You are on page 1of 4

SUBUKIN

1. ❤ 6. ⭕

2. ❤ 7. ❤

3. ❤ 8. ❤

4. ❤ 9. ⭕

5. ⭕ 10. ⭕
SURIIN
Suriin ang posisyong papel. Isaalang-alang ang mga sumusunod na gabay sa
pagsusuri. Maaaring gumamit ng hiwalay na papel para sa pagsusuri.
1. Ang paksa ng nasabing posisyong papel ay tungkol sa pahayag para sa pagpapatibay ng
Wikang Filipino bilang mga sabjek sa kolehiyo Departamento ng Filipino at Panitikan ng
Pilipinas.
2. Ang sumulat nito ay mga Propesor ng Departamento ng Filipino at Panitikan ng
Pilipinas (Kolehiyo ng Arte at Literatura sa Unibersidad ng Pilipinas, Diliman).
3. Sa nasabing posisyong papel, ang mga may taliwas na paninindigan ay ang mga guro
ng wika, manunulat ng saliksik at panitikang Filipino, kasama na kanilang mga kapwa
guro, manunulat, mananaliksik, at artistang nagmamahal sa wika at kaalamang Filipino.
4. Ang mga naninindigan ay tumututol sa pagbabago sa siyam na yunit na kahingian sa
wikang Filipino sa General Educaton Curriculum ng Commission on Higher Education
(CHED) sa pamamagitan ng ipinalabas ng CHED Memorandum Order No. 20, Series of
2013. Nasabi rin nila rito na dapat ituro ang Filipino bilang regular na kurso sa antas ng
tersyarya.
5. Ano-ano ang ginamit na katuwiran para suportahan ang paninindigang ito?
 Una, sinabi ng mga naninindigan ay tinatanggal nito ang katiyakan ng magamit at
maituro ang wikang Filipino sa kolehiyo.
-- Ang kunwa’y paglalatag ng mga kursong GE na maaaring ituro kapwa Filipino at
Ingles ay lilikha lamang ng kompetisyon sa dalawang wika
 Pangalawa, hindi nito kinikilala ang pag-aaral ng Wikang Filipino bilang isang
lehitimong dominyo ng karunungan.
-- Binabalewala ng ganitong pagtingin ang integridad ng wikang Filipino.
 Pangatlo, ang bagong GE curriculum ay tahasang pagbabalewala sa kasaysayan ng
wikang pambansa, at ang mapagtakdang papel ng wika sa pagpapaunlad ng isang
bayan.
-- Ang wikang Filipino ay identidad ng Filipino. Pananaw at kamalayan ang wikang
Filipino, marapatdapat lamang na huwag tanggalin ito.
 Pang-apat, ang pagtatanggal ng siyam na yunit ng Filipino sa kolehiyo ay isang anyo
ng karahasang pangkamalayan.
--Nilulusaw nito ang pagpapahalaga sa kasaysayan at kabihasnang tanging wikang
Filipino ang makapagpapaliwanag.
6. Bilang mambabasa ng posisyong papel na ito, ako ay kumbinsido. Lahat ng katuwiran
at pati na rin ang pagpapaliwanag rito ay totoo, di kadu-duda at nagdadala lahat ng
katumpakan. Sapat na ito para sakin dahil nahimok ako sa mga paliwanag nito at
naipakikilala ng may-akda ang kanyang kredibilidad sa posisyong papel na ito.
7. Ang hinihiling aksyon ng posisyong papel na ito ay, ang publiko ay mahimok at
makumbinsi na tumutol rin sa pagbabago sa siyam na yunit na kahingian sa wikang
Filipino sa General Educaton Curriculum ng Commission on Higher Education (CHED).
Magkaroon sana ng malalim na kaalaman ang publiko na ang pagtatanggal ng wikang
Filipino sa tersyarya paglapastangan sa pagpapahalaga sa kasaysayan, karunungan, at
diwa ng kasarinlang mahabang panahong ipinaglaban at nilinang ng mga naunang
salinlahi ng mga Filipino.
8. Ang General Educaton Curriculum ng Commission on Higher Education (CHED). Na
sanay Ibasura ang CHED Memorandum Order No.20. Series of 2013. Higit pa rito ay ang
maisapubliko ang nagawang posisyong papel upang magkaroon ng malalim na
pagkakaunawa ang mga Pilipino sa kaganapang isyu na ito.
9. Bilang isang mag-aaral, nahikayat ako sa paninindigan ng posisyong papel. Dahil sa
una pa lang, ako rin ay tutol sa pagsasawalang bahala sa Wikang Filipino bilang sabjek sa
kolehiyo. Para sa akin, mas naipaliwanag na lamang nito na kung bakit kailangan talagang
ipabasura ang CHED Memorandum Order No.20. Ang mga paliwanag ay totoo at
nagtataglay ng kredibilidad na siyang nakakahikayat ng mga tao upang makumbinsi ang
mga ito.
PAGYAMANIN

