You are on page 1of 1

Laguna State Polytechnic University – Los Baños Campus

College of Education
Graduate Studies and Applied Research
Brgy.Mayondon-Malinta, Los-Baños, Laguna-(http:/lspu.edu.ph/)

FILIPINO 207: PANUNURING PAMPANITIKAN

REPORTER: MARY ANNE M. CALDERON


TOPIC: TEORYANG REALISMO
PROFESSOR: GLORIA L. BANASIHAN

Teoryang Pampanitikan
• Isang sistema ng mga kaisipan at kahalagahan ng pag-aaral na naglalarawan sa
tungkulin ng panitikan, kabilang ang layunin ng may-akda sa pagsulat at layunin ng
tekstong panitikan na ating binabasa.

Teoryang Realismo

 Ika-19 na siglo nang lumaganap ang rebolusyong industriyal, lumaganap din ang bagong
kaalamang pang-agham at pang teknolohiya, gayundin ang estetika’t pilosopiya.
 Samantala noong ika-20 siglo ay sumilang ang realismong sosyalismo, sa panahong ito
nakilala ang lumaganap na kaisipan ni Karl Marx at Friedrich Engels.

 Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at nasaksihan ng may-akda sa kanyang
lipunan. Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa totoong buhay ngunit hindi tuwirang totoo
sapagkat isinaalang-alang ng may-akda ang kasiningan at pagka-epektibo ng kanyang sinulat.

Katotohanan kaysa kagandahan. Ito ang ipinaglalaban ng realismo. Sinumang tao, anumang
bagay at lipunan, ayon sa realista ay dapat maging makatotohanan ang paglalarawan o
paglalahad.

Sa mga realista higit nilang kinikilingan ang uri ng paksa ng isang akda kaysa paraan ng
paglalahad nito. Dahil dito, hindi katakataka kung ang maging paksa ng mga kadang
makatotohanan ay nakapokus sa paksang sosyo-politikal, kalayaan at karunungan para sa mga
naaapi. Hindi rin katakataka kung ang paksang malaganap sa mga akdang nagpapakita ng
realismo ay nauukol sa kahirapan, kamangmangan, karahasan, krimen, bisyo, katiwalian,
kawalan ng katarungan, prostitusyon , at iba pa.

Walang hangganan ang pagbabago!.


Katotohanan ang una’t huling hantungan ninuman. Hindi magaganap ang palsipikasyon ng tao
sa realidad ng lipunan. Pagtatala ng iba’t ibang mukha ang buhay, ito ang nais ipahatid sa tao
ng mga realista.

Mga nobelang “Noli Me Tangere” at El Filibusterismo” ni Jose Rizal, “Banaag at Sikat “ ni Lope
K. Santos , “Satanas sa Lupa” ni Celso Al. Carunungan at “Laro sa Baga” ni Eduardo Reyes;
mga dulang “Ito Pala ang Inyo” ni Federico Sebastian, “May Isang Sundalo” at “Nana” ni Rene
Villanueva; Maiikling Kuwento sa aklat ng “Mga Agos sa Disyerto.
Ang mga ito’y ilan lamang sa mga akdang nagpagising sa ating kamalayan upang masaksihan
at madama ang tunay na katotohanang matapang na inilalantad ng ating panitikan.

You might also like