You are on page 1of 7

UNIFIED SCHOOLS of the ARCHDIOCESE of LIPA

ST. RAPHAEL ARCHANGEL PAROCHIAL SCHOOL


Calaca, Batangas
sraps@ymail.com/ 0945 843 6170
Gratia et Sapientia

PROYEKTO SA FILIPINO 10
ISANG PANUNURING PAMPELIKULA

“FOUR SISTERS AND A


WEDDING”
bilang pagtupad sa kahilingan sa FILIPINO 10
(Ikaapat na Markahan)

Inihanda ni: Para kay:

PANGALAN NG MAG-AARAL G. MARK EVAN V. NOCHE


Grade 10 – St. Mark Guro sa Filipino 10

Ika – 21 ng Marso, 2022

PANUNURING PAMPELIKULA
I. PAMAGAT

FOUR SISTERS AND A WEDDING


Direktor: Cathy Garcia-Molina

II. MGA TAUHAN

Brenna Garcia ... Young Teddie

Bea Alonzo ... Bobbie Salazar

Bea Basa ... Young Bobbie

Veyda Inoval ... Young Alex

Arbey Alegado ... Young Gabbie

Shaina Magdayao ... Gabbie Salazar

Coney Reyes ... Grace Salazar

Sam Milby ... Tristan Harris

Enchong Dee ... CJ Salazar / Reb Reb

Angeline Quinto ... Princess Bayag

Toni Gonzaga ... Teddie Salazar


Carmi Martin ... Jeanette Bayag

Boboy Garovillo ... Honey Boy Bayag

Janus del Prado ... Frodo

Angel Locsin ... Alex Salazar

Bernard Palanca ... Chad

Vangie Labalan ... Manang

Samantha Faytaren ... Trixie

Cecil Paz ... Toti Marie

Joy Viado ... Sassa

Johnny Barnes ... Lolo

Mocha Uson ... Mocha

Richard Arellano ... Police Chief

Alexis Nacion ... Mama Pedring Magbutay

Paunawa: Maaaring ganito ang gawing istilo sa paglalahad ng mga tauhan. I-click lamang ang:

Four Sisters and a Wedding (2013) - Full Cast & Crew – IMDb
o anuman ang pamagat ng pelikula na napili ninyo tapos ay “copy – paste.”

III. BUOD NG PELIKULA

Sa wakas ay ikakasal na si CJ kay Princess. Noong malaman ito ni Gng Grace


Enriquez ay nagdesisyon tipunin ang mga ate ni CJ upang ipaalam ang magaganap na kasalan.
Tutol sina Teddie, Bobbie, Alex at Gabbie sa magaganap na kasalan kaya nagpasya silang
pigilan ang magaganap na kasalan.

Nang dumating na ang pamamanhikan ay hindi nagging madali kina CJ at Princess


ang pagkaisahin ang dalawang pamilya ngunit hindi natibag ang kanilang pagmamahalan. Ang
naganap na pamamanhikan ay ang nagtulak sa mga ate ni CJ na mag-isip ng iba’t ibang paraan
upang magbago ang desisyon nito na magpakasal katulad ng paghahanap sa mga naging
kasintahan ni CJ upang pigilan ang magaganap na kasalan. Sunod ay dinala si CJ sa isang
pribadong kasiyahan upang makakilala ng mga babaeng mananayaw na magpapabago sa
desisyon ni CJ. Sa huli, pumunta pa sa Spa na hanapbuhay ng pamilya ni Princess sina Teddie at
kanyang kasintahan upang hanapin ang tinatagong “baho” ng pamilya sa paniniwalang ilegal ang
negosyo.

Hanggang sa huli ay bigo ang magkakapatid na mapigilan ang bunso sa kanyang


planong magpakasal. Bunga nito ay nagtampo si CJ sa kanyang mga Ate.

Bukod sa suliranin kinakaharap ng pamilya ay nabuksan muli ang isyu sa mga


magkakatid na babae.Humantong ito sa komprontahan ng pamilya at naungkat ang malulungkot
na pangyayari sa kanilang buhay lalu na noong mga bata pa sila. Sa huli ay nagkasundo-sundo
ang pamilya ni CJ ngunit hindi natuloy ang pagpapakasal nila CJ at Princess sapagkat namatay
ang pinakamamahal na lolo ni Princess. Nagbunga ito ng muling pagkakasundo ang pamilya nila
CJ at Princess.

Akala nila ay walang kasalang magaganap ngunit sa hindi inasahang pag-uwi ni


Tristan ay isang kasalan ang naghihintay para sa kanya at si Bobbie. Ang kasalang naganap ang
nagbukas sa magandang samahan ng bawat pamilya.