ISYU: PAGSASALEGAL NG ABORTION SA PILIPINAS


AKING PANININDIGAN:
Ang abortion ay isang paraan ng pagkitil ng buhay ng sanggol mula sa
sinapupunan ng kanyang ina. Ang aborsyon ay madalas na inilalarawan at inaasosiya na
akala mo ay bago, na bunga ng modernong panahon, ngunit samakatuwid ay nagsimula na
noong unang panahon pa. Bilang indibidwal na mamamayan na isang naninirahan sa
bansang Pilipinas na ating bansang ginagalawan, ako ay mahigpit na sumasalungat sa
paksang pagsasalegal ng abortion.
Una sa lahat ay maraming nilabag ang abortion kapag mapapasalegal ito sa ating
bansa, isa na rito ang karapatang pantao na nasa ilalim ng batas ng Pilipinas at ang batas
ng ating Panginoon. Ang pagkitil o pagpigil sa isang tao kahit hindi pa ito nasisilang at
nasa sinapupunan pa ito ng babaeng nagdadalang tao ay malaking kamalian o kasalanan
sa ating Panginoon at batas ng Pilipinas.
Pangalawa ay sa batas ng ating bansa, kung ang abortion o pagpapalaglag ay iyong
ginawa ay nangangahulugan na malinaw na ikaw ay lumabag sa ating batas tungkol sa
Karapatang Pantao. Mula sa pandaigdigang pagpapahayag ng mga karapatang pantao ay
nakasulat sa Artikulo 3 na ang bawat tao ay may karapatan sa buhay, kalayaan at
kapanatagan ng sarili.
Ang abortion ay hindi makatarungan at makataong paraan upang masolusyunan
ang problema ng isang taong may dinadala sa sinapupunan. Ang tanging paraan ay
tanggapin ito ng maluwag sa puso, maging ito man ay bunga ng intensyon o hindi
inaasahan. Dapat nga ay ipagpasalamat mo ito sa Maykapal sapag pinagkatiwalaan at
ipinagkalooban ka niya ng isang regalo. Sabi nga nila “Babies are always a blessing”,
sapagkat sila ay mga Anghel na nagdadala ng mga ngiti at lunas sa kalungkutan sa loob ng
isang tahanan. Ito ang mga dahilan upang ako ay magsabi na hindi dapat mapapasalegal
ang abortion lalong-lalo na sa ating bansa.

