You are on page 1of 12

EDUKASYON SA

PAGPAPAKATAO
ANG PAMILYA BILANG ISANG
NATURAL NA INSTITUSYON
---MGA IMPLUWENSIYANG HATID
NG PAMILYA
GAWAIN: PASS THE CABBAGE
PANUTO: Sa saliw ng musika ipapasa ng mag-aaral
ang improvised cabbage na may nakasulat na
miyembro ng pamilya sa bawat dahon nito. Pagtigil
ng tugtog, ang mag-aaral na may hawak ng cabbage
ang mag-aalis ng isang dahon at aalalahanin kung
ano ang kontribusyon o aral o impluwensiya ng
kasapi ng pamilya na nakasulat dito at ibabahagi
nito ang epekto sa sarili. Gawin ito hanggang sa
maubos ang mga dahon.
GAWAIN: DAMDAMIN MO, ILAHAD MO
PANUTO: Ilahad ang iyong damdamin sa mga
sitwasyong ito sa pamamagitan ng pagpili sa
emoticon.

1 2 3 4 5
Sitwasyon 1
Dumanas nang matinding pighati si Mang Berto sa
pagkamatay ng kanyang asawa kaya labis ang galit na
kanyang naramdaman sa pumaslang nito. Hindi
naging madali ang pagharap ni Mang Berto sa
nagkasala. Sa kabila ng lahat nagawa pa rin nitong
magpatawad dahil sa matibay na pananampalataya ng
kanyang pamilya.
Sitwasyon 2
Sa labis na karangyaan ay nawala sa tamang landas si Ernie. Naging
magulo ang kanyang relasyon sa pamilya, nalugi ang negosyo at nabaon
sa utang. Kung kani- kanino lumapit at humingi ng tulong hanggang
matulungan siya ng kaibigan at pinayuhang magbalik-loob sa
Panginoon.
Simula noon, araw-araw nang nakiisa si Ernie sa
pagbabahagi ng salita ng Diyos kasama ang kanyang asawang si
Mely at mga anak. Tinuturuan din niya ang tatlong anak na palaging
manalangin at huwag makalilimot sa pagpapasalamat sa buhay at
mga biyayang binigay ng Diyos. Sinisikap din ni Ernie na mailapit sa
Diyos ang iba niyang kamag-anak at kaibigan.
PAGTALAKAY
ANG PAMILYA BILANG ISANG NATURAL NA INSTITUSYON

Ano nga ba ang pamilya?


Ayon kay Pierangelo Alejo (2004), ang pamilya ang pangunahing
institusyon sa lipunan na nabuo sa pamamagitan ng pagpapakasal ng isang
lalaki at babae dahil sa kanilang walang pag-iimbot, puro at romantikong
pagmamahal-kapuwa nangakong magsasama hanggang sa wakas ng
kanilang buhay, magtutulungan sa pag-aaruga at pagtataguyod ng
edukasyon ng kanilang magiging anak. Ayon pa rin sa kanya ang pamilya ay
isang kongkretong pagpapahayag ng positibong aspekto ng pagmamahal sa
kapuwa sa pamamagitan ng kawanggawa, kabutihang loob at paggalang o
pagsunod.
PAGTALAKAY
ANG PAMILYA BILANG ISANG NATURAL NA INSTITUSYON

Ano nga ba ang pamilya?

1. Ang pamilya ay pamayanan ng mga tao ( community of persons) na


kung saan ang maayos na paraan ng pag-iral at pamumuhay ay
nakabatay sa ugnayan.

2. Nabuo ang pamilya sa pagmamahalan ng isang lalaki at babaeng


nagpasyang magpakasal at magsama nang habambuhay.
PAGTALAKAY
ANG PAMILYA BILANG ISANG NATURAL NA INSTITUSYON

Ano nga ba ang pamilya?

3. Ang pamilya ang una at pinakamahalagang yunit ng lipunan. Ito ang


pundasyon ng lipunan at patuloy na sumusuporta rito dahil sa gampanin
nitong magbigay-buhay.

4. Ang pamilya ang orihinal na paaralan ng pagmamahal.

5. Ang pamilya ang una at hindi mapapalitang paaralan para sa panlipunang


buhay ( the first and irreplaceable school of social life).
PAGTALAKAY
ANG PAMILYA BILANG ISANG NATURAL NA INSTITUSYON

Ano nga ba ang pamilya?

6. May panlipunan at pampolitikal na gampanin ang pamilya.

7. Mahalagang misyon ng pamilya ang pagbibigay ng edukasyon, paggabay


sa mabuting pagpapasiya at paghubog ng pananampalataya.
GAWAIN BILANG 1: I-AKROSTIK MO!
Panuto: Gamit ang akrostik, bigyan ng pagpapakahulugan ang
salitang PAMILYA sa kahalagahan nito sa paghubog ng
positibong impluwensya sa bawat kasapi.
RUBRIK SA PAGGAWA NG AKROSTIK
  Napakahusay Mahusay Nangangailangan ng
  (10 puntos) (8 puntos) Pag-unlad
  (5 puntos)
Nilalaman ng Lahat ng letra ay Mayroong 2 Mayroong 4 na letra na
Akrostik nabigyang letra na hindi hindi
kahulugan na naglalarawan naglalarawan sa
naglalarawan sa sa kahalagahan ng
kahalagahan ng kahalagahan positibong
positibong ng positibong impluwensya ng pamilya
impluwensya ng impluwensya
pamilya ng pamilya
Kabuoan
MGA TANONG
1. Ano ang iyong mga natuklasan ukol sa
impluwensiya ng pamilya sa sarili?

2. Bakit mahalagang bigyan ng tuon ang mga


mabubuting karanasan sa loob ng pamilya?

3. Sa iyong palagay, may magandang


naidudulot ba ang pamilyang nagbibigay
ng positibong impluwensiya sa paghubog ng sarili?

You might also like