You are on page 1of 1

Pagpapahalagang Pampanitikan

Gumawa ng Tula ng Kabayanihan ni Gat Andres Bonifacio na nagtataglay ng :


4 na taludtod, 4 - 6 na saknong at may bilang na 12, 14 o 16.

“Si Andres Bonifacio ang batang taga-Tondo”


Ma. Elaine P. Trinidad

Batang Juan kilala mo ba ang aking tinutukoy?

Sa modernong panahon maaring limot mo na siya,

Natamong “laya” siyang dahilan bakit mayro’n ngayon,

Halika at ipapaalala ko sa’yo si Andres.

Siya’y isang katipunero na may paninindigan

Tinaguriang Supremo at Ama ng Himagsikan,

Sandugo’t Magdiwang kanyang mahusay na ginampanan,

Katapatan para sa bayan ay ‘di matatawaran.

Itong si Andres ay isang huwaran ng katapangan,

Ipinaglaban ang ating kasarinlan sa dayuhan,

Batang Tondong inalay kanyang buhay para sa bayan,

Ang kanyang kabayanihan ay hindi malilimutan.

Nahihinuha mo na ba kung sino si Andres ngayon?

Oh Juan! nawa’y hindi malimutan ang pinagmulan,

Tuntunin ating kasaysayan upang maunawaan,

Pagka- Pilipino iyong isabuhay Batang Juan!

You might also like