You are on page 1of 1

REPLEKSIYON SA PELIKULANG SEVEN SUNDAYS

Ang pelikula ay pinamagatang “Seven Sundays”. Ang bida sa storya na si Tatay


Manuel, ang ama ng magkakapatid na Bonifacio, ay nakitaan ng doktor ng sakit na
cancer sa baga at ito ay ibinalita sa mga anak. Sinabi ng doktor na siya ay tinatantiyang
mabubuhay lamang ng dalawang buwan. Nang sinabi ni Tatay Manuel sa mga anak
ang sitwasyon nito, napagdesisyunan na sundin ang hiling ni Tatay Manuel. Marami
akong nakuhang aral sa pelikula at ito ang aking mga reaksiyon.
Ipinakita ng pelikula sa akin ang kahalagahan ng bawat pamilya at itinuro nito
nadapat ay maging mapagpasalamat tayo sa bawat oras na lumilipas na kapiling ang
ating mga mahal sa buhay. Tumagos ang istorya ng pelikula sa akin
sapagkat ito ay nakasentro sa pamilya kaya naman nasasabik ako sa kwento.
Marami ang matututunan ko sa pelikulang Seven Sundays at makatutulong ito
sa sa mga manonood lalo na sa mga anak na mas lalo nilangituon ang oras nila sa
kanilang mga magulang dahil darating ang panahon nalilisan din sila sa mundong
ito. Dapat ang mga magkakapatid ay magtulungan at magkasundo sa anumang
sitwasyon upang ang mga magulang ay maging masaya. Sa huli, piliinparin ang mga
mahahalagang bagay sa buhay, at yun ay ang iyong pamilya. Sa huli, maganda rin na
umpisang nagka-ayos ang dalawang magkapatidmuna hanggang sa naging tatlo,
hanggang sa naging apat dahil ito ay masmakatotohanan kumpara sa
magkikita silang lahat at magkakaayos na palagingnangyayari sa ibang mga pelikula.
Isang malaking parte rin ng pelikula nang sabay-sabay silang bumisita sa puntod
ng kanilang ina dahil naipakita rito na kahitmalalaki na sila at maraming
problema, babalik at babalik pa rin sila sa kanilangmga magulang upang humingi
ng kalakasang magpatuloy at makipag-ayos sa kanilang mga kapatid.
Ipinakita ng pelikula na sa panahonng problema ay dapat na magtulungan ang
buong pamilya. Anuman ang mga isyu o hindi pagkakaunawaan ng mga magkakapatid,
piliin parin na magpakumbabaang magpatawad.

You might also like