You are on page 1of 6

Bataan Peninsula State University

Balanga City, Bataan

PANUNURING PAMPELIKULA
Sa SINESOSYEDAD

Ipinasa ni:
Matias, Edmar Jhones B. ng
BSEE-1B

Ipinasa kay:
G. Vonhoepper N. Ferrer, MAF

Petsa

May 03, 2021


Panunuring Pampelikula

I. Tungkol sa Pelikula

A. Pamagat ng Pelikula: SEVEN SUNDAYS

(Ibibigay ng mag-aaral ang pamagat ng pelikulang sinuri at pagpapakahulugan sa pamagat)

1. Ito ay isang taning ng buhay na ibinigay ng doctor kay Kap. Manuel na meroon na lang
dalawang buwan ang kanyang ipapalagi sa mundong ibabaw. Dahil ang dalawang buwan ay meroong
pitong linggo.

2. Kada linggo sa loob ng pitong linggo ay magkakasama sama muli ang pamilyang Bonifacio.
Dahil sa taning ng kanilang tatay ay susulitin na kada linggo.

B. Director: Cathy Garcia - Molina

Assistant Director: Kizzy Esguerra - Reyes

Second Assistant Director: Chad V. Vidanes

C. Executive Producer: Charo Santos-Concio & Malou N. Santos

Creative Producer: Vanessa R. Valdez

Associate Producer: Marc De Leon

Producer: Elma S. Medua

D. (Mga Pangunahing Tauhan)

(Pangalan ng karakter – artistang gumanap – paglalarawan)

1. Manuel Bonifacio – Ronaldo Valdez – isang ama na nag kulang sa kanyang mga anak dahil sa pag
aabroad. At nangulila sa mga anak nya dahil sa may mga sari sariling buhay na, noong sya ay may edad
na.

2. Allan Bonifacio – Aga Muhlach – panganay na anak na may mataas na pride dahil may tiwala sya sa
sarili nya na malagpasan din, pero bandang huli sila silang mag kakapamilya ang nag tulungan.

3. Bryan Bonifacio – Dingdong Dantes – isang businessman na malayo ang narating dahil sa pag
susumikap.

4. Dexter Bonifacio – Enrique Gil – sya ay nangulila dahil simula na Nawala ang kanyang ina ay, naiwan
sya mag isa at dinamdam nya ito. Sa huli ay nagkasama sama na din sila
5. Cha Bonifacio – Cristine Reyes – isang ina o naging single mother, dahil sa babaerong asawa nya pero
hindi sya pinabayaan ng kanyang mga kuya.

E. Tema at Isyung Pampamilya o Panlipunan

1. Tema

- Ang tema ng pelikulang Seven Sundays ay kahit na anong mangyari sa ating buhay mayroon
mga tao na tutulong sa atin sa panahon na tayo nahihirapan o nangangailangan. Andiyan ang pamilya na
handang tumulong sayo. Sabi nga ay “sino pa ba ang matutulong tulungan kundi ang mga
magkakapamilya”. Handing tumulong kahit sa hirap o ginhawa sila ang karamay mo.

2. Mga Isyung pampamilya o panlipunan

- kakulangan sa pinansyal

- kakulangan sa family bonding

- hindi matinong asawa

- scam o panloloko ng ibang tao

- kakulangan sa pag kaka intindihan o pag unawa

- mataas ang pride

F. Buod ng Pelikula

Si Manuel Bonifacio ang ama ng tahanan, isang balo at dating kapitan ng barangay. Ang tanging kasama
lang niya sa bahay ay si Jun na pamangkin niya. Siya ay may apat na anak sina Allan, Bryan, Cha, at
Dexter. Sa kanyang kaarawan ang mga ito ay hindi nakapunta sa kadahilanan na may sari sariling pinag
kakaabalahan. Malaking kalungkutan ito sa ama na hindi nakarating ang kanyang mga anak.

Nang minsang magpatingin sa doktor si Manuel, lumabas na mayroon siyang lung cancer. Ipinaalam niya
ito sa mga anak. Ayaw nang magpagamot ni Manuel at hiniling na lamang sa mga anak niya na
magkasama-sama sila sa loob ng pitong linggo bago siya yumao. Hindi man magkakasundo at mga abala
man, pumayag sila sa hiling ng amang may karamdaman. Pinilit man ng magkakapatid ngunit talagang
hindi na sila magkasundo. Umabot sa puntong nagkagulo na ang magkakapatid at nagkalabasan ng mga
dinadala at sama ng loob sa isa’t isa.
Ang kanilang amang si Manuel na sobrang nabahala sa nangyari ay ibinulgar na wala naman talaga
siyang sakit at nagkamali lamang ang unang resultang dumating sa kaniya. Napagtanto ng magkakapatid
ang kahalagahan ng isang pamilya. Kaya naman nagkapatawaran ang magkapatid na Allan at Bryan na
may pinakamalaking hidwaan sa lahat. Unti-unting naayos ang gusot sa kanilang pamilya. Ang
nakaaangat sa buhay na si Bryan ay handa na ngayong magbigay ng tulong sa kaniyang mga kapatid.
Bandang huli ay pinagtulungan nilang buksan muli ang kanilang negosyo na tindahan.

