You are on page 1of 6

FILIPINO MINI PT/ PT 2nd Quarter

MINI PT 1 (TIMELINE)

 Maayos ba ang pagkakagamit ng mga wika sa mga status o post?


Masasabing maayos at angkop ang pagkakagamit ng mga
wika sa status o post (kahit may mga kulang na bantas dahil siguro
sa mabilis na paraan ng pagtitipa ng mga letra sa teklado o
tipahan na maaring namang ikonsidera) sapagkat eksakto at
malinaw ang mga palatitikan; maingat at masusing pinili ang mga
salitang ginamit kung kaya’t madaling nauunawaan ang mensahe
ng mga istatus o post at epektibong naiparating ang kaalaman o
impormasyong nakalatag sa post.

 Angkop at tama ba ang impormasyong ibinibigay?


Angkop at tama ang impormasyong ibinibigay ng mga istatus
o post. Ngunit may pagdududa kami sa ikalawang post. Bagaman
may punto ang mga nakasulat ngunit sa aming pagsasaliksik ay
wala kaming nakitang batayan na sinabi nga ito ng ating
pambansang bayani. Wala rin kaming nabasang ganyan sa mga
panitikan ni Jose Rizal o baka ay nakaligtaan lang namin. Kung ano
man ang siyang tunay, may punto ang post na ito. Hindi totoong
“sila” ang kalaban, kundi ang mismong sarili natin sapagkat
pinangungunahan natin ang ating sarili. Simulan nating maniwala
sa kung ano yung mga kakayahan natin.

 Kung nangagatwiran o naglalatag ng argumento, tingin niyo ba ay


logical at makatwiran ang ipinapahayag?
Sa ika-apat na larawan, makikitang naglalatag siya ng
opinyon o pangangatwiran tungkol sa mga kabataan bilang pag-
asa ng bayan na isa sa mga napakatanyag na katagang binitawan
ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal. Masasabi namin na
may punto ang post na ito sapagkat sa panahon ngayon ang hirap
ng paniwalaan kung makikita nating marami ng mga kabataan ang
mas pinili na ubusin ang kanilang panahon sa paggawa ng mga
walang kabuluhang gawain kaysa sa pagpunta sa paaralan; mga
kabataang naging magulang at maraming bisyo sa murang edad.
Meron pa ring mga kabataan na tunay na pag-asa ng bayan.
Ngunit sa paglipas ng panahon, ang kabataan ay pag-asa pa rin ba
ng bayan?

 Sa kabuuan, makakatulong ba ang mga post o status na inyong


napili sa pagpapalaganap ng tamang kaalaman sa wika o hindi?
Sa kabuuan, ang mga napili naming post ay malaki ang
maitutulong sa pagpapalaganap ng tamang kaalaman ng wika
sapagkat nagbibigay ito ng paalala sa kahalagahan ng wika at
makabuluhang aral patungkol sa wika; mga matatalinghagang
salita ay makikita rin sa mga post na nakakatulong sa amin na
bigyang kalaliman ang wikang Filipino. Dahil sa malikhaing pag-
iisip at pananaliksik ay nakatuklas kami ng mga bagong kaalaman
tungkol sa wika na maaari rin naming ibahagi sa iba. Masasabing
ang mga status o post sa social media ay malaki ang ambag sa
pag-unlad hindi lamang ang kaalaman at kakayahan sa wika kundi
pati na rin ang pagkatao.
MINI PT 2 (SPEAKING)

Pamagat: ANAK
Buod:

Napilitang iwan ang kanyang pamilya at nagtrabaho si Josie (Vilma


Santos) sa Hongkong bilang isang domestic helper para matustusan ang
kanyang pamilya. Iniwan niya sa bahay ang kanyang tatlong anak na
sina Carla (Claudine Barretto), Michael (Baron Geisler), at Daday (Sheila
May Alvero) at ang kanyang asawa, na namatay pagkaraan ng kanyang
pag-alis.

Nang sa wakas ay bumalik siya sa Pilipinas ay sinalubong siya ng


hinanakit at pagkamuhi ng kanyang mga anak. ang kanyang pagliban
ang naging sanhi ng pagkawatak-watak ng kanyang pamilya: ang
kanyang panganay na si Carla ay narerebelde at nalulong sa masamang
bisyo dahil sa kawalan ng gabay; ang kanyang anak, si Michael, ay may
problema sa paaralan at nawalan ng iskolarsyip; at ang bunso niyang si
Daday ay hindi man lang alam kung sino siya at malayo ang loob sa
kanya. Pinakita ng pelikula kung paano niya nalampasan ang mga
problema at muling pinanday ang nasirang relasyon ng kanyang
pamilya.

