You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV – A CALABARZON
City Schools Division of Cabuyao
Cabuyao Integrated National High School
City of Cabuyao, Laguna

SUMATIBONG PAGSUSULIT SA IKALAWANG MARKAHAN FILIPINO-8

 KOMPETENSI: Napipili ang mga pangunahin at pantulong na kaisipang nakasaad sa


binasa.
 PANUTO: Piliin sa loob ng bawat teksto ang mga panunahin at pantulong na
kaisipan. (5pts.)

a. MARAMING karumal-dumal na krimen na nangyayari ngayon sa ating bansa. Sa higpit ng


kampanya ng gobyerno sa illegal na droga kaliwa’t kanan pa rin ang nahuhuling gumagamit at
nagbebenta nito. Ang mga kawatan lilimasin na lang ang laman ng bahay at hindi ko maintindihan
kung bakit kailangan pang patayin ang mga biktima. At ang pinakamatindi, ang mga alagad ng batas
ay nilagyan ng butas ang batas. Sa nagaganap na ito sa kapaligiran, isa lang ang nakikita kong
solusyon, ibalik ang death penalty.

Tamang pagkakataon sapagkat wala nang kinatatakutan ang mga taong gumagawa ng krimen. May
dahilan ang mga gago makulong man sila ay patuloy pa rin ang negosyo nila sa labas. Kung diretso
bitay ang mga ‘yan natuldukan na ang kanilang kawalanghiyaan.

Tiyak maraming tututol sa death penalty. Una na riyan ang Simbahang Katoliko pero wala naman
silang magawa ‘di ba? Bakit, kaya ba nilang pawiin ang sakit na nararamdaman ng mga biktima?
Maibabalik ba nila ang buhay ng kagagawan ng mga criminal? Pag nahuli ang mga salarin gagastos
pa ang gobyerno sa pagkain, elektrisidad at tubig. Masyado ng masikip ang mga kulungan ngayon
siksikan na sila, nagkakahawahan na ng iba’t ibang klaseng sakit kaya para sa akin yung may mga
mabibigat na sentensiya, bitayin na lang.

PANGUNAHING KAISIPAN:

PANTULONG NA KAISIPAN:

b. MAYNILA – Umabot na sa mas maraming bansa ang bagong variant ng COVID-19 virus na unang
nakita sa United Kingdom (UK).Ang unang kaso nito sa Amerika ay mula sa isang lalaking wala
umanong travel history habang naitala ng Taiwan ang unang kaso nito mula sa isang pasaherong
umuwi galing Britain noong Linggo.Umabot na rin ang bagong variant sa Chile mula sa isang
babaeng galing London noong nakaraang linggo.Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III,
nakatutok na ang Philippine Genome Center, Research Institute for Tropical Medicine (RITM) at
National Institutes of Health ng UP sa pagsusuri ng mga sample ng COVID-19 patients.
Ayon naman sa executive director ng Philippine Genome Center na si Cynthia Saloma, nasa
laboratoryo na nila ang mga sample."Pinagsasabay-sabay natin 'yung mga sample ng nag-positive sa
airport, pati na rin November and December samples... Probable middle of January or after the first
week of January malalaman natin kung meron tayo o wala," ani Saloma.
Dagdag ni Saloma, kailangan pang aralin kung epektibo pa rin ang mga na-develop nang bakuna
laban sa bagong variant ng COVID-19.Sa palagay ni Saloma, hindi maiiwasan ang pagpasok ng
bagong variant sa bansa bagaman mapipigilan ang pagkalat nito kung maika-quarantine agad ang
mga biyahero. Nasa 20 bansa na kabilang ang UK at US ang sakop ng travel restrictions na
nagsimula na ngayong araw at tatagal hanggang Enero 15 para maiwasan ang pagpasok ng bagong
variant.

PANGUNAHING KAISIPAN:

PANTULONG NA KAISIPAN:

 KOMPETENSI: Nakapaglalahad sa paraang pasulat ng pagsang-ayon at


pagsalungat sa isang argumento.