II. Mga Aspektong Teknikal

A. Musika

Oo, nababagay ang musika na ginamit sa pelikulang Seven Sundays. Kapag masaya ang eksina nakaka
indak ang musika at kung malungkot naman ang eksina ay nakaka dala ng emosyon ang musika. Mas
lalong nakatulong ang musika sap ag guhit ng emosyon dahil minsan napapangiti o poker face lang dahil
naka pokus ako sa mga eksina at lalong napaganda ang pelikula dahil sa musika.

B. Sinematograpiya

1. Maganda ba ang kabuuang kulay ng pelikula?

Oo, dahil nasa modern cinematography na tayo ay maganda ang kulay ng pelikula.

2. Mapusyaw ba o matingkad ang pagkakatimpla ng kulay na kuha ng mga kamera?

Para saakin ay, hindi naman maayos naman sa aking paningin at kung gantong ang kulay ng mga
pelikula ay gaganahan ka manood.

C. Pagkasunud-sunod ng mga Pangyayari

Oo, maayos ang pag kakaayos at pag kakasunod sunod ng mga eksena dahil hindi naman ako nalito at
naintindihan ko ito ng lubos. Maganda ang pag kaka lapat ng mga eksena dahil dito pinalabas o nakikita
mo agad ang halaga ng mga tema o paksa sa pelikula.

D. Pagganap ng mga Artista

Para saakin ay sa pelikulang ito ay ang mga artistang gumanap ay mga dalubhasa na, kaya oo napaka
ganda ng pag ganap nila sa bawat ginampanan nila. Makatotohanan talaga lalo sa kay Cristine Reyes
dahil sya ay babae at pinaka naapektuhan sa nalaman nya sa kanyang tatay. Dahil sa kanilang pag arte ay
mas naunawaan ko kung ano ba ang nilalaman ng pelikulang ito, lumutang ang mga dapat ipahatid sa
mga manonood dahil sa pag arte ng mga artistang ito.
E. Tagpuan

Para saakin ay oo, maganda sa may parteng sementeryo parang ang presko ng hangin at nkakatuwa
dahil mahal na mahal ni manuel ang kanyang asawa kaya lagi niya ito dinadalaw na may kasamang
pancit. Oo angkop o swak na swak ang mga tagpuang ginamit sa kwento dahil napaganda nito ang
pelikula.

III. Kahalagahang Pantao

A. Paglalapat ng Teoryang Humanismo

Ang Teoryang Humanismo ay ang pokus ng teoryang humanism ay ang tao. Ito ay isang pag-aaral sa
pananaw ukol sa paniniwala o prinsipyong tao. Sa pelikulang Seven Sundays umiral dito ang ibat ibang
galit o sama ng loob sa pamilyang Bonifacio. Dahil lagi na lang nag kakagalit ang mga anak ni Manuel
dahil umiiral ang tinatawag na “pride” lalo na ang panganay na si Allan, ayaw nyang ibaba ang kanyang
pride para manghinge ng tulong kay Bryan pero bandang huli ay nag kabati na rin sila dahil pinakinggan
nila sa puso nila kung ano ang tamang gawin ng mag kapatid. Kay Cha at kanyang asawa paniniwala nya
na hindi nya kakayanin kung hihiwalayan nya ang kanyang asawa na babaero pero sa huli ang tumayong
ama sa anak ni Cha ay ang kanyang mga kuya. At kay Manuel ay lumutang ang pananaw nya na kung
sasabihin nya ang totoong wala syang sakit na cancer ay muli nanaman mangungulila sya sa mga anak
nya. Pero sa bandang huli ang kanilang pananaw o galit pa yan ay natapos na dahil nag kapatwaran na
silang lahat dahil isa silang pamilya at ang pamilya ay nag tutulong tulungan lahat.

B. Mga Aral

1. huwag mag tanim ng galit sa kapwa mo

2. ang pamilya ay laging nandyan para mag tulungan

3. kapag masakit na, iwan mo na

4. mag sabi ng totoo upang pagkatiwalaan

5. kapag nag sikap ka, ay malayo ang mararating mo


C. Kabuuang Pananaw

Ang Pelikulang ito ay naiiba sa iba dahil ang tema nito ay tungkol sa pamilya o pag kakabuo ulit ng
pamilya. Tamang tama ito panoorin ng bata matanda o lahat dahil ang pelikulang ito ay pampamilya at
ang daming dapat malaman ng kada pamilya sa pelikulang ito dahil puno ng emosyon at aral.
Inirerekomenda ko ito dahil maganda sobra, dapat lang panoorin ito dahil lahat tayo ay mag
kakapamilya o may pamilya na, mag silibing inspirasyon ito dahil sa mga aral na lumutang dito. Lagi langt
tandaan ay ang pamilya ay laging nandyan para tumulong, sumaklulo dahil ang pamilya ay ang unang
unang tutulong sayo dahil hindi lang ikaw ay kadugo kundi dahil mahal ka nila. Kahit anong mangyari
huwag mag tanim ng galit dahil may rasyon naman kung bakit nagawa ang mga ganung bagay. Ang
importante ay ang ngayon na mag kakasama kayo huwag na pansinin ang nakaraan mag pokus lang sa
hinaharap mo at maging masaya at mag enjoy na kasama mo ang pamilya mo.

You might also like