You are on page 1of 1

Ang Endo, isang cinematic highlight ng sikat na Cinemalaya 2007 film festival, ay nagsasabi sa

nakakaantig na kuwento ng isang nakagawiang kontraktwal na manggagawa na nagngangalang Leo


(Jason Abalos). Nasanay na siyang pansamantalang humawak ng mga trabaho kaya hindi na niya
pinaniwalaan ang long-term planning at long-distance romance. Siya ay nabubuhay sa pang-araw-araw
na batayan. Ang kanyang kakarampot na kita ay sapat lamang para maasikaso ang kanyang naguguluhan
na ama na may sakit sa pag iisipat pasanin ang mga gastusin sa paaralan ng kanyang nakababatang
kapatid.

Ang kanyang mga relasyon sa mga babae ay regular na maikli lamang . Karamihan sa kanila ay hindi
tumatagal ng higit sa limang buwan. Hindi lang niya tinitiis ang sakit ng mawalan ng kasintahan kundi
naghihirap din siya sa pagkawala ng ibang trabaho. Palaging nagiging hadlang ang pag-ibig sakanyanh
pag tatrabaho.

Nagkaroon sya ng Girlfriend na kasama din sa mga kaibigan nya dahil don niregaluhan nya ito ng
sapatos. Sa di inaasahan ay nakita sya ng isang sales lady na inuusisa ang mukha ng lalaki, Si Tanya.
Tinanong niya ang lalaki kung anong size ng sapatos ang bibilihin neto pero sumagot ang lalaki na hindi
ito sakanya ngunit ito ay para sakanyang girlfriend. Nanghinayang ang babae dahil nalaman nyang may
kasintahan na ang lalaki. Umalis na ang lalaki . Noong gabi ay nagkasalubong sila ni Tanya, nagpakilala ito
ngunit iniwasan lamang sya ni Leo. Ibinigay na ni Leo ang regalo nyang sapatos sa kanyang kasintahan
pero naglaon ay nagkamalabuan sila nito , naalala nya yung sinabi sakanya ni Tanya nung bumili sya ng
sapatos dito. Na ang sinabi ay "Kapag binilhan mo ang isang tao ng sapatos , tatakbuhan ka nyan o
aapak-apakan ka". Nang dahil doon lalo ng lumabo ang relasyon ng dalawa, nagusap sila nito sinabi ng
babae na kung gusto pa ba nilang ituloy yung relasyon nila pero sa yamot at pagkadisappoint at umalis si
Leo. Pero nagkaroon ng tyansa na magkakilala sila ni Tanya. Habang nagkakasama silang dalawa ni Tanya
di alam ni Leo na unti unti na din papa syang nahuhulog. Pakikipagdate, magkasamang nag uusap
habang nakasalpak ang earphones sa tenga at nakikinig ng mga kanta. Pagsasama sa isang Hotel. Nang
makilala nya si Tanya ay sobrang saya nya na halos tumalon sya sa tuwa. Pero hindi pa nagtatapos dito
ang mga pinagdadaanan nya dahil nung sumakay sya sa dyip kinagabihan ay bigla syang natumba.
Madaming tao ang nagtinginan at umalalay kay Leo. Nagising nalamang sya sa kanyang kwarto na
nahihilo at masama ang pakiramdam. Hindi nya pinansin ito at nagtrabaho nalamang. Habang siya ay
nasa trabaho , may isang lalaki ang umorder sakanya ngunit may kakaibang nangyayare kay Leo, sa mga
kilos at ugali niya.Siya ay naging sumpungin, mainitin ang ulo at palaging tulala. Siya ay nagkaroon ng
sakit na ADD. Hanggang sa bahay ay ganon siya, inaaway nya din ang kapatid nya at sinisisi nya ito. Sabi
nya kung sana nag aral nalang daw sya at hindi nag trabaho sana hindi ganon nangyare sakanya.
Nagkaroon din ng problema si Tanya at Leo , sinubukan ni Tanya na kausapin si Leo upang makipag usap
ng maayos. Pumayag naman si Leo. Paalis na si Tanya papuntang malayong lugar at nagpunta si Leo para
sana makiusap na wag umalis. Sabi ni Tanya na mahal lang daw sya ni Leo dahil paalis sya. Mula noon ay
laging tulala si Leo pag nag tatrabaho .

Ang nakahahawa na optimismo at positibong pananaw ni Tanya ay nagpapasigla sa inert na Leo.


Nagpasya ang lalaki na hintayin ang pagbabalik ng babaeng nakasakay sa barko. Si Tanya ay hindi na
tinatrato bilang syota o short-time na babae kundi isang potensyal na pangmatagalang partner sa buhay.
Nahanap na niya ang babaeng pinapangarap niya at hindi niya tatanggalin ang kontrata ng pag-ibig dito.

You might also like