Professional Documents
Culture Documents
“Seven Sundays”
Ang napili ko na pelikula ay ang “Seven Sundays”. Nais iparating ng pelikula kung
gaano kaimportante ang pamilya, pagpapatawad at pagkakaisa ng inyong pamilya. Kung saan
ako ay na antig sa kuwento ng kanilang pamilya at nais ko bahagi ang aking damdamin tungkol
sa nasabing pelikula. Ang mga pangunahing taohan ay ginagampanan ng mga batikang
aktor/aktres na sina Aga Muhlach (Allan A. Bonifacio), Dingdong Dantes (Bryan Bonifacio),
Enrique Gil (Dexter Bonifacio), Cristine Reyes (Cha Bonifacio), Donita Rose (Bechay
Bonifacio), Kyle Echarri (Marc Bonifacio) bilang mag kakapatid ang kanilang ama na si
Ronaldo Valdez (Capt. Manuel Bonifacio). Nagkakaisa ang mga kapatid na Bonifacio nang
malaman na mayroong kanser ang kanilang ama. Sa kanilang pagtutulungan, kailangang harapin
ang mga hindi pa naaayos na problema bago mahuli ang lahat.