You are on page 1of 6

Suring Pelikula

Hello,love,Goodbye

Pangalan: Juan Daniel R. Gatchaliam


Seksyon: 8-Makakalikasan
Kuwento:
Ang kuwento ay tungkol sa isang babae na si Joy na isang Domestic
Helper at ang kaniyang kasintahan na si Ethan na isang Bartender. Na
nagging magkasintahan sa piling panahon lamang o may hangganan
ngunit, nagkamahalan na sila sa isa’t-isa kaya hindi na nila kayang iwan
ang isa’t-isa.Subalit, pinili ni Joy na lumipat sa Canada para sa pangarap
niya at para rin sa pamilya niya.
 Bago o luma ba ang istorya? Bago ito para sa akin dahil ngayon lang
ako nakapanood ng isang pelikula na may magkasintahan na may
hangganan ang kanilang relasyon dahil kadalasan sa mga pelikula na
may kasintahan ay kung saan ang kanilang makakaya ay hanggan
doon ngunit dito ay may hangganan sila kahit ayaw nilang
magkahiwalay sila.
 Ito ba ay ordinaryo o gasgas na at naulit-ulit na rin sa ibang pelikula?
Hindi ito gas-gas dahil kaunti lamang na pelikula ang may ganitong
istorya.
 Malinaw ba ang pagkakalahad ng istorya? Malinaw itong nailahad
dahil ipinakita dito kung gaano kahirap maging Domestic Helper at
kung gaano kahirap iwan ang taong mahal mo.
 Nakakapukaw ba ito ng interes? Nakakapukaw ito ng interes dahil
makikita mo dito kung gaano kahirap maging domestic Helper at
kung gaano kahirap iwan ang taong mahal mo.

Tema- Ang Teme ng kuwento ay tungkol sa isang domestic helper na


nagsisikap upang makalipat sa Canada ngunit may nakilala siyang kapwa-
pilipno na isang bartender sa hongkong na naging kasintahan ni Joyngunit
may hangganan ang kanilang pagsasama hanggang sa makalipat si Joy sa
Canada. Ngunit pinili ni Joy na pumunta sa Canada kaysa manatili sa
HongKong
 Napapanahon ba ang paksa? Napapanahon ito dahil maraming
magkasintahan ang namimili kung pipiliin ba nila ang kasintahan nila
o ang kanilang pangarap.
 Malakas ba ang dating o impact sa manonood kung saan ito ay
nakatitimo sa isip? Malakas ang dating nito dahil maraming tao
kabataan ang naaantig sa istorya nito dahil tungkol ito sa
pagmamahalan at tungkol rin sa paghihirap ng mga Domestic Helper
 Akma ba ang tema sa panahon kung kalian ito nagawa o akma sa
lahat ng panahon? Akma ito sa panahon ngayon dahil maraming
kabataan ang mas pinipiling magkaroon ng karelasyon kaysa
makapagtapos ng pag-aaral o kamitin muna ang kanilang pangarap.

Pamagat- “Hello, Love, Goodbye”


 Ito ba ay angkop sa pelikula? Angkop ito dahil nagkita muna sina Joy
at Ethan tapos sila ay nagmahalan ngunit sa dulo pinili ni Joy na
pumunta ng Canada para sa kaniyang pamilya at para sa kaniyang
pamilya at pinili ni Joy na i-iwan si Ethan sa Hongkong.
 Nakakatawag ba ito ng pansin? Oo dahil kung mababasa ito ng mga
manonood ay magkakaroon sila ng interes kung bakit “Hello, Love,
Goodbye” ang pamagat.
 Mayroon ba itong Simbolo o pahiwatig? Oo dahil sa Title pa lamang
ay malalaman mo na kung ano ang istorya nito.

Tauhan- Ang mga tauhan ay sina Joy Marie Fabregas, Ethan Del
Rosario, Mary Dale Fabregas (Pinsan Ni Joy), Jhim (Kaibigan ni
Ethan), Edward Del Rosario(Kapatid ni Ethan),Sally Daraga(Kaibigan
ni Joy), Mario Del Rosario(Tatay ni Ethan At Edward), Carlo
(Manager/Kaibigan ni Ethan),Gina Marikit(Kaibigan ni Joy),Celso
Fabregas(Tatay ni Joy), Annie(Alaga ni Joy sa Hongjkong),Lin(Amo ni
Joy).

 Malinaw ba ang karakterisasyon ng mga tauhan? Malinaw ito dahil


si Joy bilang mahirap ay lagi siyang mukhang mahirap bilang
Domestic Helper.
 Makatotohanan ba ang mga ito? Makatotothanan ito dahil bilang
isang Domestic Helper ay hindi laging naka-ayos ang iyong
mukha.Bilang Domestic Helper ay wala kang oras para makapag-
ayos.
 Angkop ba ang mga pagganap ng artista sa pelikula? Oo Dahil
bilang tatay ng isang anak na nakakapagtrabaho na ay dapat ito ay
matanda na at posibleng may sakit na o wala.

Diyalogo- Ethan: Kung mahal mo ako, bakit hindi ako ang piliin mo?
Joy: Kung mahal mo ako, bakit pinapapili mo ako?
 Naisaalang-alang ba ang uri ng lengguwaheng ginamit ng mga tauhan
sa kuwento? Oo, dahil gumamit lang sila ng iisang lengguwahe sa
diyalogong nasa ibabaw na Lengguwaheng Filipino.
 Matino ba,bulgar o naaangkop ang mga ginamit na salita sa kabuuan
ng pelikula? Naangkop ito dahil, gumamit sila ng wikang ingles para
makipag-usap sa amo ni Joy.
 Angkop ba ang edad ng target na manonood ng pelikula ang
diyalogong ginamit? Oo, Dahil maraming mga tao ang naantig sa
mga linyahang ginamit ng magkasintahan.
Cinematograpgy-

 Mahusay ba ang mga anggulong nakunan? Mahusay ito dahil


napakaita ng buo ang kanilang ginawa at ang kanilang mga mukha at
kung nasaan sila.
 Naipakita ba ng camera shots ang mga bagay o kaisipang nais
palutangin? Oo Dahil naipakita sa mga shots kung bakit lagging
nagmamadali si Joy.
 Ang lente ba ng kamera ay na-adjust para sumunod sa galaw ng
artista? Oo dahil noong nagmamadali si Joy para sunduin si Annie at
noong hinahabol siya ng mga pulis ay sumunod ang lente.

Iba pang aspektong teknikal-

 Akma ba ang musika at nababagay sa tema at eksenang ipinapakita sa


pelikula? Akma ito dahil noong naguusap sina Joy at Ethan kung sino
pipiliin ni Joy ay naglapat ito ng musikang nakakalungkot at
konektado sa bawat isa ang eksenang ipinapakita sa pelikula sunod-
sunod itong naayos.
 Maayos ba ang pagkaka-edit ng pelikula? Wala ba itong bahaging
parang naputol? Maayos ito dahil walang naputol na eksena sunod-
sunod itong naayos ngunit nakakabitin lamang sa huli dahil hindi na
naipakita kung babalik bas i Joy kay Ethan.
 Ang ilaw ba at tunog ay coordinated at akma sa musika?Akma ito
dahil naayon sa sitwasyon ang ayos ng ilaw,tunog at musika.
 Akma o makatotohanan ba ang special
effects, blastings, pagkawala, pagliit o paglaki ng bagay;animasyon,
make-up;pag-gamit ng computer graphics at iba pa? Akma ang make-
up ni Joy bilang Domestic Helper. Akma rin ang mga musika dahil
binase nila ito sa sitwasyon ng eksena.

You might also like