You are on page 1of 1

Vincenzo

1. Magkapareho ba ang wikang Tagalog at Filipino? Ipaliwanag ang kasagutan.


Ang wikang Tagalog at Filipino ay may pagkakapareho at pagkakaiba. Ang Tagalog at
Filipino ay parehong wika na ginagamit sa ating bansa noon ngunit sa kabilang banda ang
dalawang ito ay may pagkakaiba din. Ang wikang Tagalog ay isang wikang natural na
pinakakilala sa lahat ng ating katutubong wika at ang wikang Filipino naman ay isang wikang
Pambansa at tinatawag din na wikang tulay. Sa kabilang banda, sa panahon natin ngayon mas
kilala ang Tagalong bilang isang Pambansang salita sa Pilipinas samantalang ang Filipino naman
ay isang asignatura na tinuturo sa paaralan.

2. Ano ang legal na batayan ng pagiging wikang pambansa ng wikang Filipino?


Ang legal na batayan ng pagiging wikang Pambansa ng wikang Filipino ay sa Saligang
Batas ng 1987, Artikulo XIV Sek. 6 na kung saan nakasaad na ang wikang Pambansa ay
Filipino.

3. Sa isang daang mahigit na wika rito sa Pilipinas, bakit kinakailangang magtanghal o


magkaroon ng pambansang wika?
Ang pagkakaroon ng mabisang pakikipag-ugnayan ang isa sa pinakamahalagang aspeto
ng isang lipunan. Ang wika ang maituturing na pinakamabisang kasangkapan sa ating pakikipag
komunikasyon sa ating kapwa kaya ang pagkakaroon ng wikang Pambansa ay nagbibigay daan
sa pagkakaroon ng pagkakaunawaan na nagdududlot ng mapayapa at maunlad na lipunan. Ito din
ay nagdudulot ng pagkakaisa ng mga mamamayan. Sa tulong din ng wikang Pambansa,
magkakaroon ng pagkakakilanlan ang isang lugar.

You might also like