You are on page 1of 2

Seven Sundays

Orihinal na gawa ng pelikula mula kay Cathy Garcua Molina.


Pinaluha tayo nito, winasak ang ating mga puso, at tumatak na mga
linya sa ating isipan. Muling gumising sa ating damdamin ang
magagandang pagganap ng mga artista at ang magandang daloy ng
kwento ng pelikulang "Seven Sundays."

Ito ay patungkol sa relasyon ng magkakapatid sa kanilang Ama at


relasyon sa isa’t isa. Ang mag kakapatid na Bonifacio ay mayroong sari
sariling buhay kung saan sila’y abala sa kanilang buhay at bilang ang
iba ay may gampanin din bilang magulang, kaya hindi na nila
nadadalaw ang kanilang Ama na ginampanan ni Ronaldo Valdez.
Ngunit ng dahil nga sa hindi inaasahang pangyayari, ang kanilang
Ama ay nagkaroon ng malubhang sakit na Kanser kaya’t napag
pasyahan ng magkakapatid na sila’y magsama sama at magkita tuwing
linggo upang mapagbigyan ang hiling ng kanilang ama na sila’y
mabuong muli kahit wala na ang kanilang Ina. Sa pagsasama samang
muli ng magkakapatid ay magkakaroon ng ungkatan mula sa nakaraan
at hinanakit ng bawat isa, kaya’t sila’y hahantong sa hindi
pagkakaunawaan sa isa’t isa. Iba’t ibang mukha ang meron ang
magkakapatid. Si Allan, ang panganay na anak na syang nagpapatakbo
ng kanilang negosyo na ABC store, ngunit ang kanilang negosyong ito
ay palugi na ng palugi at malapit ng ma bank crap, ginampanan ng
aktor na si Aga Mulach. Pangalawa ay si Bryan, ang sucessful
businessman na walang ginawa kundi ang mag trabaho, ngunit lingid
sa kaalaman ng kaniyang mga kapatid na siya ay naghahanap din ng
kalinga ng isang pamilya, ginampanan naman ni DingDong Dantes.
Pangatlo ay ang nag iisang babae sa magkakapatid, katulad ng
panganay na anak ay mayroon na ding pamilya si Cha, ngunit hindi
alam ng kaniyang mga kapatid na ito ay may problema sa kanyang
asawa, dahil nga sa ito’y babaero at hindi nag ta trabaho, batid man ni
Cha ngunit tinitiis na lamang niya para sa kanyang mga anak,
ginampanan naman ng aktress na si Christie Reyes. At ang bunsong
anak na si Dex na nalayo ang loob sa kaniyang mga kapatid dahil sa
akalang hindi siya mahal ng mga ito, ginampanan ni Enrique Gill.

Sa kalagitnaan ng istorya ay masasaksihan ang mga suliraning


kakaharapin ng pamilya. Sama ng loob sa isa’t isa, mga problemang
akala mo’y tapos na ngunit hindi pa pala, lungkot at galit na
nararamdaman ang umiral ngunit sa bandang huli ay magkakaayos
din ang magkakapatid, kung saan kanilang mapagtatanto na mahal
nila ang kanilang ama.
Iba’t ibang paraan ng pag arte ng mga gumanap na aktor at aktress
ang ating matutunghayan. Mga linyahang tiyak ay tatak sa ating
isipan. Ating mapapansin na ang mga gumanap na. karakter ay galing
sa iba’t ibang henerasyon, ngunit ito ang nagbigay kulay sa kwentong
kanilang ginampanan.Tunay na makpag bagbag damdamin.
Nakakaiyak, nakakatuwa at medyo nakakainis. Pelikulang kapag iyong
napanood, ay doon ka mapapaisip na mahalaga ang bawat segundo,
minuto, at oras na kailangan nating ibigay sa ating pamilya. Lalo
kapang magkakaroon ng interes dahil ito’y ay nangyayari sa totoong
buhay, nasabi ko ito, dahil ganoon din kami ng aking pamilya at sakto
din na ako ay nag iisang babae, at pangatlo pa sa mgakakapatid. Mga
linyang tagos sa puso na dinagdagan pa ng kantang “Batang bata
kapa”, na sasagi sa iyong isipan ang mga paghihirap ng ating mga
magulang, mabuhay lamang tayo. Ang nga lugar na ginanapan ay
saktong sakto sa kwento. Mga eksenang patok na patok sa kwento.

Tiyak ang pelikulang ito ay pasok sa panlasa ng mga pinoy. Ang


kwentong ito ay ipinapaalala na, huwag nating sayangin ang ating oras
na hindi nakakasama ang ating mga magulang. Sa mga pagkakamaling
dumadaan, ay pagpapatawad at pagmahahal parin ang dapat umiral.
Pamilya ang pinakamahalaga na ating maipagmamalaki.

Pagsusuri ni Rita Mae Dinsay

You might also like