You are on page 1of 5

1.

Pagpapahayag ng Damdamin (Emotive) - May isang taong matagal mo


nang lihim na minamahal subalit hindi mo masabi sa kanya ang
damdamin mo. Ilahad ang sasabihin mo sa kanya kung sakaling
magkaroon ka ng lakas ng loob na ipahayag ito.

“Magandang araw, Ginoo. Nais ko lamang bigyan ng pansin ang


aking nararamdaman. Matagal ko na itong nililihim, ngunit ito na ata ang
pagkakataon upang malaman mo. Sa palagay ko, mahal na ata kita.
Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman, sa bawat umaga na
nakikita kita parang may iba. Ikaw ang bumubuo ng bawat araw na aking
kinahaharap. Hindi ako humihiling ng kahit ano mang kapalit, dahil hindi
ko naman kayang kontrolin ang iyong puso’t damdamin, ngunit ito nga
lang ang aking nais sabihin. Mahal kita, higit pa sa pagiging matalik na
kaibigan. Mahal kita, at walang kahit na ano mang dahilan. Mag-iingat ka
palagi.”

2. Panghihikayat (Conative) - Gusto mong hikayatin ang mga producer at


direktor ng pelikulang Pilipino upang bumuo ng matitino at mahuhusay na
pelikula tulad ng Heneral Luna sapagkat sawang-sawa ka na sa mga
paksang paulit-ulit na tinatalakay sa pinilakang tabing. Paano mo sila
hihikayatin?

Alam nating lahat na ang mga pelikula ay isa sa mga kinikilalang


sining kasama ng pagpipinta, eskultura, musika, drama at arkitektura na
nagbibigay ng yaman sa ating pamumuhay. Sa kasalukuyan, ang pelikula
ang may pinakamalawak na impluwensya at kaya nitong magtanim ng
aral, o karahasan sa mga manonood. Kung kaya’t sa pabago-bago at
patuloy na pag-usbong ng mga pelikula at kung minsa’y hindi na
nabibigyan ng importansya ang mga pelikulang Pilipino, ito pa ba’y
makabubuti sa mga bata, o sa bawat indibidwal?

Inilahad ni G. Manuel L. Quezon (1966), sa isang artikulo ang


panganib na dulot ng panggagaya ng mga pelikula sa labas ng bansa
kahit noon pang nakaraang taon. Sinabi na rin na isang halimbawa ng
ating pagbabago at ng panggagaya sa masamang hangaring banyaga:
ang ating putting tabing. Dagdag pa niya ay kung gagamitin ng mga
gumagawa ng pelikula ang kanilang talion upang gumawa ng mainam at
karapat-dapat na pelikula, kikita rin sila, at baka sakali lalong lalaki ang
kanilang kikitain.
Gayunpaman, ‘wag nating isantabi ang mga pelikulang Pilipino,
dahil hindi lamang ito nakukuha sa uso. Kung magiging ganito na ang
daloy ng sining, paano na ang mga susunod na henerasyon? Marahil ay
hindi na nila alam ang mga pangyayari noon, at ang tanging nakatanim
na lamang sa kanilang isip ay ang mga pelikulang kinuha at minana na
lamang natin sa mga banyaga.

3. Pagsisimula ng pakikipag-ugnayan (Phatic)- Isang bagong lipat na kamag-aral


ang nakita mong nag-iisa at wala pang kaibigan. Lumapit ka at nagsimula ng
usapan para mapalagay ang loob niya.

“Magandang araw! Ako nga pala si Joana, ikaw? (sasagot)Nananabik akong


makilala ka. Taga-riyan lamang ako sa kabilang barangay, kung kaya’t dito ako
nag-aaral para mas malapit. Ikaw, taga-saan ka? (sasagot). Oh! Magkalapit pala
tayo ng barangay, maaari tayong magkita kahit ano mang araw at oras. May
gagawin ka ba pagkatapos ng klase? Maaari ba tayong kumain, d’yan lamang
sa may canteen, para naman mas makilala pa natin ang isa’t isa. (sasagot) Kung
gayon, lapitan nalang kita mamaya. Huwag kang matakot o mahiya, simula
ngayon ay kaibigan mo na ako. Mag-iingat!”

4. Paggamit bilang Sanggunian (Referential) - Lagi mong sinasabi sa


kapatid mong tigilan na niya ang labis na pagkain ng fastfood dahil hindi
ito nakabubuti sa kalusugan. Ngayon ay gumamit ka ng sanggunian para
makita niyang hindi mo lang opinyon ang sinasabi mo sa kanya kundi
may sangguniang nagpapatunay nito.