RUBRIK SA INAASAHANG PAGGANAP

PAMANTAYAN PUNTOS NAKUHANG PUNTOS


PAKSA 5PTS.
NILALAMAN 5PTS.
PAGGAMIT NG MGA 10PTS.
HUDYAT SA PAG-SANG-
AYON AT PAGSALUNGAT.
SANGKAP SA PAGSULAT 5 PTS.
NG TALATA
KABUUAN: 25PTS.

 Panuto: PAKSA: “DAPAT NA BANG IPATUPAD ANG FACE TO FACE LEARNING”


BINUBUO NG 3 TALATA AT 7-10 PANGUNGUSAP BAWAT
TALATA.SALUNGGUHITAN ANG 10 GINAMIT NA HUDYAT SA PAGPAPAHAYAG
NG PAGSANG-AYON AT PAGSALUNGAT.

 KOMPETENSI:Naipahahayag ang pangagatwiran sa napiling alternatibong solusyon


o proposisyon sa suliraning inilahad sa tekstong binasa.

 Panuto: Ipahayag ang pangangatwiran sa napiling alternatibong solusyon o


proposisyon sa suliraning inilahad sa tekstong binasa.

MAYNILA - Binawi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kautusan na magkaroon ng face-to-face


classes pagdating ng taong 2021. Plano sana itong gawin sa mga paaralan sa lugar na may
mababang banta ng pagkalat ng coronavirus. "I will not allow face-to-face classes of children until we
are through with this... The nature of the germ we are confronting,” ani Duterte sa isang meeting. 
Naghahanda na sana para sa dry run ang Department of Education. Pero giit ni Duterte, may
pangambang posibleng kaharapin ang mga kabataan na papapasukin sa mga paaralan sa susunod
na taon. "I am cancelling the order I gave few days ago, few weeks ago to Sec. Briones of the
Education Department to suspend everything, all activities of children especially face-to-face classes,"
ani Duterte. Iniutos ito ni Duterte matapos matuklasan ang bagong strain ng coronavirus disease sa
United Kingdom, na pinaniniwalaang mas nakakahawa. Matatandaang sa bahay nag-aaral ngayon
ang mga kabataan, sa pamamagitan ng modular o kaya online learning para mapigilan ang pagkalat
ng corona virus.

SULIRANIN PANGANGATWIRAN MUNGKAHING


SOLUSYON
 KOMPETENSI:Naibibigay ang denotatibo at konotatibong kahulugan, kasing kahulugan at
kasalungat na kahulugan ng malalalim na salitang ginamit sa akda.

 Panuto: Ibigay ang denotatibo at konotatibong kahulugan ng mga salitang ginamit sa akda.
a. Kulay-ginto

DENOTATIBONG KAHULUGAN:

KONOTATIBONG KAHULUGAN:

b. Mapagbalat-kayo

DENOTATIBONG KAHULUGAN:

KONOTATIBONG KAHULUGAN:

c. Nakagapos

DENOTATIBONG KAHULUGAN:

KONOTATIBONG KAHULUGAN:

 Panuto:Ibigay ang mga hinihingi ng bawat bilang.

1. Sino ang ama ng Sarsuwelang Tagalog?


2. Sino ang tinaguriang Reyna ng Sarswela sa Pilipinas?
3. Ano ang pangalan ng grupo ng mga unang sarswelista sa Pilipinas?
4.- 6. Ano ang kadalasang paksa ng sarsuwela?
7.Anong klaseng dula ang Sarsuwela?
8-9. Sino ang dalawang taong nagpakilala ng sarsuwela sa Pilipinas?
10. Saan nagmula ang pangalang sarsuwela?

 Panuto; Pumili ng isang programang pantelebisyon (dulang pantelebisyon) at ihambing ito sa


Sarsuwela gamit ang dayagram.

You might also like