Professional Documents
Culture Documents
Quinoneza
STEM 11
Ang storya ay nag simula sa apat na babaeng magkakapatid na humuhiling ng isang baby
brother ng sagayo'y kanilang maranasan ang pagkakaroon ng kapatid na lalaki at maturing nila
itong bunso, hindi nagtagal ang kahilingan ng apat ay natupad at ang bunso nilang kapatid ay
ginanpanan ni Enchong Dee bilang si "CJ". sa pag lipas ng mga taon ang limang magkakapatid
ay may mga kanya kanya ng trabaho at mga sarili ng desisyon.
Kaya't ang apat na magkakapatid ay gumawa ng paraan upang matigil ang kasalan at
dahil dito mas lumala ang problemang kinakaharap ng pamilya Salazar, ngunit ang apat na
nakakatandang kapatid ni CJ ay may mga kanya kanya ding hinanakit at pagkukulang sa
pamilya. ngunit sa huli ay nangibabaw pa din ang kapatawaran sa isa't isa, at nag kaayos ang
dalawang pamilya. ang pelikulang ito ay may kapupulutang aral, ito'y pang pamilya
kinapapalooban ng comedya at drama na tumutukoy sa modernong pamumuhay.
Sa bawat pamilya ay mayroong iba’t ibang ugali. Bawat anak ay may kanya kanyang
nararamdaman tungo sakanilang pamilya. Ngunit kailangan natin malaman na ang tanging
matatakbuhan lamang natin sa oras ng problema ay ang ating pamilya. Ang pamilya natin ang
laging nandyan at hinding hindi tayo iiwan kahit na ano at sino ka pa. Pamilya ang laging
nandyan para tayo ay suportahan at tulungan sa bawat desisyon na ating gagawin, sila din ang
mga taong kaya tayong tanggapin kung ano man tayo, nang hindi tayo hinuhusgahan.
Sa panahon ngayon, sa dami ng mga taong nakapaligid sa atin, tanging ang pamilya
natin ang ating matatakbuhan sa lahat ng oras. Sa bawat tawanan, iyakan, kulitan, at sa oras
ng pagmamahalan. Tanging ang pamilya lamang ang nakakapagpuno ng pagmamahal na
kulang sa ating puso.