ISYU: TEENAGE PREGNANCY


AKING PANININDIGAN:
Ang teenage pregnancy o maagang pag bubuntis ng mga babae sae dad ng 15
hanggang 19 ay isa sa mga isyung kinakaharap ng pilipinas at ng buong mundo. Sa
kasalukuyan parami na ng parami ang nagiging bilang ng na bibiktima nito. Dalawa sa
mga dahilan ng mga kabataang nabubuntis ay ang pagkasira ng kanilang buhay pamilya
at kawalan ng maayos na female role models sa kanilang tahanan. Maliban dito, marami sa
mga teenage mothers ay maralita, at maraming eksperto ang nagsasabi, ang teenage
pregnancy ay simtomas ng kahirapan.
Unang una, malaki ang epekto nito sa buhay ng batang magsisilang at isisilang.
Marami sa mga teenage mothers ay tumitigil mag-aaral, bago pa man mabuntis, o habang
buntis. Marami sa kanila ay mahihirapan ng mag-aral pa o maghanap ng kasanayan dahil
sa kanilang bagong obligasyon. Ang sanggol at ang ina ay maghihirap, at papahabain uli
ang siklo ng kahirapan ng kanilang pamilya.
Pangalawa, tumataas nga ang bilang ng mga teenagers na namamatay dahil sa
pagbubuntis. Ang teenage pregnancy ay malaki ang implikasyon sa health care ng bansa.
Ito ay isang malaking health risk. Ang murang edad ng mga teenagers ay hindi lamang
nangangahulugan na hindi pa sila hinog sa pag-iiisip. Ang kanilang katawan ay hindi pa
rin handa sa mabilis na pagbabago na kaakibat ng pagbubuntis.
Nais ko na lamang ibahagi na sa bawat kilos na ating gagawin ay laging may
kaakibat ito na responsibilidad. Responsibilidad na dapat alam natin sa sarili natin.
Sapagkat tayo rin at walang ibang sinuman ang magsasakripisyo sa mga maling desisyon
na ating gagawin. Hindi kailanman mali ang magmahal, hangga’t alam natin ang ating
limitasyon at ang tama sa mali. Hindi rin mali ang magbuntis, ngunit dapat alam natin ang
tamang panahon para dito. Lagi sana nating tandaan na ang lahat ng bagay ay mas
gaganda at masaya kung ito ay naaayon sa tamang panahon at sa tamang pagkakataon.

ISYU: DEATH PENALTY


AKING PANININDIGAN:
Ang parusang kamatayan ang pinakamabigat na hatol kung saan ang gobyerno an may
hawak ng iyong buhay ngunit ito'y nakadepende sa kasalanang iyong nagawa o bigat. Sa
United States, kapag ikaw ay nakagawa ng karumal-dumal na krimen ay maari kang
maparusahan ng kamatayan kung ito'y mapapatunayan, pati na rin sa mga bansang
nagpapatupad nito.
Sa duma-daming mga kriminal, rapist, drug , traffickers , mga magnanakaw , mga
teroristang walang takot na pumapatay at gumagawa ng lagim , kidnappers, at carjackers ,
at ang riding in-tandem kung saan walang awang pumapatay; Sa kasamaang palad ang
kadalasang sangkot dito ay mga pulis.
Sa pagpapatupad nito maaaring ang kinabukasan ng mga sumusunod na henerasyon ay
maisalba mula sa hindi kanais-nais na nangyayari sa ating lipunan. Pati na rin sa
pagkakaroon ng patas na batas sa mga ibang bansa. Kaya kung ito'y maipapatupad sa
ating bansa kung sinuman ang makagagawa ng krimen maging pinoy, dayuhan o toresta
ay mapaparusahan ng parusang kamatayan, dahil ang batas ay walang kinikilingan at
walang pinoprotektahan dapat lahat ay patas. Upang pagkakaisa ay makamit.
Ito ay isa tungo sa pagbabago ng mga tao. Mas-uusigin ng mga tagahatol ang mga tao
upang sa gayon , mas maibigay ang akmang kaparusahan rito. Ang death penalty ay
magsisilbing isang patnubay na batas na dapat sunduin upang ang mga kriminal ay
matakot na kalabanin ang gobyerni at gamitin ang kasaman laban sa mamayan, dahil
kapag may death penalty , hindi lang mababawasan ang krimen , makakatulong pa ito na
makapanghikayat ng tao na huwag nang ituloy ang krimen na maari niyang gawin.

TAYAHIN

1. ☹ 6. 🙂 11.🙂
2. 🙂 7. ☹ 12. 🙂
3. 🙂 8. 🙂 13. ☹
4. 🙂 9. 🙂 14. ☹
5. ☹ 10. 🙂 15. 🙂

You might also like