You are on page 1of 8

PANUNURING

PAMPELIKULA
Ni
Mariane joy
Barayang
Galling sa
x-st.septimus
ipinasa kay
bb. dolores
f. breis
A. Panimula: Tema at Mensahe ng Pelikula
Ang istorya ng pelikula ay umiikot sa isang binatilyong adik sa
Opioid at ang kanyang ina na walang ginawa kundi piliting gawin ang lahat
ng makakaya upang intindihin at pasukin ang mundo ng kanyang anak
upang siya’y matulungan at higit sa lahat ay hindi tuluyang bumagsak ang
buong pamilya nila sakit at paghihirap. Napakaraming sangkot sa drug
addiction sa panahon na ito. Ang problemang ito ay inilahad sa pelikula
sapagkat isa ito sa napakararaming isyung panlipunan na umiikot sa
mundo. Sa pelikulang ito, gumanap si Julia Roberts bilang si Holly Burns,
ang ina ni Ben Burns na ginampanan naman ni Lucas Hedges, kung saan
ipinakikita nila na ang pagmamahal ng isang ina sa isang anak ay hindi
magmamaliw kahit ano man ang mangyari lalo na sa mga tila nawawala sa
sarili at may sariling mundo nang dahil sa drug addiction. Kinatawan ni Julia
Roberts mga ina na labis ang pagmamahal sa kanilang mga anak upang
hindi makaranas ng sakit, pagkagulo at paghihirap. Habang si Lucas Hedges
naman ay kumatawan sa mga anak o mga taong nangangailangan ng gabay
at pagmamahal mula sa iba lalo na sa mga ina nila.

B. Buod ng Pelikula
Si Ben Burns na anak ni Holly Burns ay nagbalik sa kanyang
pamilya noong isang Bisperas ng Pasko mula sa kanyang rehabilitation
center. Ang ina ni Ben na si Holly ay tinanggap naman ang kanyang
pagbabalik bilang kanyang pag-ibig sa minamahal na anak na lalaki, ngunit
sa lalong madaling panahon nalaman nila na si Ben ay naroon pa rin att
nawawala sa loob ng mundo niyang patuloy na napipinsala nang dahil sa
kanyang Opioid addiction. Sa loob ng 24 na oras na maaaring magbago ng
kanilang buhay magpakailanman, kinailangang gawin ni Holly ang lahat sa
kanyang kapangyarihan upang maiwasan ang pagbagsak ng pamilya.

Ang lahat ng bagay ay tila sa simula maaraw hanggang ang ilang


mga natagpuan ni Ben sa dating kapitbahayan nila ay nagsimula nang
magpinta ng isang larawan ng nakalipas na batang lalaki at isang pahiwatig
ng mga bagay na darating. Sa Bisperas ng Pasko, nakilala ni Holly si Beth. Si
Beth ang ina ng isang batang babae na overdose. Pagbalik nina Holly at Ben
sa kanilang bahay, natagpuan ng pamilya ang kanilang bahay na may
bandalismo na at ang kanilang aso ay ninakaw o na-“kidnap”. Hindi ito isang
biglaang insidente. Ang isang tao ay pinadalahan ng isang mensahe sa
pamamagitan ng mga diler ng droga.

Ang paghahanap ng isang alagang hayop ay nagging dahilan


para sila ay maligaw sa biyahe noong gabi kung saan ang mga lihim ay
naibunyag at ang buhay ay nanganganib. Sa pamamagitan ng lahat ng ito, si
Holly ay bumunghalit sa paglabas ng kanyang emosyon sa anak. Ang
kanyang halaga at magkaugnay na pagtutulungan kasama si Ben ang
tumulong sa kanilang umahon. Ang puso at kaluluwa na inilagay nilang
mag-ina sa istorya ay nagtapos kung paano nabubuhay ang pagkasira ng
mga pagkasira mula sa magkabilang panig ng equation ng magulang at
anak, si Ben at ang kanyang pamilya lalo na ang kanilang ina ay naging
matatag at hindi malilimutan.

