You are on page 1of 2

Christine Claire S. Moje Mr.

Guiller Dee Salazar


STEM 11-A

Pagsusuri sa Pelikula
My Perfect You

Ang Star Cinema Production at idinerekta ni Cathy Garcia-Molina na My


Perfect You ay tungkol sa isang napapanahong isyu na schizophrenia dagdag pa
dito, ang schizophrenia ay ang kakulangan ng kakayahang tumukoy ng
reyalidad sa kathang-isip lamang. Kahit na sa kasalukuyan ay nagagamot ito, sa
mga manggagawa, manlalaro at marami pang iba, hindi parin matawaran ang
napakalaking epekto nito sa buhay ng may sakit at sa mga taong nasa paligid
niya. Kasunod nito, maaring siya ay layuan at katakutan ng ibang tao gaya ng
nangyari sa pangunahing tauhan.
Lalong nabigyang-buhay ang pelikula dahil sa pagtatanghal ng mga
napakagaling na personalidad na si Gerald Anderson bilang Burn, isang graphic
artist na may schizophrenia gaya ng pumanaw niyang ina, at Pia Wurtzbach
bilang Abi na siyang nagpabalik ng sigla, ngiti at pagmamahal sa sarili ni Burn
sa isang mundong gawagawa lang ng isip niya, ngunit para sa kanya totoo ang
lahat ito.
Mahusay ang pagkakagawa ng iskrip dahil ipinaramdam ng bawat tagpo
ang nararamdaman ni Burn na parang sa puso ng mga manonood ay tunay rin
ang lahat ng mga pangyayari. Walang biro, walang halong alinlangan, totoo at
buhay. Sa kabilang dako, agad naman itong ipinaliwanag ng mga pag-uusap sa
isang kaibigan ng pamilya ng may sakit na si Aris, isang doktor at magaling na
nakumbinse ang mga manonood na guni-guni lamang talaga ni Burn ang lahat.
Ang pelikula ay nakakalungkot sa una, nakakatawa sa sunod, nakakakilig
sa gitna at sadyang nakakaiyak sa huli. At sa bawat damdaming nabanggit,
kasabay nito ang mga napakagandang musikang pinoy. Ilan sa mga ito ay
“Binibini”, “Pinipigil”, at “Ikaw”. Madadala ang kahit na sinong manonood sa
daloy ng istorya at walang hindi maiiyak o malulungkot dahil sa mga tagpo,
bata man o matanda.
Napakaganda ng kapaligiran ng mga kuha sa kamera at ito’y naaayon sa
sitwasyon. Halimbawa nalamang ang madilim na paligid noong nabigo si Burn,
at ang makulay na tanawin sa resort ni Abi na madalas ay makulimlim,
mahangin at maliwanag dahil narin sa dami ng luntian at nagtataasang puno.
Tila ba dinadala ka ng pelikula sa isang matiwasay na lugar upang magpahinga
at damdamin lamang ang saganang biyaya ng kalikasan.
Christine Claire S. Moje Mr. Guiller Dee Salazar
STEM 11-A

Tunay na kapupulutan ng magagandang aral ang pelikula dahil sa


mensahe nito na hindi man perpekto ang pagmamahal ng pamilya mo, totoo ito.
Kahit na anuman ang gawin mo o mangyari sa buhay mo, hinding-hindi sila
mawawala. Umalis ka, bumalik ka, piliin mo man sila o hindi, mahal na mahal
ka nila. At sa bawat pagsubok, ngiti lang, dahil iyang ngiti nayan ang panglaban
mo sa mundo at kaya mong sabihing kakayanin ko. Higit sa lahat, ay ang aral na
mahalin natin ang ating mga sarili, dahil wala nang mas hihigit pang
makakatulong sa ating pagbangon kundi ang pag-alala sa sarili. Nais ko pong
gamitin ang pagkakataong ito upang hikayatin kayong manood ng pelikulang
My Perfect You at sama-sama nating mahalin ang ating mga sarili.

You might also like