You are on page 1of 2

REAKSYONG PAPEL

“Sulong Wikang Filipino: Edukasyong Pilipino, Para Kanino?”

Pangalan: Renoa Jules A. Rosatase Kurso at Seksyon: BSCS 1 – 3

Naging mabisang kasangkapan ang bidyong “Sulong Wikang Filipino: Edukasyong Pilipino,

Para Kanino?” upang hilahad ang naging mga hakbang ng gobyerno ukol sa edukasyon sa Pilipinas at

ang mga salik tungkol sa bagong kurikulum.

Sa tingin ko ang mga nilahad ng mga tagapagsalita sa bidyong aking napanood ay mayroong

katotohanan ngunit di ako sangayon sa ilang paksa na kanilang tinuran. Ang edukasyon ay mahalagang

bagay para sa bawat tao kaya’t pilit itong pinapaunlad ng administrasyon, isa na dito ang pag

implimenta ng "K to 12 program" sa ilalim ng Batas Republika 10533. Sa batas na to ay may malaking

pag babago ang basic education sa bansa. Tinuran sa bidyo na kapag ang pinili mo ay tech- voc hindi

kelangan mag hangad ng masyadong mataas at makuntento nalamang, bilang isang estudyante marami

akong nakasalamuhang kamagaral na walang sapat na kakahayan maka tungtong ng kolehiyo kaya aking

naiintindihan inilatag ito sa bagong kurikulum upang tulungan ang mga batang walang kakayahan

makatungtong ng kolehiyo. Ngunit sangayon ako sa tinuran nya ukol sa mga posibilidad na maging

epekto ng inilabas na Ched Memo 20s. 2013, nakapaloob dito ang memorandum na ito na asignaturang

Filipino ay hindi na ituturo sa mga estudyante pagkatungtong nila ng kolehiyo para sakin pinapatay ng

memorandum na ito ang wikang pambansa sapagkat imbes na palaganapin pa ang wikang filipino na

sumusimbolo sa ating bansa pinalitan ng wikang ingles, nauunawaan ko kung bakit nila nais itong

ipatupad ngunit hindi makatarungan para sakin na tanggalin ang wikang filipino sa mga asignatura sa

kolehiyo at ilipat ito sa bagong kurikulum. “Ang kalaban natin ay hindi ang wikang Ingles kundi ang
mentalidad na tayo ay uunlad sa Ingles,” ang mga katagang ito ni Dr. Flores. at duon ko napagtanto na

masyadong naghahangad ng mabilis na pagunlad ang gobyerno kaya mas ninanais nilang baliwalain ang

sariling wika kesa mas ipaghusay ang paggamit nito. Totoo na maraming mamamayan ang

maapektohan ng isyung ito at kahit mismo ako ay di sangayon sa bagong kurikulum. Dapat nag bigay

sila ng konsederasyon sa mga guro na nag tuturo ng asignaturang filipino dapat mas mapahusay ang

paggamit ng wikang pambansa para sa mga susunod na henerasyon ay manatili ang ating sariling wika

dahil ang ating sariling wika ay syang kumikilala sa ating bansa o kultura ng pagiging isang Pilipino.

Makapangyarihan ang isang wika ito ang pagkakakilanlan ng isang bansa. Ang kabataan ang pag

asa ng bayan, sila lamang ang may kakayahan na ipaglaganap ang wikang Filipino sila ang

magpapamalas sa mundo ng ating sariling kultura kaya marapat lamang na matutunan nila , ipagmalaki

dapat ang sariling atin at magsalita sa sariling wika ng buong puso.

You might also like