C. Mahahalagang Aral na Nakuha sa Pelikula


Kinatawan ni Julia Roberts mga ina na labis ang pagmamahal sa
kanilang mga anak upang hindi makaranas ng sakit, pagkagulo at
paghihirap. Habang si Lucas Hedges naman ay kumatawan sa mga anak o
mga taong nangangailangan ng gabay at pagmamahal mula sa iba lalo na sa
mga ina nila. Natutunan ko sa pelikulang ito na ang mga ina natin, kahit ano
man ang mangyari, gagawin at gagawin pa rin nila ang lahat upang tayo’y
sagipin mula sa sakit, paghihirap, at pagbagsak bilang kanilang anak at
bilang pamilya. Hindi nila hahayaang bumagsak ang pamilya nang dahil lang
sa rami ng mga problema. Natutunan ko rin maging responsible sa aking
kalusugan at sariling katawan. Sa gayon ay dapat din tayo matutong maging
matatag lalo na para sa ating mga sarili at kapwa sa oras ng paghihirap.

D. Pagsusuri
1.Mga Tauhan
 Julia Roberts bilang Holly Burns
Nakahahanga ang kanyang angking galing sa pag-arte
sapagkat hindi lamang ito natural, ito rin ay nakapanghahaplos-
damdamin talaga. Pag dating sa kanyang pananamit ay makikita
talaga ang karakter niya bilang ina na namamalagi sa panahon ng
taglamig. Nababagay sa panahon ang tema ng nasabing pelikula
sapagkat tumataas ang bilang ng mga sangkot sa droga, marami na
rin ang nawawalay sa kanilang mga minamahal na pamilya. Marami
ang makakaintindi o makakaangkop sa tema nito sapagkat ito’y
pampamilya
 Lucas Wedges bilang Ben Burns
Napakahusay ng kanyang pag-arte sa pelikula sapagkat
naipapakita niya dito ang tunay na nararamdaman at nangyayari sa
isang taong nawawala sa sarili niyang mundo nang dahil sa Opioid
addiction. Samantala, ang kanyang pananamit ay sumasalamin
naman sa kanyang karakter bilang anak na nangangailangan ng gabay
ng isang ina lalo na sa oras na siya’y nahihirapang tulungan ang
kanyang sarili na umahon mula sa pagkakagulo, pagkakawala, sakit,
at paghihirap.
 Rachel Bay Jones bilang Beth Conyers
Kaaya-aya ang kanyang kakayahan sa pag-arte. Nailahad
niya dito ang sakit ng namatayan at nawalan ng mahal sabuhay. Base
sa pananamit, makikitang siya ay isang tunay na kaibigan at
ordinaryong tao lamang na nakakausap si Holly na isang ina rin. Ang
kanyang karakter ay dumagdag sa kagandahan ng nasabing pelikula
sapagkat sumasalamin ang kanyang damdamin sa sakit ng mahal sa
buhay na naiwan.
 Kathryn Newton bilang Ivy Burns
Magaling siyang umarte bilang kapatid ni Ben. Naipakita
niya sa kanyang pag-arte ang tunay na damdamin ng pagmamahal at
pagkakaroon ng pakialam para sa kapatid, sa ina, at sa buong
pamilya. Kung pananamit naman ang pag-uusapan ay tama lamang
ang kanyang suot bilang gumaganap sa papel ng isang butihing
kapatid na madalas ay ipinakikita sa bahay.

2.Editing at Sinematograpiya
a. Naging makabuluhan ang bawat eksena ng pelikula. Ang bawat
pagkakasunod-sunod ng eksena ay tuloy-tuloy kaya’t talaga
maiintindihan ng mga manonood.
b. Iba-iba ang mga kuha ng bawat eksena katulad ng ‘close up’, ‘bird’s
eye view’, atbp. Makikita ang lokasyon at buong setting ng pelikula
sapagkat malawak at malinaw ang sakop ng bawat kuha o shot.
c. Angkop at tama ang pag-iilaw, mga filter, at saturasyon ng pelikula sa
bawat eksena ng nito. Nakadadala ang mga eksena nito sa iba’t ibang
damdamin tulad ng pagkagulat, realisasyon, lungkot at
pagkahalinhan.

