You are on page 1of 1

Pagpapahalagang Pampanitikan

Gumawa ng Tula ng Kabayanihan ni Gat Andres Bonifacio na nagtataglay ng :


4 na taludtod, 4 - 6 na saknong at may bilang na 12, 14 o 16.

“Si Andres Bonifacio ang batang taga-Tondo”


Ma. Elaine P. Trinidad

Batang Juan kilala mo kanyang ‘ngalan?

Posibleng limo’t na sa bagong panahon

Pinaglaban ang kalayaan sa bayan

Si Andres halika na at kilalanin

Katipunero na may paninindigan

Ang Supremo at Ama ng Himagsikan,

Sandugo’t Magdiwang kanyang ginampanan,

Tapat sa bayan ay ‘di matatawaran.

Itong Andres huwaran ng katapangan,

Batang Tondong buwis-buhay sa bayan,

Nilaban ang kasarinlan sa dayuhan,

Kabayaniha’y hindi malilimutan.

Nahinuha mo na kung sino si Andres?

Oh Juan! ‘wag limutin ang pinagmulan,

Iyong tuntunin ang ating kasaysayan,

Pagka-Noypi isabuhay Batang Juan!

You might also like