ng pamilya kapag may patay.

7. Paano dapat suriin at isaalang-alang ang mga lingguwistiko at kultural sa


pelikulang
napanood?

Dapat suriin at isaalang-alang ang mga lingguwistiko at kultural sa pelikulang


napanood sa pamamagitan ng mga salitang kanilang sinasabi at ipinaparating
sa mga manonood upang mas maintindihan nila ang daloy ng kwento sa
pelikulang ito.

You might also like