3. Paglalapat ng Musika at Tunog


a. Angkop sa bawat eksena ang paglalapat ng tamang tunog upang
mas lalong maramdaman ng manonood ang pelikula.
b. Ang paglapat ng tunog ay malinaw at naririnig nang maayos tulad
na lamang ng pagbubukas ng pinto, paglalakad ng mga paa,
pagdaan ng sasakyan, atbp.
c. Ang tunog at musika ay humihina at lumalakas sa tuwing
kailangan itong hinaan tulad nang mga eksenang mayroong mga
diyalogo at lumalakas tulad ng mga eksena na kinakilangan ng
transisyon.

4.Konklusyon at Rekomendasyon
Ang pelikulang ito, ang Ben is Back, ay aking inirerekomenda
para sa lahat lalo na sa mga pamilya at sa mga anak na nawalay sa
kanilang mga magulang dahil sa iba’t ibang mga personal na dahilan.
Ito’y aking inirerekomenda sapagkat ang istorya na inihahandog ng
pelikula ay angkop sa panahon ngayon kung saan laganap ang pagkaadik
sa drugs at maging ang pagkakahiwalay ng mga magulang sa anak. Ang
pelikulang ito ay naghahatid ng pangkaragdagang aral sa buhay ng mga
manonood at minumulat nito ang karamihan sa kung ano ba talaga ang
halaga ng ating buhay lalo na bilang miyembro ng ating pamilya. Sa
pelikuang ito, naipakikita ng mga actor at aktres na sa bawat pamilya,
kaya nating pairalin ang ating pagmamahal sa sarili, pagmamahal sa
pamilya, at pagmamahal sa ating mga magulang. Dahil sa kabantang ito,
naipakikta hindi lamang ang halaga ng buhay kun’di ay pati na rin ang
oras na inilalaan natin para sa ating pamilya.
5.Bisa sa mga Manonood
A. Pangkaisipan
Sa pamamagitan ng pelikulang ito, maaaring magkaroon
ng ideya ang mga manonood na dapat nilang pahalagahan ang
mabuting kalusugan at maging responsable sa sarili upang hindi
mawala sa sariling mundo. Naipapakita sa pelikulang ito na maaari
rin itatak ng mga tao sa kanilang mga isipan na napakamunti ng mga
oras na dapat ibigay sa pamilya sapagkat ang tunay na pagmamahal
ay nasusukat lamang sa pamamagitan ng koneksyon ng bawat tao; sa
pelikulang ito, pansin ang pagmamahal ng ina sa anak.

B. Pandamdamin
Makararamdam ng pagmamahal at pagpapahalaga ang
bawat manonood sa kanilang mga sarili, minamahal, pamilya, at mga
magulang. Talagang tatatak sa kanilang mga puso na ang tunay na
pagmamahal sa kapamilya ay walang pinipiling oras o pangyayari
man. Mararamdaman ng mga ina na makapapanood nito ang tunay
na pagmamahal na kaya nilang ibigay sa kanilang mga anak.

C. Pangkatauhan
Ang pelikulang ito ay maaaring magsilbing instrument na
gigising sa bawat manonood na ang pagmamahal ng ina sa kanyang
anak ay hindi kayang bilihin ng kung sinoman at hindi basta-basta
lamang na nagmamaliw. Karapatan ng bawat anak na arugain,
alagaan, at paakihin nang tama ng kanilang ina. Karapatan ng bawat
ina o ng bawat magulang na makasama ang kanilang mga anak at
buong pamilya nang sama-sama, kumpleto, at higit sa lahat ay
masaya.
REKOMEN
DASYON
Inirerekomenda ko ito sa lahat ng parte
ng LGBTQ+ community, maging sa mga magiging
parte pa lamang at sa buong lipunan na rin. Nawa’y
mas maging mapag-alam tayo sa mga bagay bagay
lalo na sa mga bagay na may kinalaman sa
LGBTQ+. Sa aking pagrerekomenda, sana ay
matuto tayong tumanaw ng pagrespeto at
pagkakapantay-pantay ng lahat. Nais kong ipagbatid
na ang tunay na pagmamahal ay hindi nasusukat sa
kahit anong uri ng kasarian, kulay, laki, o hanggahan
kun’di sa tamang koneksyon ng bawat isa sa atin sa
ating lipunan na may katotohanan, pagkakaisa, at
pagkakamahabagin.

You might also like