Settings (saan/kailan nag-uusap): ang pag-uusap ay nangyari sa


kanilang bahay at masasabing sa gabi nangyari ang usapan dahil
maririnig mo ang tunog ng mga kuliglig.
Participants (sino ang mga kalahok): Si Josie (ang ina), Carla (panganay
na anak), si Michael at Daday (mga anak).
Ends: (ano ang layunin ng pakikipagusap): ang layunin ng pakikipag-
usap ay ang hayaan ang bawat panig na ipaliwanag ang pagkamuhi at
ibuhos ang lahat ng hinanakit sa isa’t-isa.
Act sequence (Paano ang takbo ng usapan): isang gabi bago bumalik si
Josie sa HongKong ay hindi na niya natiis ang pag-uugali at ang pagtrato
sa kanya ni Carla. Nagsumbatan silang dalawa at dumating sa punto na
nagkaroon sila ng malaking alitan. Sa oras na iyon, namulat si Carla sa
tunay na dahilan ng pag-alis ng ina. Kaya’t hindi pa man natapos ang
gabi’y nanghingi siya ng tawad at muling nagbalik-loob sa kanyang ina.
Keys (pormal o di pormal ba ang pag-uusap): hindi naging pormal ang
kanilang usapan sapagkat nagkaroon ng sigawan,mga mura at palitan
ng masasakit na salita.
Instrumentalities (pasalita ba o pasulat): ang ginamit na uri ng
komunikasyon ay ang berbal na komunikasyon sa paraang pasalita at
ang midyum o aparatong ginamit ay ang bibig.
Norms (ano ang paksa ng usapan): ang paksa ng usapan ay ang mga
pagkukulang ni Josie bilang isang ina (na sinumbat ni Carla) at ang mga
hirap at problema ni Josie sa ilang taon niyang pagiging OFW sa
HongKong pati na rin ang kanyang tunay na dahilan kung bakit
kailangan niyang iwanan ang pamilya para magtrabaho.
Genre (nagsasalaysay ba,nakikipagtalo, nagmamatuwid): mabigat at
malalim na pag-uusap na nagpapakita ng iba’t-ibang emosyon habang
sila ay nakikipagtalo, nanunumbat (si Carla) at nagpapaliwanag (si
Josie).
MINI PT 3 (TALUMPATI)

Wika: Imbensyong Makapangyarihan

Sa dinami-daming imbensyong nagawa sa pagsibol ng


modernisadong panahon, ang wika ay sinasabing pinakadakila sa lahat
ng imbensyon sa mundo. Ito ay may kapangyarihang magpapabago,
magpapayabong at magpapaunlad ng pagkatao at ng isang bansa. Kahit
sa anumang anyo, pasulat man o pasalita, malaki ang epekto nito sa
ating buhay at maging sa ibang tao. Dahil sa kapangyarihan ng wika,
nagkaroon ng paniniwala, kaalaman, karunungan, kultura at tradisyon
ang mga mamamayan. Samakatuwid, ang wika ay dinadaluyan ng ating
mga ideya at kaisipan na isang dahilan kung bakit nakapagpatayo ang
tao ng sibilisasyon at maunlad na lipunan para sa lahat.

Gamit ang wika, nagagawa ng tao na magpahayag ng kaniyang


nararamdaman at naiisip. Ito ang naging gabay sa pakikipagtalastasan
at pagpapahayag ng damdamin, pananaw, at opinion. Nagagawa din ng
isang tao na masikatuparan ang kanyang balakin at layunin sa buhay
gamit ang wika. Maging sa paghubog ng ating kaalaman at pagkatao,
wika ang ginagamit sa anumang uri at antas ng paaralan sa pagtuturo.
Mula sa simpleng abakada hanggang sa pagkamit ng ating mga
propesyon, wika ang naging patnubay ng ating mga guro. Sa anumang
sigalot, wika ang pinakamalakas na sandata. Lahat ay madadaan sa
mahinahong pag-uusap kapag tamang salita ang ginagamit. Maging ang
mga lider ng ating lipunan ay wika rin ang kanilang kalansag at sandata
para ipahayag ang kanilang plano para sa bansa. Kanilang maibubuklod
ang nabubukod at nagkakawatak-watak. Tunay na makapangyarihan
ang wika sapagkat nagagawa nitong kontrolin at baguhin ang kilos o
gawi at maging ang pananaw ng isang tao.
Mula sa kamusmusan hanggang sa ating pagtanda habang buhay
nating magiging kapangyarihan, instrumento, gabay at sandata ang
ating wika. Lumipas man ang makalupang panahon, ang wika ay
mananatili pa rin. Ang wika ay may kapangyarihan, isang kapangyarihan
at maaring maging iyong kapangyarihan. Maari mong baguhin ang isang
buhay, magbigay inspirasyon sa iba at gawing maganda ang mundong
ito. Hindi ba’t ito naman ang ating gusto? Kaya’t gamitin natin ito nang
tama at panatilihin nating buhay ang ating wika.

You might also like