You are on page 1of 4

Ang Buod

Sanggang dikit ang mag-bestfriend na sina Kat (Bea Alonzo) at Wacky (Dingdong
Dantes). Pareho nilang hindi pinapansin ang namumuong malisya sa pagitan ng
isat-isa kayat patuloy nilang ginagampanan ang mga papel nila sa buhay. Si Kat
ang responsableng Ate de pamilya at sa kabilang dulo ng spectrum ay itong si
Wacky na isang happy-go-lucky TV personality na sa sobrang lala ay kailangan pa
ng arawang tiga-gising.

Papasok sa eksena ang bagets na admirer ni Kat, si David (Enrique Gil). Sobrang
smitten si totoy kay Kat kaya naglunsad ng malawakang manhunt para makilala ang
kaniyang Girl in the rain. Dahil nga cute at kainte-interes ang kwento, Wacky picks
up Davids story in a last ditch effort to save his job.

Dito na magsisimula ang higanteng AWKWARD situation sa pagitan ng


magkaibigang Wacky at Kat. Ipasok mo pa ang Kat sa buhay ni David na si Gillian
(Liza Soberano) at malawakang pa-martiran ang naging takbo ng kwento for a bit.

Ayokong sirain ang buong kwento para sa inyo kaya ito lang ang sasabihin ko.
Nangyari ang mga kailangang mangyari. Palakpakan.

Ang Paghuhusga

Now, if you read my other reviews, youd know na isa sa mga pinakamahusay na
artistang Pinoy si Bea Alonzo. Solid KTKH fan ako e. Yun na din ang dahilan kung
bakit sanay ako sa Bea-John Lloyd pairing. Pero ang talagang commendable tungkol
kay Bea ay napatunayan na niya ang kaniyang dedikasyon at kahusayan ng hindi
nakakulong sa isang loveteam lang. Kaya kahit na may kaunting doubts ako with
Dingdong Dantes being her partner, gora lang.

Hindi ako malaking fan ni Dingdong. I liked him years ago pero dahil yun sa paborito
ko ang Encantadia at siya si Ybarra. Hindi dahil sa husay niya sa pag-arte. I think
kung magiging honest ang bawat isa (calling out all those die hard fans out there),
alam naman nating lahat na pagdating sa range e may limitasyon si Dingdong. He

does good. I know. I commended his performance sa One More Chance. Pero, come
on. This movie was good dahil it capitalized on his strengths. As Wacky, he was a
hunky, slightly douche-y, pero-kind-naman-talaga-deep-inside bestfriend to Beas
Kat. At kahit na may moments ng dead-eyes onscreen, I still think it was a solid
performance.

Enrique Gil was hmm medyo conflicted ako sa pananaw ko sa batang ire. He
gave a great performance as David, a FB-Twitter-Youtube-gen kid who was
endearingly immature young. Pero, blame it on the Generation Gap, I was
annoyed BIG TIME. I mean, really? If I heard someone say BOOM! and mean it
like David did, theres absolutely NO WAY that I would find it cute. Most of the pacute scenes kung saan nagwawala ang mga pre-teens at teens sa sinehan e
makikita mo akong nag-ccringe sa aking pagkakaupo. Eh. I didnt get how they
could find his confidence/arrogance cute. Maybe I just got old.

The material was great. Totoo. Napagtuonan ng pansin ang pagkatao ng bawat
character kaya matututunan mo silang mahalin. May ilang pagkakapareho lang sa
One More Try nila JL at Bea dahil present ang mala-DingDong (yung mixed nuts na
tingiang meryenda. Meron pa bang ganun ngayon?) na barkada na perfect
character support para sa lead characters. Naroon din yung mabilis na humor,
kabilaang pet names sa isat-isa, at ang pamilya na Pinoy na Pinoy. Siguro nga dahil
ito ang kumakatawan sa mundo ng isang conventional Pinoy ay marapat lamang
magkaroon ng ganitong set-up para maging mas totoo ang sitwasyon.

Medyo halata lang na hindi pa gaanong komportable sina Bea at Dingdong sa isatisa. Yung mga unang eksena kasi nila ang dapat mag-establish ng kung gaano sila
kalapit na magkaibigan. Kaso, sa tingin ko e hindi nila yun na-achieve. Im talking
about the ice cream scene. There are pairs who do that kind of scene really well like
Sharon & Aga (Classic!), Marvin & Jolina (Walang kokontra!), Angel and Richard
(Mulawin parin!) and John Lloyd & Bea. Wala palang siguro sa ganung place sina Bea
at Dingdong.

I especially liked the scene kung saan nagsimulang mag-unravel ang relasyon ni Kat
at David. Both of them shed tears pero hindi mo ramdam na hiningi ng eksena
kundi yun lang talaga ang nangyayari sa mga ganong tagpo. Hindi pilit. Kaya
maganda.

The direction was great. The photography and production design were good.
Salamat naman talaga at madalang na ang mala-90s telenovela shots sa mga
pelikula ngayon. Alam niyo yung mga eksenang nakatalikod ang nagbibitaw ng
dialogue at yung round table na far shot na parang wala namang nangyayari. Yup.
Magpaalam na tayo sa mga anggulong yan.

Ang puna ko lang e yung ending. Medyo abrupt lang siya for me. I think it could be
done a little better. Either sa ruta na mas makatotohanan, bilang walang perfectlytimed na ulan. Maaari ring bitin o choose-your-own ending ang drama. O yung
tipong bitin tapos may clue lang na nagkatuluyan pala ang mga magkakatuluyan.
Pero, well, I dont think the last two would be accepted by the majority of Pinoys as
well as the first one. Alam mo naman ang mga Pinoy gusto ng happy ending. Kung
pwede lang na may kasalan e, bakit hindi?

So, was this a good movie? Definitely, yes! Ito yung tipong pelikula na pwede mong
panoorin kasama ang tropa. Chick flick talaga dahil masarap ito tirahin habang
tumitira ng isang pint ng ice cream sa all-girl pajama party. Para sabay-sabay
kayong mag-Awww sa appropriate moments at magtago sa/maghampasan ng
throw pillow habang nagpprofess ng pag-ibig niya kay Girl in the Rain si David.

Cast[edit]
Bea Alonzo as Cat
Dingdong Dantes as Wacky
Enrique Gil as David
Maricar Reyes Lyn
Liza Soberano as Gillian
Pinky Amador as Judith
RS Francisco as Tony
Guji Lorenzana as Mike
Coleen Garcia as Mandy
Daniel Matsunaga as Jason

LJ Reyes as Patty
Erika Padilla as Jessie
Barbie Sabino as Carrie
Timothy Lambert Chan as Coby
Arlene Tolibas as Perla
Cheska Iigo as Vicky
Sofia Andres as Claire
Leo Rialp as Ramon
Perla Bautista
Tony Mabesa

You might also like