You are on page 1of 3

Lady Nell Lopez

HUMSS-12
Ginoong Ken Polborido

Hello, Love, Goodbye

Mga tauhan:

Alden Richards bilang Ethan Del Rosario


Kathryn Bernardo bilang Joy Fabregas
Jameson Blake bilang Edward Del Rosario
Maymay Entrata bilang Marydale Fabregas
Kakay Bautista bilang Sally Daraga
Joross Gamboa bilang Jim
Lovely Abella bilang Gina
Maricel Laxa bilang Lita

1. Mga ilang pagsusuri sa Pelikula


Hello, Love, Goodbye

Ang aking pagkakaintindi o nasuri sa Hello ay nung mapunta siya sa Hongkong at lumaban siya
para sa pamilya niya at Love naman ay yung nagkaroon siya ng taong minamahal habang siya’y
lumalaban at dahil doon ay nagkaroon pa siya ng sapat na lakas at Goodbye naman sapagkat
naging kahinaan niya ang kanyang minamahal ngunit mas pinili niyang magpaalam para mas
piliin muna ang kanyang sarili sa huling pagkakataon
2. Mga tauhan
Ethan Del Rosario - Siya ay parang isang pangkaraniwang lalake lang din sapagkat mahilig din
siyang pumatol sa kung sinu-sinong babae, pero sa oras na maramdaman niyang nagmamahal
siya ay ititigil niya kung ano man ang nakasanayan niya at gagawin niyang lahat kahit mawala
rin ang lahat lahat sakaniya para sa babaeng mahal niya.

Joy Fabregas - Isa siyang OFW na mas pinipili ang mga mahal niya sa buhay simula nung bata
pa siya at malaki rin ang responsibilidad niya dahil siya ang panganay sa magkakapatid, kaya
naman wala siyang ibang desisyon kung hindi palakasin lamang ang loob niya at tulungan ang
kanyang pamilya.

Sally, Gina at si Marydale - ito ang mga kaibigan ni Joy na takbuhan niya sa tuwing may
mabigat siyang problema, silang tatlo ang pinaka-pinagkakatiwalaan ni Joy sa ibang bansa.

3. Tagpuan
Ang naging tagpuan ng dalawang bida ay sa lugar na HongKong, at ang bansa na ito ang
nagpahirap lalo na sa nararamdaman ni Joy at nang dumating si Ethan at napaibig si Joy sakaniya
dahil ito ang naging kakampi niya sa lahat ng hirap tuwing wala ang tatlong kaibigan niya.

4. Protagonista at Antagonista
Ang pangunahing tauhan o ang mga bida ay sina Ethan at Joy sapagkat sakanilang dalawa
umiikot ang istorya at ang Antagonista naman o ang kontrabida ay ang pamilya ni Ethan
sapagkat palagi siyang sinisisi tuwing may problema ang kanyang pamilya sa kadahilanang hindi
siya nagtapos ng pag-aaral niya ng dahil sa babae lamang. Ang kontrabida naman sa buhay ni
Joy ay ang kanyang tatay dahil buong akala niya ay kakampi niya rin ito sa tuwing may
problema siya pero ito pa lala ang naging problema niya sa hili dahil ipinakasal nito sa Intsik ang
sarili nitong asawa na Ina niya.

5. Suliranin
Ang suliranin sa istorya na ito ay ang kanilang sariling pamilya tulad ng paghihirap ni Joy sa
ibang bansa na mag-isa lang siyang lumalaban sa pamilya niya, habang ang pamilya naman niya
ay may sari-sariling buhay na umaasa lamang sa tulong niya. At sa pamilya naman ni Ethan na
hindi siya sinusuportahan sa nais niya.

6. Pagsubok paglutas ng suliranin


Nalutas nila ang suliranin sa pamanagitan ng paglioat ni Joy sa Canada upang magamit niya ang
pinag-aralan ng hindi sa pagiging DH lamang at mas nalutas ni Ethan ang kanyang problema
dahil naging inspirasyon niya ang pag-ibig niya kay Joy para ipagpatuloy nito ang pagpapatayo
ng Resto Bar sa HongKong at isinantabi myna nila ang pag-ibig para sa kinabukasan nilang
dalawa.

7. Tema at Paksa
Ang tema rito ay ang buhay ng mga OFW sa ibang bansa at kung gaano sila kahirap para
lumaban sa buhay ay higit sa lahat ay ang pagpili sa sarili kesa sa ibang pwedeng balikan nalang
para sa ikauunlad.

You might also like