You are on page 1of 2

SURING PELIKULA : SEVEN SUNDAYS

PAMAGAT
Ang pamagat ay mahalaga para maakit ang mga tao na manood ng isang pelikula.Ang pamagat ng
pelikula ay nagbibigay ng isang pahiwatig sa kuwento ng pelikula. Ang“Seven Sundays” ay isang
magandang pamagat. Para sa akin, ito ay kaakit-akit sa mgatao. Ito ay nag-uugnay sa pelikula sa paraan
na pitong linggo nalang ang natitira sakanya para mabuhay.

AKTOR
Ang mga actor ang isa sa mga dumadala sa kuwento. Mas pinapaganda nila ang pelikulasa pagpakita ng
kanilang kakayahan sa pag-arte. Pinili at itinadhana ang bawat aktor sakanilang nakuhang pagganap. Sina
madadala ka sa emosyon at kukurutin nila ang iyongpuso.Sina Ronaldo Valdez, Cristine Reyes, Aga
Muhlach, Enrique Gil, Dingdong Dantes,at iba pang mga actor ay madadala ka sa emosyon at kukurutin
nila ang puso mohanggang babasa at babasa ang mga luha mo. Kahit anong kalagayan mo ngayon,
hindimo mapigilan sumabay sa mga emosyon na ina-arte ng mga actor.

PAGDIREHES
Bb. Cathy Garcia-Molina ang director na dumirehe sa pelikulang “Seven Sundays”.Kahit hindi siya
Makita sa isang eksena sa pelikula ay makikita mo pa rin ang galing niyasa pagitan ng pag direk sa mga
actor, at mga tauhan o staffs. Kung hindi sa galing napagdirektor ni Bb. Cathy Garcia-Molina ay hindi
mabubuo ang pelikulang ito. Magandaang pag-ayos ng mga eksena at kwento.MUSIKA Ang musika ay
isang sangkap para maipadala ang mga emosyon sa mga madla. Wastoat angkop ang bawat musika na
ginamit nila. Kung ano ang emosyon, yun din angmadadama mo sa musika na ipinapatugtog. Ang kanta
na tema ng “Seven Sundays “ ay“Batang Bata Ka Pa” na ikinanta ni Daryl Ong. Kung ano ang mensahe
na ibinibigay ngpelikula ay pareho din sa kanta.

SINEMATOGRAPIYA
Ang sinematograpiya ay mahalaga para Makita natin ang mga pangyayari ng mabuti. Itoay maganda pero
hindi sa lahat ng oras ayperpekto at maganda. May mga eksenang masyadong maliwanag para sa akin, at
mayroon ding eksenang masyadong madilim nahindi namakita nang klaro ang mga pangyayari.

MENSAHE
Sa isang industriya ng mga artista na karamihan ay matao sa pamamagitan ng paulit-ulit na mga romansa,
ang
“Seven Sundays”ay isang maligayang pagdating buluwak ngsariwang hangin. Ang pelikulang ito ay
kakaiba at may magandang kuwento.Dapatnating panoodin ito dahilito ay kwento ng isang ordinaryong
pamilyang Pilipino nadumaan sa mga pagsubok sa buhay sa larangan man ng pera, pagsasama
atpagkakabuklod.Ang pelikulang ito ay ginawa hindi sa pamamagitan ng imahinasyonkundi ng puso.
Pinagtatagpi-tagpi ang bawat eksena, kwento at linya ng pag-ibig atpagmamahal.Ang pelikulang ito ang
magpapaalala sa atin na sa kahit anong mangyarisa ating buhay, masama man o mabuti, may mga taong
laging nandyan para sa atinpara sumuporta at akayin tayo pabalik. Minsan kailangan lang natin lumingon
athanapin pabalik ang ating puso sa ating pamilya

You might also like