You are on page 1of 1

OPINYON SA PAGKABUO NG SEVEN SUNDAYS

Sa trailer palang ng palabas ay nakuha na nito ang aking atensiyon dahil minsan mo lang
makikita sa panahon ngayon ang kwento na tungkol sa pamilya. Kalimitan kasi kung ating
mapapansin ay laging patungkol sa pag-ibig. Minsan lang magkaroon ng pelikula sa sinehan na
patungkol sa pamilya.  Napakaganda ng pagkakabuo ng pelikula. Simula sa una ay naipakita nito
ang tunay na mga pangyayari sa buhay ng tao. Kada ipapakita na pangyayari sa pelikula ay may
kahulugan. Maging ang mga pagkain katulad ng pansit, ice cream, cake at letchon ay nabigyan ng
malalalim na kahulugan. Mag kakaugnay ang mga pangyayari, lahat ng mga salita ay halos lahat
ay pinagisipan at ang pagdadala ng mga salita ay may emosyon at tatagos sa puso. Ang bawat
pangyayari sa pelikula ay mayroong mensahe na pinaparating. Halos lahat ng eksena ay tatagos
sa puso ng manunuod. Hanggang sa huli na palabas ay nakakaengganyo na panoorin kasama ang
buong pamilya. Dahil makakarelate ka sa kwento at tumatatak sa puso at damdamin ng buong
pamilya o taong bayan. Hindi pilit ang istorya at kung ikaw ay may sarili ng buhay at naiwan ang
iyong mga magulang na mag-isa itong palabas na ito ay mababalikan mo ang mga ala-ala ng
pamilya  at kung gaano ito kahalaga. 

You might also like