Tandaan: Sa paglalahad ng buod ng pelikula ay kailangang ikwento ang nangyari sa pelikula


ngunit hindi ka pwedeng magbigay ng iyong opinyon habang nagkukwento sa
nangyari
sa pelikula. Halimbawa, hindi pwede iyong:
“Ako ay nalungkot dahil natuloy ang kasal nila CJ at Princess.” Isang araw ay
nagtungo
sila sa SPA…

IV. BANGHAY NG MGA PANGYAYARI

A. Tagpuan

Naganap ang mga nangyari sa pelikula sa sumusunod na lugar:

a.1Tahanan nila Gng. Grace Salazar


a.2 Tahanan nila G. at Gng. Bayag
a.3 Spa ng pamilya nila Princess
a.4 Simbahan kung saan ikinasal sina Bobbie at Tristan

B. Protagonista:

b.1 Grace Salazar – ina nila Teddie, Bobbie, Alex, Gabbie at CJ

b.2 Teddie – panganay sa magkakapatid na nagtrabo sa Espanya bilang guro ngunit


minalas kaya nagtrabaho bilang katulong sa nasabing bansa
- noong umuwi sa Pilipinas ay kasama niya si Frodo na napamahal na rin sa
kanya

b.3 Bobbie – matalino at kasintahan ni Tristan na isa ng ama.


- mayaman, matalino at naghahanap buhay sa Amerika

b.4 Alex - ang kapatid na kasundung kasundo ni Bobbie ngunit nagkasira dahil
nakatuluyan ni Alex si Chad na dating kasintahan ni Bobbie

b.5 Gabbie – isang guro at siyang nag-aalaga sa kanyang ina na si Grace

b.6 CJ – ang magpapakasal kay Pricess at bunso sa magkakapatid


b.7 Princess – solong anak at ubod ng yaman ngunit binansagang “chararat” ng mga Ate
ni CJ

C. Antagonista

c.1 Jeanette – ina ni Princess na mapagmataas

c.2 Honey Boy – ama ni Princess na ubod ng yaman ngunit ubod ng yabang

c.3 Chad – manlolokong kasintahan ni Alex

Tandaan: Ganito ang gagawin ninyo upang mailahad ang protagonista at antagonista sa pelikula

D. Suliranin

Papaano mapipigilan ang kasal nina CJ at Princess?

Ito ang kinaharap na problema ng magkasintahan dahil kontra ang mga kapatid ni
CJ na matuloy ang kasal. Gumawa ng paraan ang mga Ate ni CJ upang hindi matuloy
ang kasal. Nagbunga ito ng hinanakit sa puso ni CJ.

Maaayos pa ba ang sigalutan sa pamilya Salazar?

Bata pa lang ay may problemang nagaganap sa pagitan nina Teddie at Bobbie.


Naiinggit si Teddie kay Bobbie dahil para sa kanya ay napakagaling Bobbie na parang
lahat ay nasa kanya.

Si Bobbie naman ay punung puno ng hinanakit dahil pakiramdam niya ay


lumaki siyang si Alex lang ang nakakaintindi sa kanya hanggang sa nasira ito dahil sa
iisang lalaki na parehas nilang minahal. Hanggang sa nasabi niya sa kanyang ina ang
lahat ng kanyang hinanakit sa buhay.

E. Mga Kaugnay na Pangyayari o Mga Pagsubok sa Paglutas ng Suliranin

Mula sa katanungang:
Papaano mapipigilan ang kasal nila CJ at Princess?

e.1 Nagpulong ang mga Ate ni CJ para makaisip ng mga paraan upang hindi matuloy
ang kasal ng kapatid.

e.2 Nagalit ang mga magulang ni Princess kay Teddie dahil sa ginawa nitong eskandalo
sa SPA ng mga Bayag upang palabasin na may malaswang pangyayaring
nagaganap sa kanilang negosyo dahil naniniwala ni Teddie na ito ang mabisang
paraan upang hindi matuloy ang kasal.

Mula sa katanungang:
Maaayos pa ba ang sigalutan sa pamilya Salazar?

e.3 Kinausap ni Gng. Grace ang kanyang mga anak kung ano ang tinutukoy ng mga
magulang ni Princess mula sa ipinararatang ng mga ito kay Teddie at dito na
naungkat ang mga hinanakit na itinatago ng bawat isa.

F. Mga Ibinunga

f.1 Sa pagnanais na hindi matuloy ang kasal, sumama ang loob ni CJ sa kanyang mga Ate.
f.2 Sa usapang naganap sa pamilya ni CJ, ay muling natahi ang mga nasirang relasyon ng
pamilya at nagkasundo-sundo muli ang mga Ate ni CJ.