Ayon sa pag-aaral ng American Journal of Clinical Nutrition noong


2011, ang mga taong madalas kumain ng junk foods ay humihina ang pag
mememorya at nahihirapang umintindi sa pag-aaral, dahil nakakabagal
ito ng pag-iisip at sinisira nito ang mood ng isang tao.

Gayundin, nagkaroon ng pag-aaral ang Public Health Nutrition,


taong 2012. Ayon sa kanila, ang pagkain ng fast food ay nakakapagdulot
ng depresyon. Kumpara sa mga taong hindi gaanong kumakain nito. Ang
mga taong madalas kumain ng mga ganitong uri ng pagkain ay mas
madaling kapitan ng depresyon dahil sa mga sangkap na matatagpuan
sa mga ganitong uri ng pagkain.

Mula rin sa artikulo na matatagpuan sa Current Drug Abuse Review


noong Septyembre 2011, may mga pag-aaral din na nagsasabing ang
pagkain daw ng fast food ay nagbibigay adiksyon sa isang tao.
5. Paggamit ng kuro-kuro (Metalingual) - Ang buwis na binabayaran sa
Pilipinas ay pinakamataas sa buong Asya subalit hindi nararamdaman ng
karamihan ang serbisyong ibinabalik sa taumbayan kapalit ng mataas na
buwis na ito. Magpahayag ka ng iyong kuro-kuro kaugnay ng usaping
ito.

Dito sa bansang Pilipinas ay tungkulin na ng bawat Pilipino ang


pagbabayd ng buwis, ngunit hindi ito maramdaman ng mga Pilipino at
ang mga benepisyo nito. Para sa akin, isa sa mga dahilan diyan ay ang
pagbabayad nang ating bansa ng utang sa World Bank at International
Monetary Bank. Bagamat, binabayaran pa lamang ng Pilipinas ang
Prinsipal at wala pa ang Interes. Sa aking palagay ay aabot na ang utang
ng Pilipinas sa mahigit-kumulang halagang 400 trilyones. Pangalawa, sa
kadahilang mas lumulubo ang korupsyon na nakaupo sa pwesto. May
mga pulitikong nagsasamantala at ibinubulsa ang yaman ng bansa, at ng
taumbayan. Pangatlo, ay ang hindi pantay na distribusyon ng perang
buwis sa mga pangangailangan ng mamamaya sa mga ahensyang
namamahala rito. Dito papasok ang mas malaking budget ang binibigay
sa militarisasyon at seguridad at sa imprastraktura kaysa sa edukasyon,
pangkalusugan, trabaho, at agrikultura. Kung mas maayos at organisado
lamang ang pamamahala ng gobyerno rito sa ating bansa, at kung inuuna
lang sana ng gobyerno ang pangangailangan ng bawat indibidwal ay
matatamo sana natin ang benepisyo sa ating pagbabayad ng buwis.

6. Patalinghaga (poetic) - Lumikha ka ng pagpapahayag ng iyong


damdamin para sa taong iyong minamahal sa patalinghagang paraan.
Maaaring isang maikling tula ang ialay mo para sa kanya.

BIYAYA NG MAYKAPAL

Sa bawat araw, at akin ng sisimulan ang bawat umaga


Tanging larawan mo, ang hinahanap sa tuwina
Hindi ko mawari, na ikaw na pala’y akin ng pagmamay-ari
Mahal, simula ngayo’y saiyo na’y mananatili

Hawak-hawak ang pangako na tinanim mula no’ng una


Alam kong ang nararamdaman natin ngayo’y pansamantala
ngunit mahal, kung dumating man ang araw na ang iyong
nararamdama’y nabura
isipin mong para sa akin, ikaw ay naging biyaya.

Ikaw ang binatilyong bumuo sa wasak kong mundo


Ikaw lang ang tumanggap sa akin ng buo
Hinintay, at naging isang panalangin na aking tinago
At ngayo’y ibinigay na ng maykapal, ang aking inaasam na regalo

Ngayon, bukas at maging sa wakas


Ipinapangakong mamahalin ka ng wagas
Kasama ka sa sakit, poot, at maging sa paghalakhak
Tayo, simula ngayon hanggang sa walang hanggan.

You might also like