You are on page 1of 2

Ikuwento ang napanuod na pelikula gamit ang mga Pangatnig

“KITA KITA”

Si Lea ay isang Filipina ,isang tour guide na naninirahan sa Sapporo, Japan na engaged na
kay Nobu, isang binatang Hapones. Samantala isang gabi, matapos makatanggap ng misteryong
sulat si lea na magkita sila sa isang beer house, nadiskubre niya ang kanyang kasintahan ay
nanliligaw sa kanyang sariling kaibigan, isang babaeng Filipino-Japanese. Bago ilabas ang kanyang
galit, dahan-dahan siyang nagbibilang mula isa hanggang sampu, at inaalala ang lahat ng
masasayang alaala na ibinahagi niya kay Nobu. Habang siya ay lumabas sa beer house, biglang
nandilim ang kanyang paningin kaya siya ay bumagsak at hinimatay.

Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, ang pangyayaring iyon ay naging sanhi ng


kanyang pansamantalang pagkabulag.

Habang sinasanay ang sarili ni Lea sa buhay ng pagkakaroon ng panandaliang pagkabulag

Si Tonyo, ang kapitbahay ni Lea na isa ring Filipino ay nagpakilala sa kanya at nag-effort na
magluto para sa kanya at pasayahin siya , magkagayon man sa kabila ng ilang beses na pagtanggi
ni Lea sa kanya sa kalaunan ay nakuha ni Tonyo ang loob nito at hinikayat itong mamasyal sa
siyudad ng Saporo Japan. Ang dalawa ay naglakbay sa paligid ng mga tourist spot sa Sapporo,

Si Tonyo ang nagsilbing mga mata ni Lea sa lahat ng kanilang pinuntahan na mga tourist
spot sa Sapporo. Napalapit ang loob ng isat isa at nangakong bibisitahin muli ang lahat ng lugar na
kanilang napuntahan sa sandaling muling magkakita si Lea. Pagkatapos ay ipinagdiwang nila ang
isang pseudo-wedding kung saan binigyan ni Tonyo si Lea ng isang Daruma doll—isang Japanese
doll na pinaniniwalaang tutuparin ang mga hiling ng taong pumupuno sa mga mata nito—at
hilingin ang kanyang paggaling mula sa pagkabulag.

Sa isang date nila, iniwan ni Tonyo si Lea sa tabi ng kalsada para kumuha ng stuff toy na
balak niyang ibigay kay Lea. Sa puntong ito, nagsimulang mabawi ni Lea ang kanyang paningin at,
sa unang pagkakataon ay nakita niya si Tonyo na kumakaway sa kanya mula sa kabilang bahagi
ng kalsada. Si Tonyo, ay nagulat at puno ng saya, pero nang sumugod o nagmamdali pumunta si
Tonyo kay Lea nabangga ng sasakyan si tonyo at sa kasamaang palad si Tonyo ay binawian ng
buhay.

Sa pagkamatay ni Tonyo, binisita ni Lea ang tahanan nito, at natuklasan ang isang liham na
iniwan niya para sa kanya. Nalaman niya na si Tonyo ang kanyang tinulungan na lasing na
natutulog sa kalye. Dahil sa ginawa ni Lea sa kanya naantig si Tonyo sa kanyang kabaitan.
Lumipat si Tonyo sa Saporo at naging kapitbahay mismo niya si Lea.

Siya ang nagpadala ng sulat para makipagkita sa isang beer house matapos matuklasan ni
Tonyo ang pagtataksil ng kanyang nobyo at siya rin ang nagbuhat pauwi kay Lea pagkatapos
mawalan ng malay sa daan.

Subalit ibinunyag din sa liham na ito na si Tonyo ay may problema sa puso. Ang kanyang
puso ay lumalaki sinabihan siya ng doctor na maaari itong sumabog anumang oras at iyon ang
magiging dahilan ng kanyang pagkamatay, kaya gusto niyang gawin ang lahat para kay Lea bago
ito mangyari.

Dahil sa pagdadalamhati, inalala ni Lea ang kanilang mga sandali at tinupad ang kanyang
pangako sa pamamagitan ng muling pagbisita sa lahat ng lugar na kanilang napuntahan sa
Sapporo.

You might also like