You are on page 1of 2

BSARCHITECTURE 4B

PAN101

MGA PINANGANGALAGAHAN KONG PELIKULA


1. SEVEN SUNDAYS
Ang pelikulang Seven Sundays ay mula sa direksyon ni Cathy Garcia Molina. Pinagbidahan
ito ng mga kilala at mahuhusay na aktor at aktres na sina Ronaldo Valdez (Manuel), Aga Muhlach
(Allan), Dingdong Dantes (Bryan), Cristine Reyes (Cha) at Enrique Gil (Dexter) na sila ring
pinakapangunahing mga tauhan sa palabas. Ito ay isang pelikulang Pilipino na tumatalakay at
naglalarawan sa kasalukuyang kalagayan ng isang pamilya sa lipunan. Ito ang pinaka paburito ko
dahil nakatuon ito sa suliranin ng isang pamilya at kung paano mananatiling matatag ang pamilya.
Kabilang din sa mensahe ng pelikula ang pagpapatawad, pagbibigayan, pagkakaisa, pagtutulongan, at
pag-unawa sa isa’t-isa. Naipakita din sa pelikula kung gaano kahalaga ang kumunikasyon sa isang
pamilya at ang pagsasabi ng totoo upang walang mabuong alitan at hindi pagkakaintindihan.
Napakaimportante nito sa isan g pamilya para malaman natin ang sitwasyon ng bawat isa at para mas
tumibay ang pundasyon ng pamilya.

2. 4 SISTERS IN A WEDDING
Ang pelikulang 4 Sisters in a Wedding ay isang pelikulang Pilipino na nagpapakita na natural
lang sa isang pamilya ang pagkakaroon ng hindi pagkakaintindihan ngunit marapat pa rin na ayusin
ito upang mapanatili ang magandang samahan at relasyon ng bawat miyembro nito. Maraming aral
ang mapupulot sa pelikulang ito tulad na lamang ng pagpapaannatili ng kapayapaan sa magkakapatid,
ang pagkakaroon ng tiwala at pagiging tapat sa pamilya at ang pagmamahal at pagpapatawad na susi
sa masaya at maginhawang relasyon ng buong pamilya.

3. OUR MIGHTY YAYA


Ikatlo ay ang Our Mighty Yaya, isang pelikula patungkol sa mahalagang papel na
ginagampanan ng mga kasambahay sa ating pamilya. Ang kuwento ay umikot sa pagmamalasakit sa
mga alaga at pamilya ng isang kasambahay na kanyang pinagsisilbihan. Huwarang kasambahay ang
karakter ng bida sa pelikula- bagay na mahirap nang makita sa tunay na buhay.

4. HELLO LOVE, GOODBYE


Ang Hello Love Good bye ay isang pelikula na kapupulutan ng aral tungkol sa
pagsasakripisyo para sa pamilya. Pinakita ng pelikula ang tunay na buhay at ang ibat-ibang problema
sa karanasan ng mga OFW sa Hong Kong. Ito ay isang pelikula na nagsasabi sa atin na ang mga
mahihirap na desisyon ay kailangan gawin, at ang mga desisyong ito ay kailangang respetoin sa
ngalan ng pag-ibig. Maraming mga pagsubok na kailangan nating bigyan ng solusyon at minsan
kailangan nating mag desisyon sa ating sarili para tayo ay makapagpatuloy sa ating parorounan.

5. DIE BEAUTIFUL
Isa din ang pelikulang Die Beautiful ang tumatak sa akin dahil ito ay may temang
napapanahon, ang tao ay hindi dapat ikinukulong at sinusukat ng kanyang kasarian. Ang pelikula ay
nakapukos sa isang transgender na namatay na ang tanging hiling sa kanyang matalik na kaibigan ay
bihisan siya at gawing kamukha ng iba’t ibang kilalang celebrities bilang pagkilala sa kanya. Sa
kabuuan, ang pelikulang Die Beautiful ay naiiba sa iba dahil ito ay tumatalakay sa pangyayari sa
buhay ng isang transgender na minsan lamang ginagawang paksa sa isang pelikula.

6. THE HOWs OF US
Pinili ko din ang pelikulang The Hows of Us dahil ito ay isang pelikula na kapupulutan ng
aral tungkol sa takbo ng totoong buhay sa isang relasyon. Pinapakita sa pelikulang ito na hindi sa
lahat ng oras ay masaya ang relasyon, minsan mapait din at kailangan magparaya at magpasensya.
Ang pelikula ay nagbibigay din ng aral na sa isang relasyon dapat hindi lang isa nga gagawa ng
paraan para maayos ang problema. Ang isang relasyon ay parang isang ibon, hindi ito lilipad ng
mataas kung iisang pakpak lang ang gumagana. Ibigsabihin ay dapat palaging balanse, dapat hiindi
lang iisa ang gagawa ng paraan para solusyonan ang isang problema.

7. A SECOND CHANCE
And pelikulang A Second Chance ang ikapitong pelikula na aking pinili dahil ito ay
tumatalakay sa ating karapatan na malaman ang totoo kahit na maari tayong masaktan. Ang pagtatago
ng sikreto at hindi pagsasabi ng totoo ay walang magandang maidudulot kahit sa anumang klase ng
relasyon.

8. LSS
Ang pelikulang LSS ay umiikot sap ag-abot ng pangarap sa industriya ng musika. Bilang aral
sa kwento, nararapat na magpatuloy tayong matatag sa kabila ng tayo ay nadadapa, sa kabila ng hindi
natin mapili ang ating sariling pangkagustuhan. Lagi nating tatandaan na may mga taong mananatili
lalo na sa oras na tayo'y sawi at naliligaw, sa mga oras na walang naniniwala satin at higit sa lahat
laging nandyan ang Diyos na gumagabay saatin. Ang buhay ay isang playlist ng musika, minsang
malungkot at minsan masaya.

9. CAMP SAWI
Ang Camp Sawi ay isang pelikula na tumatalakay sa mga taong gustong magmove on sa kani-
kanilang dating karelasyon at nagpunta sa camp upang gamutin at kalimutan ang kanilang sakit na
nararamdaman. Pinakita dito kung paano mawawala, gagamutin at tatanggalin ang sakit sa kanilang
mga puso at paano mabuhay araw araw habang inaayos ang sarili. Mararamdaman mo na lang na
parang hinahanap mo kung sino ka sa mga babaeng ito at kaninong karakter ka nakakapareho.

10. MANO PO
Ikasampo ay Ang Mano po na isang pelikulang dula na pinalabas noon 2002. Ito ay isang
kwentong realidad sa ating mundong ginagalawan. Tumatalakay ito sa mga tradisyon ng mga Pilipino
at Intsik

You might also like