V. PAKSA O TEMA

v.1 Visual Effects

Ang pelikulang “Four Sisters and a Wedding” ay isang pelikulang pampamilya na


gumamit ng “visualeffects” na komplikdo sapagkat ang mga klase ng pangyayaring /
pamumuhay ng mga tauhan ay payak lamang o pangkaraniwan.

Naipakita ang visual effects sa pagpapakita noong pagbabalik sa nakaraan noong mga
bata sina Teddie, Bobbie, Alex at Gabbie na naramdaman ng mga manonood na dinala sila
sa mundo ng kamusmusan ng magkakapatid.

Isa pang nakakatuwang paggamit ng visual effects ay ang mahiwagang wheel chair ng
Lolo ni Princess na may kakaibang makinarya na parang robot na nagpapakita na sobrang
yaman ng pamilya.

Ang visual effects mga anak ay nagpapakita kung papaano dinadaya ng mga larawan na ginamit
sa pelikula sa tulong ng camera na magmumukhang totoo ang nagaganap sa eksena. Katulad sa
pelikulang TITANIC, ang eksenang nagaganap na ang mga tao ay nahulog na sa barko ay nasa
loob lamang ng aquarium ngunit nung mapanood ng mga manunood ay nalulunod sa malawak na
karagatan.

O kaya ay slow motion ang nagaganap sa eksena ngunit nasa normal na takbo naman ang
camera.

Ibig sabihin nagagawang makakatotohanan ang mga eksena sa pelikula sa tulong camera.

v.2 Set Design

Sa tahanan nila Princess ay ipinakita na napakayaman ng pamilya. Mula sa mga


materyales na ginamit at kasuotan ay napaniwala ang mga manunuod sa yaman ng
pamilya.

Nakakatuwang tingnan na sa tahanan nina CJ ay mababanaag ang mga kwadro ng


sertipiko ng pagtatapos ng mga anak ni Gng Grace pati ang mga medalyang nakamit ni
Bobbie. Ipinakita ang pangkaraniwang tahanan na sumasalamin sa antas ng pamumuhay
nila CJ.

Pagdating naman sa simbahan ay kitang kita ang pagkasagrado ng simbahan sa


modernong panahon na nilahukan pa ng kakaibang mga kasuotan ng mga tauhan sa
kasalan na may kaugnayan sa mga yamang dagat.

VI. MGA ASPEKTONG TEKNIKAL

vi.1 Sinematograpiya

Ang mga anggulo ng mga karakter sa bawat eksena lalu na sa komprontahang


naganap sa pamilya Salazar, lalung lalo na ang paggamit ng ilaw sa SPA at simbahan ay
napalitaw na makatotohanan ang bawat eksena. Maayos ang pagkakarecord ng bawat
diyalogo pati ang mga musikang ginamit ay akmang akma sa bawat eksena upang makuha
ang damdamin ng bawat manunuod at mailabas ang tunay na buod ng pelikula.

vi.2 Musika

Lahat ng musikang ginamit sa pagpapalitaw ng iba’t ibang emosyon ng mga


karakter sa pelikula mapa- drama o komedya ay angkop na angkop upang maramdaman ng
bawat manunuod ang nais isabuhay ng bawat karakter sa pelikula. Sa saliw ng musika ay
napapangiti, napapaluha, at napapanginig ang mga balahibo ng mga manunuod.

VII. KABUUANG MENSAHE NG PELIKULA

Noong napanood ko ang pelikula ay nagkintal ito sa aking buong pagkatao ng


mensahe ng pagkakaisa ng magkakapatid na mapigilan ang kasal ay kinapulutan nila ng aral.
Ang problema sa pamilya ay kailangang pag-usapan upang hindi mag-ugat sa malalim na
hidwaan tulad ng naganap sa mga magkakapatid.

Iwasan ang masyadong mapanghusga sapagkat dahil sa maling pagkakilala sa


kapwa ay nakakagawa tuloy ng mga bagay na mali tulad ng ginawa ni Teddie.

Ang pag-iisang dibdib ay pag-iisa ng dalawang pusong nagmamahalan kaya ito ay


napakasagrado sapagkat sa pag-iisang dibdib ay isisilang ang isang bagong pamilya.

Mga anak ko, tulad ng sinabi ko noon ay dito na ninyo ipapasok ang inyong emosyon sa
napanood na pelikula. Sikaping kapupulutan ng aral ang napanood na pelikula. Ito ay lilitaw sa
inyong pagkaunawa at pagpapaliwanag.

Maraming salamat!

You might also like