You are on page 1of 1

PAGSUSURING PORMALISMO SA PELIKULANG SEVEN SUNDAYS

(Cathy Garcia-Molina)

Ano ang masasabi mo tungkol sa pagkakabuo ng pelikula?

Sa trailer palang ng palabas ay nakuha na nito ang aking atensiyon dahil minsan mo lang makikita
sa panahon ngayon ang kwento na tungkol sa pamilya. Kalimitan kasi kung ating mapapansin ay laging
patungkol sa pag-ibig. Minsan lang magkaroon ng pelikula sa sinehan na patungkol sa pamilya.
Napakaganda ng pagkakabuo ng pelikula. Simula sa una ay naipakita nito ang tunay na mga
pangyayari sa buhay ng tao. Kada ipapakita na pangyayari sa pelikula ay may kahulugan. Maging ang
mga pagkain katulad ng pansit, ice cream, cake at letchon ay nabigyan ng malalalim na kahulugan.
Mag kakaugnay ang mga pangyayari, lahat ng mga salita ay halos lahat ay pinagisipan at ang
pagdadala ng mga salita ay may emosyon at tatagos sa puso. Ang bawat pangyayari sa pelikula ay
mayroong mensahe na pinaparating. Halos lahat ng eksena ay tatagos sa puso ng manunuod.
Hanggang sa huli na palabas ay nakakaengganyo na panoorin kasama ang buong pamilya. Dahil
makakarelate ka sa kwento at tumatatak sa puso at damdamin ng buong pamilya o taong bayan. Hindi
pilit ang istorya at kung ikaw ay may sarili ng buhay at naiwan ang iyong mga magulang na mag-isa
itong palabas na ito ay mababalikan mo ang mga ala-ala ng pamilya  at kung gaano ito kahalaga. 

You might also like