You are on page 1of 3

PAGPAPAHAYAG NG KATOTOHANAN, HINUHA, OPINYON AT PERSONAL NA

INTERPRETASYON

1. KATOTOHANAN
 Ito ay isang pahayag na nagsasaad ng ideya o pangyayaring napatunayan at
tanggap ng lahat. Hindi ito nagbabago o maaring patunayan ang
pagkamakatotohanan nito sa ibang sanggunian tulad ng babasahin at ng mga taong
nakasaksi nito. Ginagamitan ito ng mga panandang: ayon sa/kay, batay
sa/kay,resulta ng,pinatutunayan ni,mula sa/kay,sang-ayon sa/kay

HALIMBAWA: Ayon sa DEPED, ang naturang bilang ng mga mag-aaral na nagpatala sa


nakarang taon ay umabot lamang sa 75%.

2. HINUHA
 Ito ay batay sa mga bakas, hudyat, palatandaan, ebedensiya o implikasyong
ipinapakita sa isang kuwento, akda o pangyayari.

HALIMBAWA: Hindi na magkakaroon ng pandemya sa susunod na taon.

3. OPINYON
 Ito ay pananaw ng isang tao o grupo ng mga tao na puwedeng totoo o pasubalian
lamang, batay lamang ito sa kanilang obserbasyon at eksperimento. Maararing
gumamit ng mga pananda na sa aking palagay, sa tingin ko, sa nakikita ko, sa
pakiwari ko, kung ako ang tatanungin, sa ganang akin, para sa akin.

HALIMBAWA: Sa pakiwari ko nararapat lamang na taasan ang sahod ng mga


manggagawang Pilipino sa bansa dahil na rin sa tumataas na bilihin at pangangilangan.

4. PERSONAL NA INTERPRETASYON
 Tumutukoy ito sa sariling pagtingin o pananaw matapos niyang basahin, makita at
masaksihan ang isang bagay o pangyayari. Ang mga sagot sa kategoryang ito ay
hindi tuwirang nakalahad sa teksto ngunit nakapahiwatig lamang.

HALIMBAWA: Dapat lamang komunsulta sa isang Doktor ang taong nakararanas ng sakit
na Covid.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV – A CALABARZON
CITY SCHOOLS DIVISION OF CABUYAO
CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL
CITY OF CABUYAO, LAGUNA

Activity Sheet Blg. 5

Pangalan: ________________________________________ Petsa: ______________


Baitang at Pangkat: ________________________________

Pagpapahayag ng Katotohanan, Hinuha, Opinyon at Personal na Interpretasyon

MELC: Napag-iiba ang katotohanan (facts) sa hinuha (inferences), opinyon at personal na


interpretasyon ng kausap. (F8PN-IIId-e-29)

Gawain sa Pagkatuto blg. 1

Panuto: Tukuyin ang mga sumusunod na ideya kung ito ay katotohanan, hinuha, personal
na interpretasyon o opinyon.

_______1. Batay sa resulta ng isinagawang pag-aaral ng mga eksperto magkakaroon ng


epekto sa katawan ng tao ang bakuna matapos itong mabakunahan.
_______2. Sa tingin ko hindi naman lahat ng tao ay nais magpabakuna dahil na rin sa takot
na nararamdaman.
_______3. Maaaring mawala na ang coronavirus kung ang lahat ng tao sa bansa ay
mapabakunahan.
_______4. Patuloy na sumunod sa sistema ng pamahalaan kung ayaw niyong kayo ay
maparusahan tulad ng napapanood ko sa telebisyon.
_______5. Sang-ayon sa DOH mahahawaan pa rin ng sakit na coronavirus ang mga taong
mababakunahan ngunit ito ay hindi malala.

Gawain sa Pagkatuto blg. 2

Panuto: Bilang isang mamamayang Pilipino paano mo bibigyang reaksyon ang mga
nangyayari sa ating bansa? Gawing batayan ang mga ideya sa ibaba at Bumuo ng sariling
ideya na nagpapahayag ng katotohanan, hinuha, opiniyon at sariling interpretasyon.

1. EDUKASYON (hinuha)
Reaksyon:_________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

2. KALUSUGAN (katotohanan)
Reaksyon:_________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
3. KAHIRAPAN (opinyon)
Reaksyon:_________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

4. MANGGAGAWA (personal na interpretasyon)


Reaksyon:_________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

5. SOCIAL MEDIA (opinyon)


Reaksyon:_________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

Gawain sa Pagkatuto blg. 3

Panuto: Sa pamamagitan ng iyong kaalaman sa pagpapahayag ng katotohanan, hinuha,


opinyon at personal na interpretasyon. Bumuo ng isang talata na may (10) sampung
pangungusap sa isang napapanahong paksa o isyu sa bansa.

PAMANTAYAN PUNTOS NAKUHANG


PUNTOS
1. Napapanahon ang paksang tinalakay. 5pts.
2. Malinaw at maayos na naipahayag ang nilalaman 5pts.
kung ito ay katotohanan,hinuha,opinyon at personal na
interpretasyon ng sumulat.
3. Nasusunod ang salik sa pagsulat tulad ng paggamit 5pts.
ng bantas,pagbabaybay ng mga salita at iba pa.
Kabuuan: 15pts.

You might also like