You are on page 1of 1

PAGGANAP NG ARTISTA SA SEVENSUNDAYS OPINYON

Ang bawat tayo ay may kanya-kaniyang opinyon. Ang Seven Sundays ay pinagbidahan ng mga
kilalang aktor at aktress sa industriya ng pelikula. Maging ang direktor nito ay kilalang kilala sa
Pilipinas na gumagawa ng mga pelikula na nakakantig ng puso ng manunuod. Pinagsama-sama ang
magkaibang istasyon upang mas mapaganda ang pelikula at mas makakuha ng madaming manunuod.
Napakahusay ng mga gumanap na aktor at aktress dahil nakuha nila ang simpatya ng manunuod.
Hindi mo pagsisisihan na sila ang mga napili ng direktor. Dahil nakikita mo na para talaga sa kanila ang
role, makikita sa personalidad at pisikal na katayuan nila sa totoong buhay ay ganun na ang kanilang
katangian. Pinili at itinadhana ang bawat aktor sa kanilang nakuhang pagganap. Naipadala ng maayos
ng mga artista ang kanilang mga ginampanan na papel sa pelikula. Walang mga patapon na linya, sa
bawat linya na sinasabi ng artista sa pelikula ay may iba’t ibang emosyon. Sa ganitong paraan
masasabi ko na napagaling ng aktor at ng direktor. Ito ay makatotohanan na nangyayari sa buhay ng
isang pamilya, kaya ang pagganap nila ay totoo na makikita mo sa kanilang emosyon. Makikita dito
kung paano mag-away sa totoong buhay ang magkakapatid at kung paano nila ito solusyonan ng
walang nagkakasakitan. Ang mga aktor ay hindi pilit ang pagganap sa istorya dalang-dala ni Ronaldo
Valdez ang pelikula pati narin si Aga Muhlach at Ding-Dong Dantes na makikita mo na nagkakaroon ng
palitan ng mga emosyon.

You might also like